Ano ang Feng Shui? San nagmula? Paano magbasa?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang Feng Shui ay isang makapangyarihang paraan para makaranas ng mas balanse, masayang buhay na puno ng inspirasyon. Ang sinaunang pang Intsik na sining at siyensya ng Feng Shui ay nagbibigay sayo ng mga gamit upang makagawa ng balanse at armonya sa iyong paligid na nakakatulong upang mapuno ka ng inspirasyon at makagalaw ka ng mas matiwasay.

Isa sa mga pangunahing paniniwala sa Feng Shui ay ang kakayahan ng mga bagay-bagay na makaapekto sa’yo. Kaya kung aayusin mo ang mga bagay-bagay sa paligid mo sa paraang makakapagpaikot ng mga enerhiya sa isang positibong direksyon, mamamayagpag ka.


Saan nagmula ang Feng Shui?

Ang Feng Shui ay ang sinaunang Intsik na sining ng paglalagay ng mga bagay-bagay. Ang prinsipyo ng Feng Shui ay umiikot sa enerhiyang tinatawag na “chi” sa bansang Tsina, na dumadaloy sa iyong bahay at may makapangyarihang epekto sa kung paano ka nakakapag-isip at nakakaramdam. Ang lugar na nakapaligid sa iyo pati na rin ang mga bagay sa loob at labas ng iyong bahay, ang layout at ang emosyon na nakapaligid sa iyo ay nakakaapekto sa daloy ng enerhiyang ito.

Ang salitang Feng Shui ay nagmula sa mga katagang ang ibig sabihin ay “Hangin” at “Tubig” na siyang pinakaimportanteng mga uri ng natural na enerhiya sa planeta natin. Kung walang tubig at hangin, lahat ay mamamatay. Kapag nabalanse naman ang hangin at tubig at umaagos ng maayos, nagkakaroon ng harmony ang kalikasan.


Paano gumagana ang Feng Shui?

Kapag ang iyong bahay ay puno ng positibong enerhiya at mga simbolo, ikaw ay mas sumasaya at mas motivated. Sa madaling salita, ang iyong layunin ay palakasin ang positibong enerhiya at mabawasan ang negatibo. May mga taong natatakot ding hindi na masosolusyunan ang kanilang mga bahay, ngunit 95% ng mga problema ay may posible at murang solusyon. Ang Feng Shui ay nagbibigay sa’yo ng iba’t-ibang techniques para madagdagan, bawasan o mabalanse at mapaikot ng maayos ang enerhiya na siyang nakakadulot ng armonya at kapayapaan sa bahay.


Ano ang mga bagay na ginagamit sa Feng Shui?

Ang pangunahing mga kagamitan sa pag-aanalisa ng Feng Shui ng isang lugar ay ang Feng Shui compass at ang bagua. Ang Feng Shui energy map o mas kilala bilang bagua ay isang octagonal na grid na naglalaman ng mga simbolo ng I Ching, isang sinaunang oracle kung saan nakabase ang Feng Shui.

Ang kaalaman tungkol sa bagua ng iyong bahay ay makakatulong upang maintindihan mo ang koneksyon ng mga partikular na bahagi ng Feng Shui ng iyong bahay at paano ito makakaapekto sa mga aspeto ng buhay mo. Halimbawa, may parte ng bahay mo na konektado sa iyong buhay pag-ibig at mag-asawa, karera, kalusugan, buhay pamilya at marami pang iba.

May kabuuang 8 baguang bahagi ang iyong bahay na maaari mong ayusin para mas mapabuti ang buhay mo.



Ang sining ng Feng Shui ay isang komplikado at makalumang tradisyon na buhay pa rin sa kultura at tradisyong Tsino hanggang sa mga araw na ito. Naging popular na din ang tradisyon ng pagFe Feng Shui ng bahay hindi lang sa ibang bansa sa Asya kundi pati na din sa Europe at Amerika.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.