Ano po gagawin ko kung ayaw ipakita ng OFW kong husband ang work contract nya

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po gagawin ko kung ayaw ipakita ng OFW kong husband ang work contract nya at agency nya. 4 years straight na sya driver sa Jeddah at di pa umuuwi ngayon. pero ang total years nagwork sya as driver sa Saudi ay 6 years and 8 mos. At wala siyang pinakita work contract kahit isa, May ipinakita po sya pero sabi ng friend ko ay fake daw yun. Inamin nya na may babae sya sa FB chat namin kaya nasabi ko na kya maliit pla padala nya pero nitong huli ay tinataanggi nya kaya ngrint copy ako ng conversation nmin. Gusto ko lang pong ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa kaya humihingi po ako ng tulong para malaman ko ano yun mga steps na gagawin ko. Salamat po.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Karapatan mo bilang tunay na asawa?
1. Karapatan mong ipilit na ikaw lamang ang kanyang mahalin (mutual love) -- pero, hindi naman puedeng pilitin ang tao na magmahal.
2. Karapatan mong ikaw lang ang respetuhin at ikaw lang ang kanyang pakisamahan (exclusivity) -- pero malayo siya, hindi mo siya mababantayan o mababakuran.
3. Karapatan mong madama ang kanyang pinansiyal na suporta para sa iyo at sa inyong mga supling -- nagbibigay naman siya, iyon nga lang ay maliit.

May mga karapatan din kasi siya. karapatan din niyang siya'y alagaan mo ng iyong pagmamahal -- pero hindi mo magawa iyon dahil nga sa malayo siya. naghahanap siya ng mag-aasikaso sa kanya, wala ka naman.

Kayong dalawa ay nasa imposibleng situwasyon.

Puede mo ba siyang idemanda, oo. Puede mong ihabla siya sa mga husgado upang ipadala niya ang mas malaking pera, kung ito ay angkop sa inyong pangangailangan. Ngunit isipin din namang may pangangailangan din siya (kailangan din niyang kumain, magbihis, at may matirahan habang nagta-trabaho) kailangan din niyang pag-ipunan kung siya'y magka-sakit o kaya'y magkaroon ng injury o matanggal sa trabaho.

Napakaraming dahilan kung bakit maliit ang kanyang pinadadala. Maaaring sa halip na tanggalin ang ilan sa kanila sa trabaho, pumayag sila na bawasan na lamang ang work hours nila.

Alamin mo muna ang tunay na dahilan. Kung may babae siya, puede mo siyang kasuhan ng concubinage (kaso, napakalayo niya, paano siya mahuhuli ng mga pulis sa Pilipinas? Kung ang mga rebelde sa Marawi, hindi makubkob ng pinagsanib na militar at pulis, na naroon lamang sa iisang siyudad, iyon pa kayang asawa mo na nasa ibang bansa).

Puede mo din siyang ihabla ng financial abuse (ang di pagpapadala ng suportang sasapat sa pangangailangan ng anak at asawa ay isang krimen na ngayon). Pero, kung maipakulong mo siya, sino pa ang kakayod sa inyo? Sino ang maghahanap buhay?

It is an impossible situation. I wish you luck.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.