Winston Guo is a Astrologer, Fortune Teller currently in the Philippines

Bagay ba kami ng crush o syota ko? How compatible are we, me and my partner?

Bagay ba kami ng kasintahan o kabiyak ko? Alamin kung bagay ba kayo ng syota, boyfriend, o girlfriend mo. O baka naman magaaway lang kayo at hindi magkakasundo? Honesty is important in a relationship, but actually wishing to tell them secrets shows your partner that you are sincerely invested in the relationship.


 Sobrang lakas ng dating niyo sa isat-isa. Lahat ng gusto mo sa lalaki, nasa kaniya na. Siya na iyong babaeng hinahanap mo na makasama. Pero bagay ba kayo?

If you're worried about how compatible you and your partner are, this guide can help. It will allow you to think about whether your values are in sync, how much effort you’re making to develop and maintain your compatibility, and look at what you can do to grow it together. Piliin at i-click ang iyong Zodiac sign sa ibaba:

> Aries

 

> Taurus

 

> Gemini

 

> Cancer

 

> Leo

 

> Virgo

 

> Libra

 

> Scorpio

 

> Sagittarius

 

> Capricorn

 

> Aquarius

 

> Pisces

 

Ayon sa mga tagapayo sa buhay may-asawa, ang susi sa pangmatagalang pagsasama ay kung tugma o bagay kayo sa isat-isa. Wala naman talagang dalawang tao na likas na bagay na bagay. Normal lang na makadama ka na parang ang hirap minsan, lalo na kapag ang dami niyong pagkakaiba sa isat-isa. Pero di naman ibig-sabihin niyan na hindi kayo bagay sa isat-isa. Maraming mahahalagang aspeto ang pwede mong tignan para matukoy mo kung gaano ka-haba ang itatagal ng relasyon niyo. Nasa ibaba ang 15 senyales na pwede mong tignan para malaman mo kung bagay ba talaga kayo sa isat-isa.

1.   Hindi ka nagdududa na may pag-ibig sa relasyon niyo

Alam mong mahal mo siya, at alam mong mahal ka din niya - at walang pag-aalinlangan sa isip mo. Masaya ka at panatag sa relasyon niyo, at kahit na likas na maalalahanin o mapagduda ka, hindi mo kinukuwestyon ang nararamdaman niya para sa iyo.

 

2.  Alam niyo ang halos lahat ng bagay sa isat-isa higit kanino man

Mula sa pinaka nakakahiyang mga bagay o kuwento pati na din sa mga pinaka-iingatang mga sikreto, makikita sa mga bagay na alam niyo sa isat-isa kung gaano kaya katugma bilang magka-relasyon. Mahalaga ang katapatan sa isang relasyon,  pero maipapakita mo sa partner mo kung gaano ka nang-hahawakan sa relasyon niyo kung gusto mong alamin ang higit tungkol sa kaniya.

 

3. Hindi mo siya gustong baguhin

May respeto ka sa pagkatao niya at hindi mo siya pinipilit na magbago. Oo, pwedeng nagsasalita siya habang natutulog o ayaw mo yung paraan ng pag-dadamit niya pero mahal mo pa din siya at tanggap mo iyon. Kung gusto mong baguhin ang personalidad o hitsura niya, baka ibig-sabihin noon eh hindi kayo bagay.

 

4. Mahal ka niya sa kabila ng maliliit mong pagakakamali

Para maging mahusay ang pagsasama niyo, hindi mo aasahan na hindi siya magkakamali. Lahat tayo ay may sariling mga sablay o pagkakamali paminsan-minsan at dapat mong siguraduhin na mahal niyo at tanggap ang isat-isa sa kabila ng mga iyon. Hindi madaling nasisira ng maliliit na pagkakamali ang pagsasama ng dalawang tao, kung tunay ito. Kaya dapat na magmahalan kayo ng walang hinihintay na kapalit.

 

5. Ang taong iyon ang una mong sasabihan ng maganda at masamang balita

Na-promote ka ba? Nakapasa sa exam? Nanalo sa lotto? Kung talagang siya na yung hinahanap mo, siya ang magiging numero uno mong fan at kasama mo siyang ipagdidiwang ang tagumpay mo ng walang halong selos. Pero sabi nga, bubuhos at bubuhos din ang ulan sa inyong dalawa. Kung talagang bagay kayo sa isat-isa, magkasama niyong haharapin ang mga problema, sabi nga, sabay kayong magtatampisaw sa ulan. Kailangan ng malaking tiwala para maibahagi mo sa taong iyon na pinagkakatiwalaan mo ang masasakit na ala-ala at bahagi ng buhay mo o mga kahinaan. Pero kung talagang mahal niyo ang isa't-isa, malalampasan niyo ano pa man ang dumating at magiging lakas niyo ang isat-isa hanggang sa makahanap kayo ng solusyon. Kung hindi kayo magkatuwang sa pagharap ng mga problema, gaano ba talaga kayo katibay?

Ano Kapalaran ko sa 2018?

 

Swerte ba o Malas sa Negosyo sa 2017 at 2018?

 

Bagay ba kami ng Crush ko?

 

6. Pareho kayo ng gusto

Importante naman talaga na tanggap ninyo yung mga magkakaiba niyong libangan o interes, pero kung talagang match kayo, sabi nga, maglalaan kayo ng panahon sa isat-isa na gawin ang mga bagay na gusto niyo ng magkasama. Makakatulong sa magkarelasyon kung meron silang pagka kapareho para magtagal ang pagsasama - pag-cheer sa sa parehong team, pagluluto ng magkasama o panonood ng TV shows na pareho niyong gusto.

 

7. Nag-aaway kayong dalawa

At hindi ka takot na mangyari iyan. Kapag sinabi mo sa kaniya na hindi ka sang-ayon, dapat na makinig siya sayo at seryosohin niya ang punto mo. Kung hindi siya sang-ayon sayo, okay lang iyon - kasi isang di-pagkakasundo lang iyan at hindi iyan dahilan pra magbago ang nararamdaman niyo sa isat-isa.

Pero kung ang pinag-aawayan niyo eh yung mga bagay na hindi naman mahalaga, baka senyales yan na hindi kayo bagay. May mga bagay na magandang pag-awayan. Kung ang pinag-aawayan niyo ay tungkol sa pamilya o pera, pwedeng magandang pag-awayan iyan (basta’t hindi naman palagi). Ibig sabihin, sinisikap niyong ayusin iyong mga importanteng bahagi ng relasyon niyo at pagkakataon iyan para mas mapatibay niyo ang samahan niyo. Pero, kung ang awayan niyo ay mas madalas na tungkol sa kung sino ang dapat na gumagawa, halimbawa, kung sino ang mag-huhugas ng plato, may mali sa relasyon niyo. Baka kaya nag-aaway kayo eh dahil nagsasawa na kayo sa isat-isa.

 

8. Gusto niyong magkasamang ayusin ang mga seryosong problema.

Madalas na may malalaking issue na babangon sa pang-matagalang relasyon gaya ng pera, relihiyon o kung saan kayo titira. Pwedeng masolusyunan ang ganitong mga problem kung talagang tugma kayo sa isat-isa at kung handa kayong sumugal. Mahalagang magkasama niyong harapin ang mga problema hanggang sa makabuo kayo ng desisyon na pareho kayong masaya. At para mangyari iyan, kailangan ninyong parehong magkompromiso.

 

9. Gusto mong maging masa mabuting tao dahil sa kaniya.

Kahit na parang lumang kasabihan na iyan, dapat na pareho ninyong hinihila ang isa't-isa sa unahan. Nag-aaral ka mang magluto ng bagong putahe, o nagsisikap na ma-promote sa trabaho, dapat na lagi kayong naka-suporta sa isat-isa.

 

10. Pareho niyong nakikita ang hinaharap ng magkasama

Habang hindi niyo pa naman kailangan na mag-asikaso sa kasal, mahalagang pareho kayo ng pangmalas. Hindi problema kung magka-iba kayo ng interes; baka gusto niya na mag-travel at mas gusto mo naman na bumuo ng pamilya at magka-anak, at pwede niyong gawin lahat ng iyan ng magkasama. Pero kung ayaw ninyong pag-usapan ang hinaharap nang magkasama, baka hindi kayo bagay sa isa’t-isa.

 

11. Naipapakita mo kung ano ka kapag magkasama kayo

Kung talagang bagay kayo, hindi mo itinatago kung sino ka talaga pag-magkasama kayo. Kung masaya ka, makulit, malungkot, galit, hindi ka nahihiya o nag-aalangan na ipakita ang emosyon mo pag kasama mo siya.

 

12. Attracted kayo sa isat-isa.

Hindi naman tungkol sa sex ang lahat ng bagay. Mahalaga din na malapit kayo sa isat-isa. Mula sa pag hawak-kamay, paghahalikan, palaging ipinapakita ng magka-karelasyon ang damdamin nila sa isat-isa. Sa ibang salita - dapat na laging may “spark” kayo sa isat-isa, kahit maliit.

 

13. Kaya ninyong makisama sa pamilya ng bawat isa

Kung talagang mahal ninyo at may malasakit kayo pareho sa sari-sarili niyong pamilya, magandang senyales iyan. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi naman laging kailangan na mahal mo din ang pamilya niya. Okay lang kung hindi - pero hindi maganda kung hindi mo susubukan. Lahat halos ay nanggaling sa isang pamilya, at kung makikisama ka ng matagal sa partner mo, kailangan mo din na makisama sa pamilya niya ng matagal.

 

14. Napapanatili ninyong masigla ang relasyon ninyo.

Lahat tayo ay tumatanda pero hindi ibig-sabihin eh tatanda na din ang relasyon niyo. Kadalasan, natatakpan na ng mga anak o ibang responsibilidad ang relasyon niyo. Mahalaga ang mga iyan at di dapat pabayaan, pero maglaan din ng panahon kasama ng partner mo. Dapat na lagi ninyong nararamdaman na mahalaga ang relasyon ninyo.

 

15. Nagsisikap ka

Kahit na naka-10 taon na kayo o 10 buwan, mahalagang mag-effort o magsikap, mula sa pag-aaral na mag-luto o simpleng paghalik pag-uwi. Pagkatapos ng mahabang panahon ng samahan, baka isipin mo na hindi na iyan kailangan pero baka ika-sira ito ng relasyon ninyo.

Dapat na magsikap kayo pareho ng higit pa para maramdaman ninyo pareho na pinapahalagahan kayo.

16. Kilala siyang mabuti ng mga kaibigan mo at kapamilya

Kung pakiramdam mo ay nasa isang magandang pakikipag-relasyon ka, dapat na sabik kang ipakilala siya sa pamilya at mga kaibigan mo. Ipinapakita din niyan na bahagi talaga siya ng buhay mo at magandang senyales iyan. Kung iyong malalapit sayo eh hindi pa man lang nakikilala ang karelasyon mo, isipin mo kung sino ang may kasalanan. Ikaw ba, ang karelasyon mo o mga kaibigan at kapamilya mo?

A couple will be more compatible when the two parties are more likely to managing disagreements rationally and talking things through rather than engaging in petty name-calling or childish tactics. Every person has his or her own flaws, and to be healthy together you must try to see these imperfections as part of the whole package. 

 

...Continue reading

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)