CAPRICORN AT AQUARIUS
Kapag nagkasama ang Capricorn at Aquarius sa isang pag-iibigan, madalas ay inilalabas nila ang pinakamabuti sa isa’t isa. Mas maingat ang Capricorn, ay may makatuwirang pananaw sa buhay. Ang Aquarius, sa kabilang banda, ay walang kapaguran, at nagbibitbit ng mapangaraping pagtingin sa halos lahat ng bagay. Sa ibabaw, mukha silang buung-buong magkasalungat, ngunit kapag nagkita na ang mga ito, mabubuo ang isang pagbubuklod na hindi kayang paghiwalayin.
Parehong opinyonado ang Capricorn at Aquarius, hanggang sa puntong tila ayaw nilang magbigayan. Nabubuhay ang Capricorn sa pagkakaayos ng mga bagay-bagay, at laging naghahanap mga resulta. Moderno ang Aquarius at ayaw na ayaw sa routine, na nakikita niya bilang magulo at nakakainip. Mamamangha ang Capricorn sa Aquarius, ngunit maaaring mabigo sa paghahanap ng katiting na lohika sa kakaiba at magulong pag-iisip ng kanilang kapareho. Hindi magugustuhan ng Aquarius ang dominanteng katangian ng kanilang kapareho, ngunit hahangaan nito ang pagiging matatag ng Capricorn bilang mahusay na suporta. Makakaramdam ng ginhawa ang Aquarius dahil, sa wakas, mayroon nang tutulong sa kanilang mga personal na usapin.
Ipapakita ng Capricorn sa Aquarius ang buhay na nakabatay sa pagiging maayos, makatuwiran, at ginhawa. Matutulungan naman ng Aquarius ang Capricorn na ibayong mangarap at posibleng tumindig para sa kanilang mga paniniwala.
Ang Capricorn ay isang Earth Sign at ang Aquarius ay isang Air Sign. Nakikita ng Aquarius ang buhay bilang isang hindi-pinlanong pakikipagsapalaran, habang naghahanap ang Capricorn ng partikular na resulta. Pana-panahon, maaaring magkaunawaan ang mga ito kung saan nagmumula ang isa’t isa. Maaaring magkaroon ng mga pagtatalo sa relasyong ito kapag masyadong naging disiplinado ang Capricorn, o kapag masyado namang nangarap ang Aquarius. Kailangan nila parehong malaman na mayroon silang kanya-kanyang paraan ng paglalakbay sa buhay, at gayundin ay mayroong napakaraming bagay na pagsasaluhan at pagkukuhanan ng aral mula sa isa’t isa.
Ang Capricorn ay isang Cardinal Sign at ang Aquarius ay isang Fixed Sign. Pareho silang maaaring maging matigas ang ulo, opinyonado, at walang katatakutan. Kapag may plano sila, mananatili sila dito hanggang makuha nila ang kanilang minimithi. Mas gusto ng Capricorn na lumikha ng mga ideya at magtalaga ng mga gawain. Gusto naman ng Aquarius na tulungan ang Capricorn kapag binigyan siya ng malaking tungkulin. Maaaring magkaroon ng mga pagtatalo dahil sa katigasan ng ulo ng parehong sign. Gayunpaman, kapag naintindihan nilang pareho silang nagtatrabaho para sa iisang layunin, mas madali silang magkakamit ng malalaking resulta.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Capricorn-Aquariu? Iyon ay ang hindi mapapatid na bigkis kapag nagsama silang dalawa. Nakakapagbigay-liwanag at nakakatuwa para sa bawat isa ang relasyon nila. Magiging balidong kayamanan ang kanilang pag-ibig, hindi lamang para sa kanilang mga sarili, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid.