ANO KAPALARAN KO SA 2018? CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA DAGA

Ang mga taong ipinanganak sa mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Daga: 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020.

Ang Taon ng Aso ngayong 2018 ay taon ng pahinga na may mga pangmatagalang kapaki-pakinabang na epekto, kung saan ang mga katutubo ng Taon ng Daga ay makakaramdam ng pangangailangang magpahinga at muling magpalakas, nang malayo sa maingay na kaguluhan ng mundo.
Resolusyon ng Chinese New Year ng Taong 2018 para sa Daga: "Hayaan mo na"

Pagsapit ng 2018, maaaring umasa ang Daga na magkakaroon siya ng patas na taon sa kabuuan. Mapipilitan ang unang sign-animal ng Chinese calendar na doblehing muli ang kaniyang mga pagsisikap at maging partikular na matiyaga pagdating sa kaniyang pribadong buhay.

Kailangan din ng pag-iingat sa taong 2018 para sa propesyonal na daga, na mas mainam na tumuon nang hindi napapansin sa pagbubuo ng mga bagong proyekto kay sa pamumuhunan, na maaaring maging delikado para sa kaniya sa Taon ng Aso.

 

Hula para sa Daga

Madalas na hindi mo hinahayaang magambala ka ng kahit na ano, Daga. Masyado kang abala sa pagpapakasaya at pagsisikap na abutin ang iyong mga layunin. Subalit sa taon ng Aso, makikita mong mas determinado ka pang abutin ang ilan sa iyong mas malalaking layunin. Naisaayos mo na ang maliliit na hakbang, at oras na para anihin ang bunga ng lahat ng iyong paghihirap.

Subalit tulad ng kakayahan mong magsikap, alam mo rin kung paanong magpakasaya nang husto. Pahihintulutan kang magpalamig at ipagdiwang ang mga bunga ng iyong pagsisikap sa pamamagitan ng pagpaplano ng minsanang bakasyon.

 

Pag-ibig

Bagama’t hindi palaging pinakamainam na pares sa mundo ang mga Daga at Aso, maaari mong gamitin ang malambing at tapat na enerhiya ng Aso upang mas pagandahin ngayong taon ang anumang mayroon ka sa iyong buhay-pag-ibig.

 

Lubhang mapapasaya ang iyong kapareha kapag natutunan mong sabihin kung ano ang iyong naiisip, sa halip na kimkimin iyon sa iyong sarili.

At kung wala ka pang kapareha at naghahanap ng iibigin ngayong taon, tingnan mo ang lunar eclipse ng Hulyo 27 bilang pinakamainam na panahon upang maging malapit sa taong nagugustuhan mo. Maaari kayong lumikha ng magandang musika kung hahayaan mo ang iyong sariling maging mas bulnerable.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Sa taon ng Aso, maaaring matagpuan ng mga katutubong Daga ang kanilang mga sariling nagbabawas ng mga kaibigan, habang nakikita nila kung sino ang kayang sumuporta sa kanila at hindi. Bagama’t hindi ito laging masaya, mapapagaan ang iyong pakiramdam habang natutuklasan mo kung sino ang iyong mga matatapat na kaibigan. Subalit karamihan ng mga nakakasama mong tao ay mula sa iyong trabaho.

Bibigyan ka ng taon ng Aso ng mga bagong paraan upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan, sa pamamagitan ng mga magkakaparehong aktibidad tulad ng pagpapalusog ng katawan, pagbabasa, pagsusulat, at iba pang masasayang gawain. Kapag ibinabahagi mo ang iyong sarili (na hindi palaging komportable para sa iyo), nagugustuhan ka ng mga tao.

 

Trabaho

Ang iyong sign na Daga ay isa sa mga pinakamasipag na sign sa Chinese zodiac, at madalas na mayroon kang pera upang ipakita iyon. Ang taong ito ay higit na patatakbuhin ng iyong itinatayo. Sa trabaho, naglilinang ka ng napakaraming mahuhusay na relasyon, at ipinapakita sa mga nasa itaas kung ano ang kaya mong gawin.

Gamitin ang makapangyarihang enerhiya ng solar eclipse sa Agosto 11 upang i-abante pa ang iyong mga plano. Subukan mo ring itigil ang laging pag-aasam ng perpekto. Lumalawak ang iyong kasanayan at pinahahanga nito ang napakaraming tao habang nagaganap ito! Humingi ng dagdag-sahod, promosyon, o pareho sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27.

 

Pera

Kahit sa pinakamasasamang araw, napakahusay pa rin ng iyong sign na Daga pagdating sa pera. Alam mo kung paano ito gumagana, at nauunawaan mo ang halaga ng pagtatrabaho ng maraming oras.

Subalit sa taon ng Aso, magsisimula ka nang makakita ng panibagong pag-usad pagdating sa mga larangang ito, na tunay na magpapasaya sa iyo. Mabubuo ang seguridad bilang resulta ng mga matatalinong pamumuhunan sa panahon ng solar eclipse ng Hulyo 12, kung kailan makikita mong nalalagpasan mo ang iyong pinakamahusay, o sadyang napakagaling mo pagdating sa pera.

Hindi magtatagal, makikita mong lalapit sa iyo ang mga kaibigan at kapamilya upang humingi ng payo!

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA BAKA

Ang mga taong ipinanganak sa mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Baka: 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021

Sa 12 sign ng Chinese calendar, ang ikalawang sign ng Chinese zodiac ang pinakakonserbatibo at pinakamalapit sa kaniyang pamilya at mga tradisyon. Ang Baka, na masipag at matiyaga, ay seloso rin, na malamang na madala ng isa sa kaniyang mga pag-aalburoto. Sa taong 2018, mababanat ang pasensya ng Baka. Ganunpaman, may kagandahan ang taong ito sa kabuuan.

Sa bahay, maaaring maging dahilan ng mga alitan ang kawalan ng pag-unawa sa magkapares. Ang hindi makatarungang pagbabahagi ng mahalagang ari-arian sa palagay ng Baka ay naglalagay rin sa kaniya sa panganib na mawala sa katinuan.

Ganunpaman, kailangang matutunang kontrolin ng Baka ang kaniyang galit, at dapat siyang maging maingat na hindi lumampas sa mga limitasyon pagdating sa kaniyang mga kamag-anak at minamahal. Sa taon ng Aso ng 2018, may pagkakataon ang Baka na malamang hindi lahat ay may angking lakas at dedikasyong tulad ng mayroon siya. Mawawala nang biglaan ang mga alalahaning kinahuhumalingan niya minsan kapag napagtanto na niya ang kawalang-kwenta ng mga ito.

Sa taong 2018, hindi dapat mapanghinaan ng loob ang Baka sa pag-abot ng kaniyang mga layunin, at dapat palagi siyang magtiwala sa kaniyang mga kakayahan. Magbubunga kalaunan ng mga hindi inaasahan at kapaki-pakinabang na resulta ang pasensyang maipapakita ng Baka sa gitna ng magulong panahong ito. Ang mga karanasang mapagdadaanan sa taong 2018 ay magpapatatag lamang sa Baka, na siyang may hindi na mapapantayang lakas. Sa pinakamasamang kalagayan, magiging handa ang Baka na burahin ang nakaraan upang muling magbuo ng mas matatatag na relasyon sa pag-ibig, pakikipagkaibigan, at lalo na sa trabaho.

 

Pag-ibig

Noong nakaraang taon, nag-aapoy ang iyong buhay pag-ibig sapagkat nakatagpo ka ng pagmamahalan sa lahat ng nakapaligid sa iyo. Maaaring nakaranas ng unos ang mga walang kaparehang Baka, habang maaaring yumabong naman ang relasyon ng mga may kapareha. Ngayong taon, mas madali kang mapapanatag sa mga bagay-bagay. Kung nakikipag-deyt ka, ikasisiya mo ang mas mabagal na pag-usad ng pagkilala sa isa’t isa. Kung mayroon ka nang kapareha, maaaring maaaring mapagtanto mong halos makakalimutan mo nang maging masyadong mapanuri, kagaya ng kung ano ang karaniwan mong ginagawa.

Mas madali kang makokontento sa iyong sarili, mas madali kang magugustuhan ng iba sa romantikong paraan. Subukan mong iwanan ang iyong nakagawian upang sabihin kung gaano kahalaga sa iyo ang isang tao.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Isa sa magandang aspeto ng iyong sign bilang Baka ay mahirap kang patigilin. Medyo kakaiba, medyo hindi inaasahan, kaya’t kaya mong pahangain ang sinumang makikilala mo.

Ngayong taon, maaaring lumiit ang iyong grupo, subalit mas magiging malapit kayo sa isa’t isa. Magiging usapin ang katapatan sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27, sapagkat maaaring hindi mo masuportahan ang isang tao.

Ngunit huwag kang mag-alala. Madali kang makabangon, at malamang na hindi mo na ulitin ang pagkakamaling iyon. Sa loob ng taon ng Aso, maaari ka pa ngang muling makipag-ugnayan sa mga dating kaibigan, at matuklasan na tila walang lumipas na panahon.

 

Trabaho

Isa sa mga nakakapagpabuhay ng iyong damdamin ay ang kasiyahang nararanasan mo kapag may maayos kang nagagawang trabaho. Kaya ngayogn taon, habang nagsasagawa ka ng mga positibong pagbabago sa iyong buhay-trabaho, hindi dapat ito ituon sa pag-iwan ng kung ano ang hindi mo gusto, kundi pagpapalago sa kung ano ang nais mong makitang yumabong.

Kung gusto mo ng mas maraming oras, panahon na upang humakbang ka sa taon ng Aso, lalo na sa panahon ng solar eclipse ng Agosto 11. Kung gusto mo ng mas maraming pera o mas magandang titulo, ganoon din iyon. Ilang taon ka nang nagsisipag, at panahon na upang makuha ang nararapat sa iyo.

 

Pera

Ang Baka ay mahusay sa pamumuhunan at sa loob ng taon ng Aso, makakakita ka ng mas magaganda pang resulta. Madali na dapat para sa iyo ang paghingi ng dagdag-sahod sa trabaho, sapagkat napahanga mo na nang lubos ang iyong amo.

Hindi rin magiging masama kung makikipag-usap ka sa isang tagapayong pinansiyal. Bagama’t naiisip mong panatilihing likido ang ilan sa iyong kayamanan nang mapakinabangan mo naman ang iyong kinita, hindi ka rin salungat sa pag-iimpok at pamumuhunan.

Kahit pa matukso ka, mas makabubuting hindi magpahiram ng pera sa mga kaibigan, sakaling masubok ang kanilang katapatan. Panatilihin sa iyong sarili ang iyong kaperahan, at mas magiging masaya ka.

 

 

CHINESE HOROSCOPE 2018 FOR THE TIGER

Ang mga taong ipinanganak sa mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Tigre: 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010.

Ang Tigre ay likas na nakakapanghalina, na biniyayaan ng di-matatanggihang pang-akit. Matapang subalit madalas na padaskul-daskol, hindi kailanman tinatakbuhan ng Tigre ang kahirapan. Habang madaling manghina ang loob kapag pakiramdam niya’y nalilimitahan siya ng trabahong hindi angkop sa kanya, wala talagang nakikitang anumang posisyon para sa kaniyang sarili ang Tigre bukod sa pagiging pinuno.

Bukod dito, medyo pangkaraniwang i-ugnay ang mga trabaho bilang angkop sa Tigre ang lahat ng pamagat ng trabahong may kakabit na salitang “pinuno”, “direktor”, o “tagapamahala”. Dapat magpakita ang ibang Chinese zodiac sign ng pang-unawa para sa mapagmalaki at magandang Tigre, sapagkat hindi talaga niya mararamdamang buhay na buhay siya kapag wala ang kasiyahang nagmumula sa pangingibabaw niya sa kaniyang grupo.

 

Habang laging kampante kasama ng ibang tao, napakahusay magsalita ng Tigre, sapagkat alam na alam nito kung paano ipapahiwatig ang kaniyang emosyon sa pamamagitan ng kaniyang malambing na tinig at makarismang kilos ng katawan. Hindi siya napipigilan ng kaniyang hindi mapakali at mapagrebeldeng kaluluwa na sagpangin ang mga tamang pagkakataon sa tuwing maaamoy niya ang mga ito. Madalas na naghahangad ng matitinding emosyon at pangunahing tumutugon sa pamamagitan ng sidhi ng damdamin ang Tigre. Bilang panghuli, mayroong hindi nauubos na reserba ng pagmamahal ang Tigre para sa mga taong pinipili niyang maging bahagi ng kaniyang panloob na sirkulo, habang hindi dapat natutulog nang mahimbing ang kaniyang mga kaaway kung nais nilang manatiling ligtas.

 

Hula para sa Tigre

Sa taon ng Aso, maaaring maramdaman ng Tigre na tila mabagal ang takbo ng buhay. Mas gusto mong mas malaki, mas mapangahas, at mas kapana-panabik ang mga bagay-bagay.

Subalit darating ang taong ito nang may napakalaking kasiyahan at maraming positibong aral sa buhay. Matututo kang magpahinga nang kaunti, at magbukas sa ibang tao. Matututo ka ring hayaan ang ibang mamuno, kahit pa ipinanganak ka para mamuno.

Tuturuan ka ng enerhiya ng Aso na magpahinga pa nang mas madalas, ipagpaubaya ang iyong kilalang init ng ulo, at mas magpakasaya pa sa buhay. Magiging nasa unahan at gitna ang mga kaibigan, pamilya, at mga kasama habang ikinatutuwa mo ang mga relasyon.

Pag-ibig

Mayroong napakalakas na alindog ang Tigre kaya’t hindi kailanman mahirap na maghanap ng kapareha, kung wala ka pang kapareha, o magpalalim ng umiiral na romansa.

Maaaring hindi maging kasing-abala ang taong ito pagdating sa departamento ng pag-ibig tulad ng nakaraang taon, subalit ang mga maaakit mo ay mas malambing, mabait, at higit na mas matapat. Dahil ang katapatan ay lahat para sa isang Tigre, matutuklasan mo ring tunay na mahalaga ang iyong dinadala sa mesa.

Hindi mapuputol ang bigkis na mabubuo mo sa iyong kapareha ngayong taon, lalo na sa panahon ng solar elipse ng Agosto 11. Habang nakikilala niyo ang isa’t isa, magkasama rin kayong bumubuo ng gayuma. Mangingibabaw ang sinseridad.

Pamilya at Mga Kaibigan

Ang karaniwan mong paraan ay malaki, mapangahas, at mapaggiit, subalit ngayong taon, sa ilalim ng enerhiya ng Aso, mag-e-eksperimento ka sa mas tahimik na mga gabi sa tahanan, maliliit na salu-salo kasama ang mga kaibigan, at pagpapalipas ng oras habang nagpapahinga lang.

Napakasarap minsan ng pakiramdam kapag muling nakikipag-ugnayan sa mga dating kaibigan sa gitna ng magulong daigdig, at matutulungan ka nitong magpakawala ng pagod na naipon sa loob ng ilang taon.

Patatampukin ng lunar eclipse ng Hulyo 27 ang mga bagong relasyong pumapasok sa iyong buhay. Mga bagong katrabaho man iyon o mga kaibigan, ang iyong likas na pagiging sensitibo ay nakakatulong na balansehin ang lahat nang may kasanayan. Maglaan ng mas maraming panahon para sa pagpapalipas ng oras nang walang partikular na layunin – lubhang nakakapagpagaan ng pakiramdam iyon paminsan-minan.

 

Trabaho

Bagama’t ang sign mo ang dating namumuno, ngayong taon, habang pumapalit sa pwesto ang Aso, magiging mas makikipagtulungan ka sa buong grupo. At makikita mong mas magiging madaling umuwi nang hindi gaanong pagod nang dahil dito!

Habang binabalikat ng bawat isa ang kanilang bahagi, makakadiskubre ka ng bagong kasanayan sa pagtatalaga ng trabaho na hindi mo alam na mayroon ka, at maaari mong ipagmalaki ito sa pagtatasa ng iyong taon.

Magandang pagkakataon ito para sa mga negosyante upang maglunsad ng mga bagong layunin, lalo na sa panahon ng solar eclipse ng Hulyo 12. Mas marami kang kikitain at matatanggap na pakinabang kung hihingin mo ang gusto mo.

 

Pera

Bagama’t maaaring maging labis na disidido aang Tigre minan, may tendensiyang mawala iyon pagdating sa pera.

Mabuti na lamang at mas mabagal at banayad ang taon ng Aso, kaya makakahabol ka sa mga kinakailangang pagpoproseso ng papeles para sa pinansiya at pagbubuwis. Habang nagtatabi ka ng pera, ipagmamalaki mo ang iyong sarili sa pagpaplano sa iyong hinaharap.

 

Sa katunayan, tuwang-tuwa ka sa mga kaganapang pinansyal ngayong taon na maaaring gantimpalaan mo ang iyong sarili sa pagbili ng isang malaking bagay sa katapusan ng tag-init. Higit ka pa sa karapat-dapat dito!

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA KUNEHO

Ang mga taong ipinanganak sa mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Kuneho: 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011.

Ang kuneho, ang ikaapat na sign ng zodiac sa Chinese calendar, ay konserbatibo, banayad, at mahiyain. Bagama’t hindi ito magdadalawang-isip na maging sentro ng atensyon, pangunahing matalinong estratehista at napakahusay sa diplomasiya ng Kuneho. Hindi labis ang pagiging ambisyoso ng Kuneho at kaya nitong magpakita ng mga ugali ng suplado, walang pakialam, at tamad. Pareho niyang kayang mapag-isa at kasabay noon ay nakaasa pa rin sa kaniyang tahanan.

Sa Taon ng Aso ng 2018 ay mawawala na rin sa wakas ang mga alalahanin ng mga nakaraang taon habang magsisimula nang anihin ng Kuneho ang mga bunga ng kaniyang pagsisikap. Napakagandang taon ng 2018 para sa Kuneho. Sa pag-ibig man o negosyo, isang pagkakataon rin ang Chinese Lunar year ng 2018 upang magdala ng kaayusan ang Kuneho sa kaniyang mga usapin.

Maaaring mangarap na magtagumpay ang Kuneho sa lahat ng larangang kinasasangkutan niya sa Taon ng Aso ng 2018. Magiliw at may kasanayan ring malalagpasan ng Kuneho ang anumang kalagayang may tensyon o krisis na haharapin niya sa taong 2018.

 

Hula para sa Kuneho

Ang iyong sign bilang Kuneho ang pinakamainam na kapares ng Aso, at kilala kayo bilang nagkakasundo. Sa taon ng Aso, tila pakikinabangan mo ang lahat ng aspeto ng iyong buhay. Magsisilbing lunsaran ang solar eclipse ng Hulyo 12 upang simulan ang pagkamit ng iyong mga layunin at pangarap.

Mula sa mga bagong relasyon hanggang sa pag-usad sa trabaho at sa iyong personal na buhay, napakagandang taon nito upang bumuo ng katatagan. Kahit ang iyong pinansiyal na sitwasyon ay itutulak ng elemento ng daigdig, at makikita mong lumago ang iyong pera sa pamamagitan ng maingat na pagdedesisyon. Pakawalan mo ang kaunting bahagi ng iyong ipon at magpakasaya ka ngayong taon!


Pag-ibig

Sanay na sanay kang nag-iisa kaya’t magugulat ka kapag may umamin ng kanilang walang kamatayang pagmamahal para sa iyo ngayong taon.

Kung wala ka pang kapareha at naghahanap ka ng bago, magandang panahon ito upang tumuklas ng mga romantikong gabi sa ilalim ng mga bituin, at mga masasayang aktibidad na maaari ninyong gawin nang magkasama. Maaaring mas tumindi ang iyong pagiging sensitibo ngayong taon, ngunit huwag kang mag-alala. Mas mahusay ka nang magpahayag ng iyong naiisip pagdating sa mga usaping pag-ibig.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Hindi ang Kuneho ang pinakamahilig sa pakikihalubilo sa lahat ng sign sa zodiac. Mas gusto mo ng maliliit at tahimik na pagtitipon kaysa sa maiingay na kasiyahan kung saan hindi mo marinig ang sarili mong nag-iisip.

Sa taon ng Aso, makikipag-ugnayan kang muli sa mga dating kaibigan sa maraming paraan, at makikita mong masayang makasama ang ilang kapamilya. Habang nakikilala ninyong muli ang isa’t isa, mapagtatanto mong walang oras na lumipas, at malaya kayong ipagpatuloy ang anumang napag-iwanan.

 

Trabaho

Lubhang makakatulong ang iyong likas na kasayan sa pag-oorganisa ngayong taon, sa puntong maaari mo pa nga itong pagkakitaan.

Bagama’t hindi naman talaga mahilig sa negosyo ang mga Kuneho, itutulak ka ng solar eclipse ng Hulyo 12 upang makita kung kaya mong lumikha ng bagong pagkakakitaan.

Makikita ng mga may trabaho na ang taong ito ay puno ng mabagal ngunit banayad na paglago upang makamit ang kanilang mga pangarap sa trabaho. Maaaring hindi mo kaagad makukuha ang opisinang malaki, subalit ipinapakita ng bawat araw na lumilipas kung gaano ka kasipag magtrabaho at karapat-dapat na tumanggap ng dagdag na sahod, promosyon at/o dagdag na mga benepisyo. Pinaghirapan mo ang bawat sentimo.

 

Pera

Magagamit rin ang iyong kahusayan sa pag-oorganisa sa iyong mga pinansya. Habang papalapit ang Taon ng Aso, mayroon kang maraming pagkakataon upang palakihin ang iyong kabuuang halaga.

Bagama’t mas gugustuhin mong manatili sa konserbatibong aspeto ng pamumuhunan, maaari kang makumbinsing ipagsapalaran pa nang kaunti ang iyong pera. Ang pagkakaroon ng maraming pinagkakakitaan ay magpapahintulot sa iyong gumastos ng mas malaki sa malalaking bagay tulad ng bagong bahay, o pagpapaayos ng bahay mo ngayon upang pataasin ang halaga nito.

Ituring ang solar eclipse ng Agosto 11 bilang magandang pagkakataon upang suriin ang iyong mga ari-arian, at tukuyin kung alin ang kumikita at alin ang dapat nang pakawalan.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA DRAGON

Ang mga taong ipinanganak sa loob ng mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Dragon: 1928, 1940, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012.

Ang Dragon, na makapangyarihan at mapang-akit, ay mahilig sa kakaiba at karangyaan. Medyo mahirap para sa ibang makisabay sa kalabisan ng Dragon. Palagi itong puno ng enerhiya at pagiging malikhain.

Hindi kailanman nauubusan ng mga bagong proyektong isasagawa, ang Dragon ay isang idealistang buung-buong pinanghahawakan ang kaniyang mga ambisyon. Malamang na nagdurusa sa naglalagablab na apoy ng kaniyang mapangwasak na galit ang mga taong nagtatangkang tumuligsa sa kaniya. Hindi kailanman sasapat sa kaniya ang mga kabiguan. Palaging nakukuha ng Dragon ang maramihan nitong layunin sapagkat palagi rin itong nakatitiyak sa kaniyang sarili at sa pangingibabaw nito, hindi man makatarungan ayon sa iba.

Para sa Dragon, ang taong 2018 ay isang perpektong panahon upang muling magpokus sa kaniyang sarili at ibalik sa ayos at gawing epektibo ang kaniyang buhay-pinansiya.

 

Hula para sa Dragon

Dahil hindi madalas na nagkakasundo ang iyong sign na Dragon at ang Aso, maaaring maging taon ito ng mga pagbabago para sa iyo. 

Gusto mong maging mas mabilis at nagbabago ang mga bagay-bagay kaysa sa kayang ibigay ng Aso. Ngunit kung gagamitin mo ang iyong enerhiya upang matuto ng mga bagong kasanayan tulad ng tiyaga, pakikiramay, at pag-aalaga ng sarili, aangat ka sa pinakaitaas tulad ng lagi mong nagagawa.

Partikular na mangangailangan ng atensyon sa panahon ng solar eclipse ng Hulyo 12 ang iyong kalusugan, kung kailan madali kang mabubugnot dahil sa labis na pagtatrabaho, at walang sapat na panahon upang maglaro. Subukang magkaroon ng kapaki-pakinabang na panahon para sa iyong sarili nang malayo sa lahat, upang makapagpahinga at muling makapagpalakas.

Pag-ibig

Karaniwan ay gusto mong tahakin ang daang mapangahas pagdating sa pag-ibig at romansa. Bilang Dragon, mas gugustuhin mong ipahayag ang iyong naiisip, at hayaang mangyari kung ano ang mangyayari.

Subalit sa taon ng Aso, maaaring mapigilan ang iyong mga nakagawiang diskarte. Papasok sa eksena ang katapatan sa lahat ng iyong relasyon, lalo na sa pag-ibig, ngayong taon.

Pinag-aaralan mo mang magtiwala ulit matapos ang masalimuot na hiwalayan, o gusto mo lang tiyakin na sapat ang tatag ng inyong pag-iisa, bigyan mo ng panahon ang iyong sarili upang mas maging malapit, o hayaan mo nang magtapos ang isang ito. Yayabong ang mga pagsasama sa ikalawang hati ng taon.

Pamilya at Mga Kaibigan

Bagama’t sanay kang manguna at maging sentro ng iyong malaking barkada, magdadala ang taong ito ng mas maliliit na pagtitipon at pagsasalu-salo kasama ang iyong mga pinakamalapit na kaibigan.

Samantalang mayroong bahagi ng iyong sarili na hahanap-hanapin ang malalaki’t maiingay na kasiyahan, magugustuhan mo rin ang bagong mundong ito. Darating ang mga bagong kaibigan sa pamamagitan ng mga dating kaibigan, at kabaligtaran, at makikita mong mayroong malalaking pakinabang ang muling pakikipag-ugnayan sa mga tao sa iyong nakaraan.

Napakasarap sa pakiramdam na malamang labis kang minamahal at hinahangaan ng lahat. Sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27, pagplanuhan mong maglunsad ng pagtitipon nang mag-isa, at kilalanin ang iyong mga kapitbahay.

Trabaho

Ngayong taon, habang pumapasok ang Aso, maganda ang magiging pakiramdam mo pagdating sa mga pagbabagong isinagawa mo noong nakaraang taon. Bagama’t tila mas mabagal ang taong ito, marami kang makakamit.

 

Makakakuha ng atensyon ang mga proyektong aaprubahan mo, at mapapansin na ng mga nasa itaas ang dinadala mo sa hapag-kainan. Makipagtawaran para sa dagdag na sahod at benepisyo sa huling bahagi ng tag-inig hanggang maagang bahagi ng Setyembre para sa mga pinakamagandang resulta.

Pinakamagandang panahon upang iparating sa iyong amo ang iyong mga hinaing mula Pebrero hanggang Abril, o umalis ka na lamang upang magsimula ng sarili mong negosyo kasama ang mga kasosyong may kaparehong pananaw.

 

Pera

Gustung-gusto ng iyong sign ng Dragon ang pagkakaroon ng pera, subalit hindi masyadong mahusay sa pagtatabi nito.

Habang sinasanay mo ang iyong sarili sa mas mabagal na takbo ng taon ng Aso, tingnan mo kung maaari kang magtakda ng awtomatikong planong magtabi ng bahagi ng iyong sahod para sa pag-iipon. Hindi na makakasakit ang bagay na hindi mo naman alam.

Bagama’t malamang na mainip ka sa pag-iisip o pagbabasa tungkol sa pamumuhunan, magbubunga ng magagandang resulta ang pagpaplano para sa iyong hinaharap pagsapit ng katapusan ng taon. Ipagmalaki ang lahat ng iyong nakakamit. Ang pagiging tapat sa iisang estratehiya ang daan upang kumita ka pa ng pera.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA AHAS

Ang mga taong ipinanganak sa mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Ahas: 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, 2025.

Kaakit-akit at mainit, maingay at maliksi, pinayayabong nang buong giliw ng Ahas ang kaniyang hilig sa mga lihim mahiwaga.

Ang mga Ahas ay mga taong mahilig sa kasaysayan, elegante at pino, na hindi kailanman pinagdududahan ang kanilang mga sarili. Madalang na tinatamaan ng mga problema sa pera na madalas harapin ng iba pang Chinese zodiac sign, ang Ahas ay pinagkalooban ng banayad at nakakabighaning kagandahan. Napakahusay bilang mga pulitiko, pilosopo, doktor, siyentista, at arkeolohista ng mga Ahas.

 

Sa taon ng Aso ng 2018, mas magiging mahigpit ang Ahas. Ang Taon ng Aso ng 2018 ay isang kalmado at tahimik na taon para sa Ahas. Ikasisiya niya ang mga aktibidad na hindi nangangailangan ng pagod o panganib.

 

Hula para sa Ahas

Alam ng lahat na mahusay kang mang-akit, at dodoble ito sa taon ng Aso. Sisimulan mo ang taon sa pamamagitan ng pagbubuo ng matitibay na layunin, at pagbibiswalisa ng iyong ninanais. Mula roon, mag-ingat ka na.

Kapag nakasama mo ang Aso, pareho kayong makikinabang. Magiging tampok ang mga pakikipagsosyo sa panahon ng solar eclipse ng Agosto 11, at maaaring mahirapan ka nang magtago ng mga bagong relasyon.

Bakit pa? Mas masaya ka kapag magkasama kayo. Ngunit dahil gusto mong napapahusay ang iyong sarili, nagpapakahusay ka rin sa mga bagong kasanayan tulad ng katatagan, tapang at panibagong enerhiya. Tiyakin mo lang na makakapagpahinga ka tuwing gabi!

 

Pag-ibig

Kaya mong magkaroon ng malakas na dating sa mga lalaki o babae, Ahas, at hindi naiiba ang taong ito. Bagama’t maaaring mas kaunti ang mabibighani mo kung ikaw man ay nasa merkado, mas mababait, malalambing, at matatapat sa pangkalahatan ang mga maaakit mo.

Hindi mo na kailangang magpasikat pa. Ang tanging hinihingi ng pagiging payak ng taon ng Aso ay maging totoo ka sa pag-ibig at romansa. Kahit pa nangangahulugan iyong hayaang maalog ang bangka paminsan-minsan, palaging mananalo ang pagpapahayag ng iyong isip sa mapagkumbabang paraan.

Magiging marubdob ang mga romantikong gabi sa buwan ng Setyembre at Oktubre, kaya’t maghanda ka!

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Para sa mga Ahas, ang pakikisama sa iba ay maaaring maging kasingtagal lang ng oras na inilalaan mo para mapag-isa. Mas gugustuhin mong mapag-isa minsan, at ayos lang iyon sa iyo.

 

Subalit ngayong taon, sa ilalim ng enerhiya ng Aso, itutulak ka para magbuo ng mas malalalim na pakikipagkaisa sa mga taong matagal nang nasa iyong buhay. Mula sa mga halos bagong kaibigan hanggang sa mga dati nang mga kapitbahay, mas magiging mahalaga na ngayon ang kalidad ng mga pakikipagkaibigan sa halip na kantidad.

Ibig sabihin nito, mas magiging masaya kayo sa mga magkakaparehong hilig tulad ng paglalakad, pagbibisikleta, at pagbabakasyon, gayundin ang mga nakatutuwang aktibidad gaya ng pagboboluntaryo ng inyong oras at pera sa kawanggawa.

 

Trabaho

Kilala ang iyong sign bilang Ahas dahil sa iyong etika sa pagtatrabaho at kakayahang unahan ang trabaho.

Sa taon ng Aso, maaaring tila maging mabagal ang pag-usad ng mga bagay-bagay kung titingnan mula sa labas, subalit mayroon kang plano at pinaninindigan mo iyon. Ang katapusan ng Agosto at simula ng Setyembre ay tamang-tama para ipakita sa iba kung ano ang tunay na kaya mo, habang nakakaakit ka ng mga bagong kliyente, tumutulak sa mga proyekto nang paabante, at sa pangkalahatan ay pinangingibabawan ang lahat ng nasa iyong paligid.

Huwag hayaang nakawin ng ibang tao ang iyong pinaghirapan pagdating sa pagsasara ng usapan. Magsisimula sa iyong sarili at sa katapatan sa sarili mong mga ambag ang pagpapatunay ng iyong katapatan sa kompanya.

 

Pera

Pareho lang kayo ng Aso na maaasahan pagdating sa pera, kaya walang dudang susulong ka sa usaping pinansiya sa taon ng Aso.

Ikokonekta ka ng elemento ng Daigdig sa lahat ng nais mong buuin, iyon man ay pagbabayad ng utang, o pagtatayo ng iyong tahanan. Hindi problema para sa iyo ang pag-iipon, subalit maaaring maging problema ang pagsunod sa utos ng iba.

Sundin ang iyong sarili pagdating sa pamumuhunan ng iyong pera, at maaaring makakita ka ng mas magagandang resulta kaysa sa inaasahan. Ang solar eclipse ng Pebrero 15 ay magsisimula ng panahon ng kayamanan na hindi mo pa nakikita sa loob ng mahabang panahon. Magpakasaya ka sa abot ng makakaya.

 

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA KABAYO

Ang mga taong ipinanganak sa loob ng mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Kabayo: 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014.

Ang ikapitong sign ng Chinese zodiac, ang Kabayo ay isang atletang laging kumikilos at mahilig sa malalayong pakikipagsapalaran. Mahusay at bihasa rin siya sa pagsasalita, sapagkat komportable siya sa lipunan. Gayunpaman, may tendensiya ang Kabayong iwasan ang kaniyang mga responsibilidad, lalo na kapag sinusubukan ng ibang taong paamuin siya nang wala ang kaniyang pagsang-ayon.

Ang kaniyang kasikhayan, gayundin ang kaniyang walang hanggang pagnanais para sa kalayaan at marurubdob na damdamin, ay maaaring pumigil sa kaniya sa pagsasagawa ng kaniyang mga proyekto. Sa kabilang banda, kapag pinili ng Kabayo ang tamang landas, napupuno ang kaniyang pakikipagsapalaran ng mga kamangha-manghang tagumpay. Masyadong natutuwa sa kaniyang sarili (may mga nagsasabi pa ngang makasarili siya), ang kaniyang kakaibang kakayahang makaamoy ng panganib mula sa malayo ay laging nagbibigay sa Kabayo ng malaking halaga bilang kasama.

 

Hula para sa Kabayo

Tunay na nagkakasundo ang iyong sign bilang Kabayo at ang mga Aso, kaya sa taon ng Aso, nakatakda kang magkamit ng malalaking tagumpay sa lahat ng larangan ng iyong buhay!

Kahanga-hanga ang iyong pagiging maaasahan, subalit kung sinasamantala ka na ng isang kaibigan, panahon na upang magkaroon ng masinsinang usapan tungkol sa mga limitasyon sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27. Ilang beses mo lang maaaring tulungan ang isang tao bago ito tumanda.

Sa kabutihang palad, ang iyong mga personal na layunin, tulad ng mas malusog na pangangatawan at pagkatao, ay masisimulan mo nang makamit pagdating Marso. Mahirap kang talunin kapag ginagamitan mo ng iyong enerhiya.

 

Pag-ibig

Gustung-gusto kang makasama ng lahat, Kabayo, at maaari kang magkaroon ng higit sa isang makikipagkompitensya para sa iyong puso ngayong taon.

Kung wala ka pang kapareha at kamakailan lamang nakikipag-deyt, o kung naghahanap pa lang ng iyong makakapareha, bibigyan ng liwanag ng solar eclipse ng Agosto 11 ang tamang tao.

Kung ikaw ay may asawa, asahan ang magandang balita sa isang bagong hakbang na inyong isinasagawa nang magkasama sa katapusan ng Nobyembre. Maaaring hindi maging madali ang pagbubuo ng tiwala, subalit susi iyong ngayong taon upang makamit ang inyong pinaghirapan. Maaari rin kayong makatuklas ng bagong paraan upang magkaroon ng mga romantikong gabi, tulad ng pagbabasa ng mga sexy na text sa isa’t isa.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Masaya ang lahat kapag nakakasama ang iyong sign bilang Kabayo dahil sa iyong pagiging masayahin at matalino.

Sa taon ng Aso, maaaring hindi ka gaanong magdadagdag ng mga bagong kaibigan tulad ng nakagawin, subalit ang mga pananatilihin mong malapit sa iyo ay nariyan na sa panghabambuhay. Ikatutuwa mo ang muling pakikipag-ugnayan sa mga dating kaibigan sa panahon ng solar eclipse ng Hulyo 12, at makikita mong tila walang oras na lumipas nang hindi kayo magkasama.

Sino ang makakapagsabing magiging magkakaibigan pa rin kayo habambuhay? Malamang ikaw, pero sino ba ang umaasa? Partikular na makakaakit ng mga bagong kaibigan ang iyong mga kinahihiligan, lalo na iyong mga pinakagusto mong gawin.

 

Trabaho

Ang ekspresyong “workhorse” ay binabanggit habang ikaw ang nasa isip, dahil sa iyong matibay na etika sa pagtatrabaho at nagsasariling pamamaraan.

Maaaring hindi ka laging nakikipagtulungan sa buong pangkat, subalit kailangan mong matutunan ito sa taon ng Aso. Magiging malaking usapin ang pera sa trabaho ngayong taon, partikular sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre. Kaya kung sa palagay mo ay hindi ka binabayaran ng sapat, humingi ka ng dagdag-sahod!

Nag-iisip ka na ring magnegosyo, kaya kung pangarap mong magkaroon ng sariling negosyo, isaayos ang mga plano sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27, kung kailan magkakaroon ka ng mas maraming suporta.

 

Pera

Gustung-gusto mo ang pagpaplano ng iyong buhay, Kabayo, at ang mga pinakamahusay na plano ngayong taon ay iikot sa iyong pinansiyal na buhay. Sa wakas, abot-kamay mo na ang katatagan at kaginhawahang inaasam mo, matapos ang ubos-kayang paglalabas ng enerhiya noong nakaraang taon.

Ngayon, panahon na upang gamitin ang iyong pananaliksik at mamuhunan. Maaaring magmukha itong nakakainip, subalit kapag kumikita na ang iyong pera, napakaganda nito sa pakiramdam. Magsisimula sa Enero ang pagpapatunay ng iyong katapatan sa iyong sarili at sa iyong hinaharap, kapag nakatipid ka na ng malaki sa pamamagitan ng maagang pagpaplano ng pagbabayad ng buwis. Maaari ring umayon sa iyong mga bituin ang pagkonsulta sa isang pinansiyal na tagapayo, sapagkat maaari kang higit pang tulungan ng ekspertong payo tungo sa pagkakaroon ng pinansiyal na kaseguruhan.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA KAMBING

Ang mga taong ipinanganak sa loob ng mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Kambing: 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015.

Tunay na pinakamahilig sa sining sa lahat ng selestyal na hayop ng astrolohiyang Tsino, angkin ng Kambing ang mga katangian ng kaniyang mga depekto, at mga depekto ng kaniyang mga katangian, sapagkat napakatalino, maalam, at malayo ang tinatanaw nito. Bagama’t tila mahina ang Kambing sa una, ang totoo’y matatag at praktikal na oportunista niya, lalo na pagdating sa pagtatanggol ng kaniyang mga sariling interes.

Ang Kambing ay lubhang mapagbigay sa tuwing kaya niya. Siya’y elegante at pino, subalit pabagu-bago at hindi rin makapagpasya, at hindi nagdadalawang-isip na magreklamo kapag hindi sapat ang kaniyang tinatanggap ayon sa kaniyang pananaw.

Napakahusay ng Kambing sa mga hindi kaaya-ayang sitwasyon, at alam na alam nito kung sa aling bato ilalapat ang kaniyang maseselang paa, kung saang direksyon tatalon, lalo na kapag usapin ng pagpreserba sa kaniyang espiritwal at materyal na katahimikan, na hindi maaaring mawala sa ngalan ng kaniyang ikabubuti at pagyabong. Ang Kambing ay kahanga-hanga at lubhang magiliw, subalit kaya niyang galitin ang kaniyang mga kaibigan sa kaniyang mga walang kwentang pananangis. Likas na artista o politiko, kailangang mahusay na nasasamahan ang Kambing upang buung-buo na mamulaklak, na siyang magtatanggol sa kaniya mula sa mga parasitikong hindi magdadalawang-isip na samantalahin ang kaniyang napakaraming talento, sa pamamagitan ng paggamit ng mga papuri, isang paraan kung saan napakasensitibo ng Kambing, sa kasamaang palad.

 

Hula para sa Kambing

Bagama’t sinusubukan mong makasundo ang lahat ng nakikilala mo sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa madla, hindi gaanong nagkakasundo ang mga enerhiya ng Kambing at Aso.

Kung gayon, maaaring kailanganin mo munang masanay sa taon ng Aso. Buung-buo na maipapakita ang iyong likas na pagiging malikhain ngayong taon, habang lumilikha ka ng mga bagong oportunidad para sa iyong sarili sa loob at labas ng iyong pinagtatrabahuhan.

Papailanglang ang mga relasyon pagsapit ng kalagitnaan ng taon, kapag hindi mo na kayang sarilihin ang iyong mga nararamdaman. Mabuti  na lamang at nagbalik sila. Tutulungan ka ng mga kaibigan, pamilya, at iba pang tapat na kasama na makabangon kapag mahirap ang sitwasyon.



Pag-ibig

Pasulpot-sulpot ang iyong buhay pag-ibig nitong mga nakaraang taon, habang hirap kang kinikilala pa nang kaunti ang iyong sarili.

Ngayong taon, nakatakda at handa ka nang makipagkasundo sa tamang tao.

Gustung-gusto ng mga walang kaparehang Kambing na hayaang mamuno ang kanilang mga kapareha, subalit ngayong taon, mag-e-eksperimento ka rin sa pagpapahayag ng iyong iniisip pagdating sa pag-ibig. Mula sa pakikipagdeyt sa online hanggang sa mga sinaunang romantikong gabi sa bayan, ang taong ito ay punung-puno ng mga pagkakataong makipag-ugnayan. Ang solar eclipse ng Pebrero 15 ang magdadala ng magandang simula para sa taong ito, na magbibigay sa iyo ng karagdagang tiwala sa sarili.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Maaaring maitaboy ng iyong pagiging tahimik ang ibang tao. Subalit alam mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan, Kambing.


Sa taon ng Aso, susulpot nang paulit-ulit ang usapin ng katapatan. Sino nga ba ang maaasahan mo at sino ang hindi? Sa kabutihang palad, matutuklasan mong marami kang kaibigan. Ang pagpapanatili sa iyong mga pinakamatalik na kaibigan ay nangangahulugang pagbibigay ng mas maraming oras para makasama sila, at paglalakbay at pagsasaya nang kasama sila.

Maaari ka pa ngang maglaan ng oras sa mga kaibigan mula sa nakaraan, at muling magkaroon ng ugnayan. Bahagi ang lahat ng ito ng taong magtuturo sa iyo tungkol sa pagiging malapit sa isa’t isa, at kung paanong pasasayahin at tutulungang maging malusog ang mga taong pinakamahalaga para sa iyo.

 

Trabaho

Sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27, may nakakalitong balita na maririnig sa trabaho ang mga Kambing. Maaaring mayroong mamuong galit dahil kailangan mong magpaiwan sa trabaho hanggang gabi upang tapusin ang isang proyekto o hindi mo makukuha ang dagdag-sahod na sa palagay mo ay dapat mong makuha. Sa halip na hayaan itong sirain ang iyong taon, panahon na para bumuo ng bagong plano nang sa gayon ay makakuha ng positibong pansin ang iyong mga paghihirap.

Hihingin ng taon ng Aso na ipakita mo ang iyong katapatan sa kompanya sa bago at malikhaing paraan. Makakatulong ang pangunguna sa isang proyekto sa panahon ng Hunyo hanggang Hulyo upang malaman ng mga nakatataas na seryoso ka sa pananatili, at magbubunga ito sa katapusan ng taon.

 

Pera

Kilala ang mga Kambing dahil sa kanilang pagiging malikhain at ngayong taon, magkakaroon ka ng maraming pagkakataon upang ipakita iyon. Ang isang paraan ay ang iyong buhay-pinansiyal, na partikular na lalago sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre.

Ihahanda ng solar eclipse ng Agosto 11 ang entablado para sa pagtanggap ng mas malaking sahod sa trabaho, subalit posibleng magsimula ka ng sideline na trabaho sa online. Napakatalino mo, at kaya mo itong gawin nang walang kahirap-hirap.

 

Sa halip na mangarap na manalo sa lotto, ang pagkokombina ng iyong mga likas na kasanayan sa marketing ay nangangahulugang mas marami kang maaabot na tao, kahit habang natutulog ka! Magpakasaya ka sa iyong kikitain pagsapit ng katapusan ng taon, kung kailan maaaring mainggit ang iba sa iyong ipon sa bangko.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA UNGGOY

Ang mga taong ipinanganak sa loob ng mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Unggoy: 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016.

Matalino, mahilig sa pagkain, mahusay sa maraming bagay at mapanlikha sa lahat ng kaniyang ginagawa, hindi nag-aalangan ang Unggoy na gumamit ng panunuso at ng kaniyang likas na karisma upang makamit ang kaniyang mga layunin. Nakakatawa at masayahin, subalit kasabay nito ay hindi rin matatag pagdating sa pakikipagrelasyon sa iba, kayang magpalit ng mga kaibigan o tahanan ng Unggoy sa isang iglap.

Parehong mahusay na tagapagmasid at pusakal na manlalaro ang Unggoy, na matalino rin tulad ng lahat ng Unggoy, at dalubhasa sa sining ng pagpapanggap at pagdadahilan. Hangga’t nangangahas siyang suungin ang mga panganib para lang tapusin ang mga bagay-bagay, magtatagumpay ang Unggoy sa halos lahat ng larangan.

Pagsapit ng 2018, magiging mahusay ang Unggoy sa pagpapayabong ng karunungan at sentido komun upang matutunang tanggapin ang kaniyang mga nakaraang pagkakamali sa pilosopiya.

 

Hula para sa Unggoy

Ang mga Unggoy na tulad mo ay sanay na makuha ang kanilang gusto sa buhay. Subalit sa taon ng Aso, maaaring umikot ang ilan sa iyong mga hamon sa pangangailangang bumuo ng alyansa sa mga taong mas gugustuhin mong iwasan.

Sa trabaho, kumikinang ka kapag nagiging tunay kang manlalaro ng pangkat, samantalang sa pag-ibig, ang pagbubukas pa nang kaunti ay magtataas sa inyong pareho. Kikinang ang iyong likas na pagiging malikhain sa taglamig, kapag nalaman mong may taong gustong magbayad kapalit ng iyong mga talento.

 

Maaaring mas maging kalmado ang mga pakikipagsapalarang harapin mo kaysa sa mga nakaraang taon, subalit sa pangkalahatan ay mas nakakapagpasaya. Higit na mas mahalaga ngayon ang mga kaibigan at kamag-anak.

 

Pag-ibig

Pagdating sa romansa, gusto ng mga Unggoy na manguna. Maaari silang maging makipag-deyt nang sunud-sunod, o magpalipat-lipat na lang mula sa isang relasyon tungo sa isa pa hanggang sa makita nila ang taong tama para sa kanila.

Subalit sa taon ng Aso, pag-iisipan mo nang makisama sa taong mahal mo. Subukan mong hindi kumbinsihin ang iyong sarili na iwanan ang isang magandang bagay. Kahit iyong may mga kapareha na ay maaaring mapagtantong kaakibat ng pagiging mas malapit sa isa’t isa ang pagsubok ng katapatan, na pareho ninyong maipapasa nang napakahusay.

Mula Marso hanggang Agosto, isipin mo kung saan ninyo nais tapusin ang taon nang magkasama, at maaaring makarating nga kayo roon. Kung ano ang pinagsasaluhan ninyo’y ikasisiya ninyong pareho.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Ang Unggoy ang isa sa mga pinakamapagkaibigan sa Chinese zodiac, at kailangang nasa paligid mo lang ang pinakamalapit sa iyo ngayong taon, habang tila masyadong mabagal ang takbo ng buhay para sa iyo.

Palagi kang may oras para sa iyong mga tapat na kaibigan, at hindi naiiba ang taon ng Aso. Maaari kang maglunsad ng maliliit na pagtitipon para sa mga dati at bagong kaibigan, o salu-salo para sa mga buhay na talakayan hinggil sa maiinit na usapin.

Huwag kalimutang makipagtsismisan nang kaunit, na siyang laging ikinasisiya ng iyong sign. Ang panahon ng solar eclipse ng Pebrero 15 ang pinakamainam na panahon.

 

Trabaho

Sa panahon ng lunar eclipse ng Hulyo 27, isipin mo kung nasaan ka na sa iyong trabaho. Kung hindi mo pa nararating ang nais mong kalagyan, kung nabahura ka na sa nakakainip na trabaho o karerang walang kabuhay-buhay, ngayon na ang tamang panahon para sa pagbabago.

 

Bagama’t walang malakas na enerhiya ang taon ng Aso gaya ng gusto mo, pahihintulutan ka ng banayad na pag-usad na magkamit ng malalaking pag-unlad.

Dapat isagawa ang paghingi ng dagdag-sahod sa bandang Marso hanggang Hunyo, kapag sinusuportahan ka ng mga planeta. Maganda ang paghingi ng malaki, subalit tatanggihan ka lang kung labis naman ito.

 

Pera

Hindi palaging magkasundo ang mga Unggoy at pera. Hindi naman sa hindi ka mahusay dito. Masyado lang itong kumakain ng oras para paglaanan mo ng iyong atensyon.

Subalit may magandang balita! Maaari kang makakita ng kaunting tulong sa pag-iipon at pamumuhunan sa pamamagitan ng isang tagaplanong pinansiyal, o isang serye ng mga artikulo o librong babasahin mo. Palalakasin nito ang iyong loob para gustuhing mas magpakahusay, at gamitin ang enerhiya ng Aso upang buuin ang iyong personal na imperyo ng pinansiya.

Isipin kung sa aling mga tatak ka naging tapat nang buong buhay mo, at simulang mamuhunan doon. Ang banayad na paglago ay nangangahulugan din ng katatagan. Tiyaking maaasikaso mo ang anumang papeles na may kaugnayan sa pera sa kalagitnaan ng tagsibol para sa pinakamainam na resulta.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA TANDANG

Ang mga taong ipinanganak sa loob ng mga sumusunod na Chinese Calendar Year ay mga Tandang: 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017.

Kahanga-hanga at maningning, at madalas na kakaiba, ang Tandang ay lubhang konserbatibo, at mahilig rin sa moralidad, katotohanan at hustisya. Mahusay na tagapagsalita, sa halip na mabuting politiko o diplomatiko ang Tandang dahil sa tipikal nitong tiwala sa sarili.

Kayang magsagawa ng iba’t ibang matagumpay na propesyonal na proyekto nang sabay-sabay ng detertminadong Tandang. Mahigpit, laging nasa oras, at buung-buong nakatutok sa kaniyang trabaho, ang Tandang ay ipinanganak na mahusay sa pakikipagpaligsahan. Habang naitutulak ng mga hamon at ng matinding kagustuhang talunin ang kaniyang mga kalaban, partikular na gusto ng Tandang na maging sentro ng atensyon kapag nananalo siya. Pagdating sa mga negatibong aspeto ng kaniyang pagkatao, kailangang tandaan na ang pagkagiliw ng Tandang sa mga hitsura at ang kaniyang hindi makatuwirang pagkahumaling sa karangyaan at pananamit ay may tendensiyang magpalayo sa kaniya sa mga katotohanan ng buhay.

 

Hula para sa Tandang

Ang iyong sign bilang Tandang ay nakakatawa, at hindi sanay na balewalain ang sama ng loob. Subalit sa taon ng Aso, hindi na ito tungkol sa iyo, at maaaring kailangan mo ng panahon upang muling masanay.

Bagama’t nakakauna ka sa usapin ng salapi at sa trabaho sa pamamagitan ng banayad na paggamit ng iyong mga kasanayan, maaari kang mapwersa sa mga hindi komportableng sitwasyon kasama ang mga taong hindi mo gusto.

Gayunman, ang pagiging team player ay nangangahulugang pagpapahanga sa mga nakatataas, at pagtanggap ng mas magagandang gawain. Patunayan mo rin ang iyong halaga sa romansa sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyong kapareha ng lahat ng kaya mong dalhin sa inyong relasyon. Iyong mga naghahanap ng panibagong pag-ibig ay makakahanap sa pagtatapos ng tag-init.

 

Pag-ibig

Hindi palaging nagkakasundo ang enerhiya ng Tandang at Aso, kaya sa taon ng Aso, maaaring magkaroon ng mga tagumpay at kabiguan sa pag-ibig.

Iyong mga naghahanap pa lang ng bagong kapareha ay makikitang perpekto ang mga buwan ng tag-init para sa pagdalo sa mga pagtitipon at kasiyahan.

Iyong mga nasa relasyon ay handa nang magsagawa ng mga bagong hakbang sa buhay. Kung magsasama na kayo o naghahanda na kayong magpakasal, ang panahon ng solar eclipse ng Hulyo 12 ang pinakamainam para ipagdiwang ng mga kaibigan at pamilya ang iyong pagmamahalan. Isa sa mga pinakamaganda ngayong taon ang pag-iisip tungkol sa inyong buhay magkasama, gayundin ang katapatan at pagiging maaasahan.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Kilala ang iyong sign bilang Tandang dahil sa iyong pagiging prangka. Bilang resulta, may ibang taong nakakaunawa sa iyo, mayroon namang hindi. Mabuti na lamang at mayroon kang barkadang may pareparehong pag-iisip, na lumalaki nitong mga nakaraang taon.

Sa taon ng Aso, maaaring bumagal ang iyong buhay sa aspeto ng pakikihalubilo sa iba, habang napapalitan ng kalidad ang kantidad. Dadami ang iyong mga espesyal na tambayan kasama ng mga pinakamahalagang tao, lalo na sa panahon ng solar eclipse ng Agosto 11. Ikaw man ang punong-abala ng mga pagtitipon sa iyong tahanan o isa lamang tagadalo, mahalaga kang bahagi ng masaya at nakatutuwang social life ngayong taon.

 

Trabaho

Malayo ang narating mo sa pagkamit ng iyong pangarap noong nakaraang taon, Tandang, habang nagsisimula nang magbunga ang mga bagong layunin at ambisyon.

Subalit sa taon ng Aso, kakailanganin mong umatras nang kaunti, maglaan ng panahong isipin kung saan mo gustong mapunta, at magbuo ng estratehiya kung paano, kailan, at bakit gusto mong mapunta roon.

Posible ang pagkakaroon ng mayor na pag-usad pagsapit ng Setyembre, sapagkat naging mahusay ang iyong pagtatrabaho nitong mga nakaraan. Ang paghingi ng dagdag-sahod ay maglalagay ng mas maraming pera sa iyong bulsa pagsapit ng katapusan ng taon, at magbibigay-daan rin para sa mas matatag na pinansiya. Nagawa mo na ang bahagi mo sa ngayon.

 

Pera

Bagama’t magkakaroon ng ilang hamon ngayong taon dahil sa iyong hindi komportableng relasyon sa enerhiya ng Aso, mas determinado ka nang magdala ng mas maraming pera sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Sino ba ang gustong maghirap sa lahat ng panahon? Gamitin ang iyong likas na mapagpalagay na katangian upang tiyaking makukuha mo ang mga pinakamagandang resulta ng iyong mga pamumuhunan, mula sa mga savings account hanggang sa mga stock portfolio. 

Anuman ang ilaan mo ngayong taon ay may tsansang lampasan ang lahat ng iyong inaasahan, kaya itabi ang kayang itabi, at panoorin itong lumago! Maaaring kailanganing maghigpit ng sinturon bago ang buwan ng Marso, kaya magtiyaga ka lang, at patuloy na maghanap ng mga sideline na makakatulong sa iyong makaraos.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA ASO

Ang mga taong ipinanganak sa mga susunod na Chinese Calendar Year ay mga Aso: 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018.

Ayon sa Chinese horoscope ng Aso, ang ika-11 sign ng Chinese zodiac ay maawain at matalino. Mayroong dalawahang paraan ng pagharap sa buhay at sa pakikitungo sa ibang tao ang mga ipinanganak sa Taon ng Aso. Kung nakikinabang ka sa kaniyang pakikipagkaibigan o pagmamahal, hinding-hindi ka bibiguin ng isang Aso.

Habang malinaw na mas gusto niya ang kanayunan kaysa sa lungsod, hindi mahilig bumiyahe ang Aso tulad ng Kabayo, at mas gugustuhin niyang asikasuhin ang kaniyang tahanan higit sa lahat ng bagay. Mapagtotoo, tapat at seloso/selosa, mainit din ang ulo ng Aso kapag hinahayaan niya ang kaniyang sarili na pangibabawan ng sakit at pisimismo, o kapag nagagambala ang kaniyang mga nakaugalian. Ang aso ang pinakakonserbatibo at tradisyonalista sa lahat ng sign ng Chinese zodiac, sapatkat hindi ito mahilig sa pag-iisa, at ang pinakaninanais nito ay kaligtasan. Sa mundo ng propesyon, madalas na isang abogado, huwes, pulis, guro, edukador, pari, doktor, unyonistang manggagawa, makakaliwang politiko, ahente ng paniktik, pilosopo, kritiko, o manunulat ang Aso.

 

Hula para sa Aso

Minamarkahan ng Chinese New Year ng Taong 2018 ang simula ng pagpapanibago ng siklong astral ng mga Aso. Sa mga nakaraang taon, maraming taong ipinanganak sa Taon ng Aso ang kinailangang harapin at lagpasan ang maraming balakid. Sa trabaho man o sa kanilang pribadong buhay, itinulak ng minsanang mahihirap na sitwasyon ang pag-uugali ng mga Aso, kaya’t marami sa kanila ang nalimitahang matutunan kung paanong bawasan ang pag-aalala para sa iba upang alagaan ang kanilang mga sarili. Sa kasamaang palad, maaari ring nagresulta ito sa kalungkutan, o sa kawalan ng mga esensyal na salik ng kanilang buhay na kapaligiran.

 

Pag-ibig

Palaging kilala ang iyong sign na Aso pagdating sa pag-ibig, subalit mas aabante pa nga ang mga bagay-bagay para sa iyo sa taong ito. Kung nakikipag-deyt ka na at nais mo nang magpakasal, mainam na posibilidad ang panahon sa pagitan ng Setyembre hanggang Marso ng 2019. Sa pamamagitan ng madalas na paglabas, pakikihalubilo, at pagsubok na makakita ng mga lugar kung saan maaari kang makakilala ng mga tao ay magbibigay sa iyo ng malaking pakinabang. Hindi magtatagal ay mahahanap mo na ang iyong Tunay na Pag-ibig.

Iyong mayroon nang mga karelasyon o asawa ay nakuha na ang tiwala ng kanilang mga kapareha, at nakatindig na upang magsagawa ng mayor na hakbang sa buhay bago matapos ang taong ito.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Sa bahay, ang mga katutubong Aso ang ilan sa mga pinakamasayang kasama. Gustung-gusto mong maglunsad ng maliliit na salu-salo, at gusto mong isinasama ang lahat sa mga malapitang pag-uusap. Punung-puno ang taong ito ng mga salu-salong nabanggit, tuwing mayroon kang pagkakataong ilunsad at daluhan ang mga ito. Bagama’t marami ang nais makatanggap ng imbitasyon, mas pipiliin mong kakaunti lamang ang padaluhin.

 

Magkakaugnayan ang mga bago at dati nang kaibigan dahil sa mga kaganapan araw-araw, at magkakamustahan tungkol sa buhay-buhay ng bawat isa. Kung masyado nang matagal mula nang makita mo ang iyong barkada, tamang-tama ang taong ito upang magtakda ng inyong muling pagkikita. Ang panonood ng mga pelikula ay makakadagdag ng kasiyahan sa iyong bahay.

 

Trabaho

Ang iyong napakahusay na pag-uugali sa trabaho ay madalas na dahilan kung bakit ka nagiging target sa trabaho. Gustung-gusto ng iyong mga boss ang iyong mahusay na paggampan ng trabaho, at nakakapagtago naman ang mga tamad upang iwan sa iyo ang hindi nila tinapos na trabaho.


Gayunpaman, mangingibabaw ang enerhiya ng Aso ngayong taon, at handa ka nang tanggapin kung ano ang tunay na darating para sa iyo. Dapat mangyari ang mga pakikipagnegosasyon para sa pagtataas ng iyong sahod sa katapusan ng Hunyo, kung maaari, nang sa gayon ay maaari ninyong pag-usapan ang pagkakaroon ng mas magagandang proyekto, mas maraming pera, at mga benepisyo.

 

Sa solar eclipse ng Agosto 11, maaari kang humakbang pa at isaalang-alang ang pagpapalawak ng iyong mga kasanayan, upang makahingi ka pa ng mas mataas na sahod sa hinaharap.

 

Pera

Ang taon ng Aso ng daigdig ay, para sa iyong sign, tungkol sa pag-iipon ng mas maraming pera. Paulit-ulit na darating ang mga oportunidad, at magbubukas ang mga pinto tungo sa perang hindi mo ni minsan akalaing mapapasaiyo. Mananatiling halos pareho ang iyong ipon at gastos, subalit makakapagtabi ka ng ilan, at ito ang magiging kakaiba sa taong ito.

 

Nakakataas ng moral para sa isang Aso ang panonood kung paano ka napagsisilbihan ng iyong pera, sa puntong maaari kang mahumaling nang kaunti dito. Hindi rin naman masamang magkaroon ng ganitong problema. Habang nagiging mas madali ang usaping pinansyal, handugan ang iyong sarili ng ilang bagay. Karapat-dapat ka sa kaunting kaluwagan matapos ang iyong pagsisikap.

 

 

CHINESE HOROSCOPE NG TAONG 2018 PARA SA BABOY

Ang mga taong ipinanganak sa mga susunod na Chinese Calendar Year ay mga Baboy: 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019.

Sa taong 2018, haharapin ng Baboy ang kaniyang mga alalahanin at ang mga maling desisyong maaaring nagawa niya sa nakaraan. Maaaring magdulot ang mga usaping pinansiyal ng problema at pagkagambala ng kaniyang mga nakagawian, sapagkat mahalaga para sa Baboy ang sarili niyang ginhawa.

Dapat pakaingatan ng Baboy ang kaniyang mga gastusin, lalo na sa kalagitnaan ng taon, partikular sa buwan ng Mayo, nang hindi siya maipit sa mga suliranin sa pera o ‘di kaya ay huli nang mapagtanto na nauwi sa wala ang kaniyang ipinuhunan.

Sa kaniyang trabaho, mauunawaan na, sa wakas, ng Baboy na malagang magpasensya at umiwas sa anumang alitan, maliban kung nakatitiyak siyang mananalo siya sa laro. Maaaring magkaroon ng kabiguan sa mga relasyong propesyonal at sa mga kaibigan ng Baboy sa Taon ng Aso ngayong 2018. Maaari itong mangyari sa porma ng pagkakanulo o panloloko. Upang maiwasan ang dagdag na problema, dapat ay laging inuuna ng Baboy ang maagap na pagbabayad ng kaniyang mga bayarin at utang.

Maaari ring pagsisihan ng Baboy ay pagkakaroon ng mga kaibigan sa nakaraan na hindi na niya nakakaugnayan. Bilang panghuli, maaaring mapilitan ang Baboy na bumalik sa katotohanan dahil sa isang malupit na pagkabatid sa mga bagay na ito, na siyang magtutulak sa kaniyang magising mula sa mahabang panaginip na isinabubuhay niya noong mga nakaraang taon.

 

Hula para sa Baboy

Gustung-gusto ng mga katutubong Baboy na sila ang inaasahan sa pamilya o magkakaibigan, at hindi ito magbabago ngayong taon. Madalas na ikaw ang nasa gitna ng mga pagtitipon, o siyang nilalapitan ng lahat sa panahon ng alitan.

Subalit sa taon ng Aso ng daigdig, mas magiging kalmado at nakasentro ka sa iyong sariling buhay, kahit pa tila magulo ang mundo sa labas. Mahilig sumulpot nang paunti-unti subalit makabuluhang antas ang pag-ibig at pera, subalit mananatiling tapat ang iyong mga kaibigan at kapamilya. Magiging mahalagang bahagi rin ng taong ito ang komunidad, na siyang magbabalik sa iyo ng malaki.

 

Pag-ibig

Pagdating sa pag-ibig, may mga kasalukuyang kaganapan para sa mga katutubong Baboy. Ikaw ay malambing, galante, at magalang kapag mayroon kang bagong nakikilala, at madalas na bumabalik ito kaagad sa iyo. Ngayong taon, maaari kang mapaisip kung mas makakabuting makipaghiwalay muna dahil sa problema sa kasalukuyang relasyon.

Sa panahon ng Solar Eclipse ng Agosto 21, masisimulan mong makita ang ilan sa mga lamat ng pundasyon ng kung ano ang mayroon kayo. Sa halip na magwala, subukang magbuo ng tiwala at komunikasyon.
Mas gusto ng mga Baboy na walang kapareha ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan at kapareha sa pakikipag-deyt, ngunit maaari kang makahanap ng taong magbibigay sa iyo ng sorpreso at gugustuhing makipagseryosohan. Talikuran ang iyong mga pag-aalangan.

 

Pamilya at Mga Kaibigan

Bagama’t maaaring subukan ng isang tao ang iyong katapatan ngayong taon, hindi ikaw ang dapat nilang alalahanin. Sa taon ng Aso, maaaring mapagtanto mong hindi na gaanong kapaki-pakinabang ang ilan sa iyong mga kakilala. Kung nagbabalak kang magbawas ng mga kaibigan, gawin ito sa mula sa katapusan ng Disyembre. Hindi mo kailangang maging mapanghusga, sapagkat nagkalayo lang kayo sa mga nagdaang panahon.

Samantala, babalik sa eksena ang iyong mga kaibigan mula sa nakaraan, na siyang magpapatawa muli sa inyo. Magiging masaya at matamis ang inyong pag-uugnayan sa pamamagitan ng mga pagtitipon hanggang hatinggabi sa iyo o kanilang tahanan.

 

Trabaho

Sa taon ng Aso, maaaring mangati ka nang kaunti sa trabaho. Maaaring maisip mong lumipat ng trabaho o magsimula ng sarili mong negosyo.

Hinihingi ng enerhiya ng Aso na isaalang-alang mo ang pagsasagawa nito nang kasama ang isang kaibigan o kapareha na siyang magpapagaan ng iyong pakiramdam. Kung pipiliin mong manatili, hinihikayat ka ng Solar Eclipse ng Agosto 11 na magbigay ng liwanag sa lahat ng iyong nakamit. Hindi ka makakakuha ng mas malaking sahod at benepisyo kung ikahihiya mo ang mga ito. Darating ang mga gantimpala sa sandaling magpasya kang humingi ng nararapat sa iyo.

 

Pera

Gustung-gusto mong makaalam ng bagong impormasyon tungkol sa anumang bagay, at pagkatapos ay magpakadalubhasa dito. Sa taon ng Aso, ang bagong bagay na iyon ay maaaring kung paanong kumita ng mas malaki at palaguin ito upang maging bagay na kahanga-hanga.
Bagama’t napakahusay ng iyong pagiging responsable, kanino o saan ka nagiging responsable? Kung ang sagot ay anumang bagay na mas maliit sa iyong sarili, panahon nang tapusin ang pagpaplano ng pinansyang hindi nakatuon sa iyong mga ultimong layunin.  Pagsapit ng Setyembre, magiging handa ka nang anihin ang mga bunga ng iyong matatalinong pamumuhunan. Maaaring muling ipuhunan ang mga dibidendo, o gastusin sa masasayang bakasyon o bagay na matagal mo nang pinapangarap.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.