SCORPIO AT SAGITTARIUS
Kung gusto ng Scorpio at Sagittarius na magmahalan, kailangan nilang maghinay-hinay at panahong makilala ang bawat isa sa isang malalim na lebel. Maaaring matatapos ang kanilang relasyon nang hindi nila nalalaman kung hindi sila mag-iingat! May gantimpalang mapapala ang kanilang pagiging pasensyoso. Gustong-gusto ng Sagittarius ang pagbabago, sa mga bago at nakaka excite na mga bagay at kapangyarihan ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip. Gusto naman ng Scorpio na mas maging malapit at patatagin ang kanilang emosyonal na koneksyon. Sa umpisa ng relasyon, maaaring maramdaman ng Sagittarius na nalulunod sila sa matinding atensyon at taas ng expectation ng Scorpio sa kanila. Magkakaroon ng satisfaction at excitement sa kanilang relasyon kung makokontrol ng Scorpio ang kanilang emosyon.
Isang adventure ang bawat araw para sa kanila (at sa kaso ng Scorpio, isang misteryo) at isang walang hanggang oportunidad upang maglakbay at matuto. Ang mga bagay na ito ang mas magpapalapit sa kanila. Habang maaaring mapuno ang Sagittarius sa pagiging matigas at inflexibility ng Scorpio, maaaring isipin din ng Scorpio na masyadong mainitin ang ulo ng Sagittarius. Mai-enjoy nilang matuto nang magkasama at nakakabuti ang paglalakbayay para sa kanila.
Ang Scorpio ay simbolo ng Tubig, habang Apoy naman ang Sagittarius. Dire-diretso lang ang Sagittarius, pumupunta sila kung saan sila dadalhin ng kanilang mga gusto, habang mas malalim at medyo natatago naman ang motibo ng Scorpio. Malalagpasan din nila ang krisis ng hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan. Kung maiiisip nilang importante ang kanilang relasyon, mababakas ito sa kanilang debosyon at nararamdaman sa bawat isa.
Ang pares na ito ay masisipag din, napapanatili nila ang kanilang mga interes at naisasapuso ang mga ito, nakakapunta sa mga espesyal na okasyon at obligasyon sa pamilya, dito kailangan ang pagiging mausisa ng Scorpio na matapos ang kanilang mga nasimulang bagay. Ang katangiang ito ay kailangan din sa pagiging mabilis ng Sagittarius na gawin ang mga bagong bagay habang hindi pa natatapos ang iba. Buti na lang para sa mga kaparehang Scorpio, napapansin rin ng Sagittarius ang kanilang effort at trabahong nagagawa nila para sa kanilang relasyon, at pinapakita sa kanila ang appreciation kapag alam nilang kinakailangan. Ang Scorpio ay maaaring maging stubborn at demanding, kaya kailangan nilang mabigyan ng personal na espasyo at panahon ang Sagittarius sa kanilang sariling interes. Natatapos naman ng Scorpio ang mga naiiwang ideya ng Sagittarius . Kaya hindi lang puro trabaho at walang laro para sa kanila. Flexible ang Sagittarius, nagagawa nito ang mga iba’t ibang bagay, isang positibong katangian na minsan ay mas maganda pa kaysa determinasyon.
Ang pinakamagandang bagay sa relasyong Scorpio-Sagittarius? Ang seguridad at flexibility na naibibigay nila sa isa’t isa. Kung bubuksan nila nag kanilang mga sarili sa isa’t isa at ma-appreciate ang kanilang magkakaibang pilosopiya sa pag-ibig at sa buhay, magkakaroon sila ng potensyal sa isang maninit na relasyon, malalim na koneksyon at damang-damang respeto. Magiging passionate ang kanilang relasyon kung mapapanatili nila ang komunikasyon at irerespeto nila ang kanilang pagkakaiba.