LEO AT AQUARIUS
Kapag nagsama ang Leo at Aquarius sa isang tambalan ng pag-iibigan, magiging kapansin-pansin ang pagsasanib ng pananaw ng Aquarius at pagiging malikhain ng Leo. Ang tambalang ito ay puno ng enerhiya at hindi mapipigilan. Bagama’t maaaring magpataasan ang dalawa paminsan-minsan, walang nakakabagot na panahon para sa dalawang ito. Magkasundo ang kanilang mga sign at mayroon silang mabuting relasyon. Pareho silang may tendensiyang maging mapangarapin at determinado. Pareho silang naaakit sa lahat ng bagay na bago, at naghahanap ng kapana-panabik na kaganapan; maaari nga nilang gawing isang malaking laro ng Truth or Dare ang kanilang buhay paminsan-minsan.
Maraming relasyong Leo-Aquarius ang nabubuhay sa mutwal na paghanga. Hinahangaan ng Leo ang kaibahan, pananaw, at malikhaing katangian ng Aquaries. Hinahangaan naman ng Aquarius ang kasigasigan, alindog, at dignidad ng Leon. Laging may mga bagong ideya ang Aquarius, ngunit wala silang determinasyong isakatuparan iyon, hindi tulad ng Leo. Ipinagmamalaki ng parehong sign ang kanilang kalayaan, ngunit maaaring magkaroon ng mga alitan kapag masyadong naging demanding ang Leo o masyadong lumayo ang Aquarius. Pareho nilang dapat igalang ang mga pagkakaiba sa kanilang mga pananaw. Maaaring masyadong maging madrama ang Leo para sa paningin ng Aquarius. Sa kabilang banda, maaari namang magmukhang mabuway ang Aquarius para sa Leo. Kung ipapahiwatig lang nila ang kanilang pagpapahalaga sa isa’t isa at sa relasyon, magiging maayos ang lahat.
Nagagamit ng Aquarius ang kanyang utak upang hikayatin ang Leo na mangarap at bigyan sila ng mga bagong ideyang isasakatuparan. Napakamapaghikayat nila para sa Leo. Kapag magkasama ang dalawa, nagbibigayan sila upang hikayatin ang pagsulong at pag-unlad ng bawat isa. Pareho silang may napakaraming interes, at ang kagustuhan ng Leo na maging kakaiba ay nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa pagsasakatuparan ng mga ideya ng mas mahiyaing Aquarius.
Binibigyan ng Leo ang Aquarius ng lakas ng loob na umabante at umaksyon, sa halip na umupo na lamang at mag-isip ng mga ideya. Ang pagiging orihinal ng Aquarius, gayundin ang kanilang kakaibang pananaw, ay maaaring hangaan ng Leo. Pareho silang tapat at tunay na mapagmahal sa isa’t isa, at kapag nauunawaan na nilang hindi nila kailangang mamuno sa lahat ng panahon, magtatagumpay sila nang magkasama.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Leo-Aquarius? Ito ay ang kanilang kakayahang lumikha ng mahika kapag magkasama. Ang Fixed na Apoy at Hangin ay sumasakop sa lahat ng bagay – nagkakaroon sila ng ideya, pinaplano kung paano ito isasakatuparan, at sisimulan ang pagsasagawa nito hanggang sa matapos. Ang kanilang tambalan ay binubuo ng pananaw at praktika.