Ano sanhi ng Lamig sa Katawan? Lunas o Gamot sa Pamumulika

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang pamumulikat sa parteng likod ng katawan ay maaaring maging sobrang sakit at magdala sayo sa emergency room. Kapag nakaranas ka ng pamumulikat sa likod, huminto sandali. Baka ibig-sabihin nito ay hindi mo na dapat gawin ang gawain na iyon o senyales nang seryosong problema sa gulugod.

 

Ano Sanhi ng Lamig sa Katawan?

Para malaman kung ano ang sinasabi sayo ng likod mo at paano ka giginhawa, alamin mo muna kung bakit ka ba pinulikat. Iniingatan ng mga muscle o kalamnan mo ang sarili nila mula sa pulikat o pananakit. Pwedeng pulikatin ang isang tao matapos ang aksidente o pananakit sa mga malalmbot na tissue o bahagi ng kalamnan at litid sa gulugod. Kung susundin mo ang mga pangakalahatang tagubilin at mungkahi sa ibaba mula sa doktor o physical therapist ay makakatulong upang maiwasan ang o masolusyonan ang pulikat at maibalik ang muscles sa normal sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Pwede ding dahil sa ilang problema sa katawan kaya ka pinupulikat. Kung hindi ito bumuti sa loob ng ilang panahon o palagi itong nangyayari sa iisang parte ng katawan ng paulit-ulit, baka may problema ka sa gulugod. Heto ang ilang posibleng dahilan:

-       Facet joint osteoarthritis

-       Degenerative Disc Disease

-       Spinal Stenosis

-       Papanakit mula sa herniated disc

Sa ganitong kaso, nagmumula ang sakit sa anatomikong problema at tumutugon ang iyong muscle sa sakit kaya ka pinupulikat. Kung ganito ka, kailangan mong humingi ng tulong sa mga eksperto para mawala ang pananakit at malaman ang talagang pinagmumulan.

 

Mga pwedeng gawin sa pamumulikat sa likod: Mga simpleng remedyo

Kapag pinulikat, ang unang dapat gawin ay humanap ng madaliang solusyon. Ang dapat mong sikapin na gawin ay na marelax ang muscle mo at mawala ang pananakit. Heto ang paraan:

-Pamparelax ng muscle o kalamnan

Ito ay yung mga gamot hindi para sa muscle kundi para bigyan ka ng maluwag na pikaramdam sa buong katawan. Inirereseta lang ito sa mga matitinding pananakit at hindi ito pang matagalan. Gaya ito ng sumusunod:

-       Valium at Flexeril

-       Cold Therapy

-       Magbalot ng yelo sa tuwalya o cold pack at idampi sa nanakit na bahagi. Sa pangkalahatang mga tagubilin, ang cold therapy ay nakakatulong sa mga pananakit o pangingirot na magdudulot sayo ng ginhawa matapos gawin. Pwede kang gumamit ng mga ice packs na nabibili o gumawa sa sarili. Halimbawa, pwede kang maglagay ng yelo o malamig na gulay sa plastic bag, lagyan ng tubig para mawala ang mga umbok, doblihin ang plastik para hindi mabutas at saka lagyan ng panyo o tuwalya para hindi masyadong malamigan. Ilagay ito sa apektadong bahagi.

-       NSAIDs

Ang nonsteroidal anti-inflammatory medication (NSAID) ay malaking tulong para mawala ang sakit. Ang ilang halimbawa ng mga NSAID na over-the-counter na gamot ay ibufropen (Advil, Motrin), naproxen (Aleve) at aspirin. Sinasabi din ng iba na ang acetaminophen (Tylenol) na nag aalis ng sakit at hindi ng pamamaga, ay epektibo.

-       Huwag masyadong pabigatan ang iyong likod.

Para sa matinding pulikat, baka mahirapan kang kumilos at kailangan mo ng pahinga. Kapag nagpahinga, mawawala ang stress sa likod mo sa pamamagitan ng paghiga sa kama habang nakasandal ang mga binti at tuhod sa unan o pagsandal sa upuan sa pwestong nakaka-relaks.

-       Maglakad hanggat posible

Subukang maglakad-lakad at gumalaw-galaw. Halimbawa, maglaan ng isang araw na magpapahinga ka at isang araw na maglalakad-lakad ka kahit sa bahay lang at sa susunod na araw naman ay maglalakad ka kada ilang oras o higit pa hanggat kaya o pinapahintulot ng katawan. Kapag hindi gaanong naikikilos ang mga muscle, baka magdulot iyan ng higit pang sakit. Ang paglalakad ay maganda sa likod at mas gaganda ang daloy ng dugo na magpapabilis sa pag-galing.

-       Pag-gamit ng heating pad at heat therapy

Ang paglalagay ng heating pads sa apektadong bahagi ay maaaring magdulot ng nakagiginhawang pakiramdam. Mas gusto ng iba ang mainit na therapy kumpara sa malamig at yung iba naman ay gusto ang yelo pero nakita ng iba na mas okay kung paghalinhinan ang dalawang ito. Tignan mo kung ano ang mas okay sayo at ipakipag-usap ito sa thrapist o doktor para sa kanilang opinyon kung alin ang mas epektibo.

Kung pinupulikat ka dahil sa muscle strain o dahil hindi mo ipinapahinga ang muscle mo na napinsala dahil sa aksidente, makakatulong ang mga paraan na nabanggit para mabilis na gumaling at bumalik sa normal ang iyong kalagayan.

Sa kabilang banda naman, kapag ang pulikat mo ay sanhi ng napinsalang gulugod o disc dysfunction, makakatulong ang treatment para humupa ang sakit pero kailangan pa ding bigyan ng pansin ang dahilan ng pulikat.

Anoman ang dahilan  ng pamumulikat mo sa likod, kapag nawala na ang pananakit ay kailangan mong subukan ang ilang uri ng physical therapy. Magkaroon ng progresibong ehersisyo na bagay sa kalagayan mo para makaiwas na mas malalang pananakit.

 

Ang mga katotohanan sa lamig sa katawan o likod ng Pulikat

Maaring maapektuhan ng pulikat ang ibat-ibang muscle sa katawan na magdudulot ng ibat-ibang sintomas.

-       Ang pulikat sa mga muscle sa buto o skelital muscle ay madalas at karaniwan sa labis na trabaho o muscle fatigue, dehydration, at di normal na electrolyte. Bigla nalang itong sasakit pero bigla ding mawawala. Mawawala ito sa simpleng pag unat lamang.

-       Kapag masakit talaga ang pulikat, hindi nareresolba o bumabalik-balik pa nga, kailangan mo ng tulong medikal para malaman ang totoong pinagmumulan nito.

 

-       Ang mga muscle na nasa paligid ng mga may guwang na organs ng katawan gaya ng colon ay pwedeng mamulikat na nagdudulot ng pananakit. Ang mga pananakit na ito ay dahil sa colon na ang ibig sabihin ay umaalis din at bumabalik. Ang mga halimbawa ay ang pananakit kapag may regla, diarrhea, pananakit sa gallbladder at bato sa bato o kidney stone.

-        Ang isang uri ng pulikat ay yong distonia kung saan nagkakaroon ng problema sa mga kenikal na tumutulong para magdala ng impormasyon sa utak. Ang ilang halimbawa ay ang torticollis and blepharospasm. Kinakailangan ng pag-gagamot para maibalik ang mga neurotransmitter sa normal at Botox injection para paralisahin ang apektadong kalamnan at mapa-ginhawa ang pasyente mula sa pulikat.

 

Dehydration : Pangunahing sanhi ng Pulikat

Sintomas at Sanhi ng Dehydration

Habang mas nababwasan ka ng tubig sa katawan, mas mararamdaman mo ang mga sintomas. Ang mga sumusunod ay mga senyales at sintomas ng dehydration.

-       Nanunuyong bibig

-       Hindi na nilalabasan ng luha

-       Hindi na pinapawisan

-       Pulikat

-       Pagkahilo at pagsusuka

 

Mga Leg Stretches na makaktulong

Subukan ang stretching na ito: Ilagay ang iyong bigat sa binti at iunat ang tuhod ng marahan. O kaya naman, maupo o mahiga at iunat ang paa hangang sa makarating ito sa iyong ulunan. Para sa pulikat na nasa harap ng hita, humawak sa bangko para hindi ka bamaliko at ibaliko ang iyong paa hanggang sa maabot nito ang puwitan.

Masahiin ang kalamnan, lagyan ng yelo o maligo gamit ang Epsom Salt.

 

Maiiwasan ko ba iyong Lamig sa Katawan? Pag-iwas sa Pulikat

Para maiwasan ang pulikat bago pa magsimula:

-       Kumain ng pagkaing mayaman sa bitamina at magnesium at calcium

-       Laging uminom ng tubig

-       Mag-stretching muna bago mag-ehersisyo

Kailan tatawag ng doktor?

Kadalasan na, mas madaling pakalmahin ang pulikat sa binti. Titigil ito sa loob lang ng ilang minuto. Pero kung palagi itong nangyayari ng walang dahilan, kumunsulta na sa doktor.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.