Dragon Chinese Horoscope: Ano kapalaran ko sa pera, negosyo, pagibig swerte?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang mga dragon ay magkakaroon ng magandang kapalaran at kayo ay may magandang development sa karera at pag-ibig dahil ang tandang at ang dragon ay compatible sa isa’t-isa sa Chinese Zodiac. Kayong mga dragon ay may magandang kapalaran sa 2017.

Sa loob ng taon, kailangan mong palawakin ang iyong pagtingin at huwag limitahan ang sarili sa maliit na scope sa halip ay palawakin ito para makuha ang mas maraming oportunidad. Ngayong 2017 ikaw ay bibiyayaan ng dalawang maswerteng bituin, na nagsasabing ikaw ay suswertehin sa karera at pera. Ngunit ikaw ay dapat mag-ingat na maapektuhan ng malas na bituin na magpapatagpo sa iyo sa ilang mga kontrabida, kaya kailangang magtuon ng atensyon dito at huwag umakto base sa impulse mo at makialam sa problema ng iba at baka magkaproblema ka din.


Pera

Dahil sa basbas ng maswerteng bituin, ang mga pinanganak na Dragon ay magkakaroon ng estableng magandang kapalaran sap era, mapa empleyado ka man o negosyante, ikaw ay may magandang kapalaran sa 2017. Kapag ikaw ay nagtatrabaho para sa iba, ikaw ay marerecognize ng iyong boss at makakakuha ng umento sa sahod o bonus kapag nagtrabaho ka ng mabuti at patunayan ang sarili mo sa pamamagitan ng magandang performance at data. Kayo namang mga negosyante ay suswertehin sa pera at makakakuha ng kita na mas mataas kesa sa nakaraang taon; sa tulong ng iba, magkakaroon ng maraming oportunidad na makakuha ng mas maraming customer at bagong mga market. Ngunit ikaw ay hindi dapat sumugal o mag speculate o baka ikaw ay mawalan ng pera at karelasyon. Sa 2017, ang Lunar August (September 20 – October 19 sa Gregorian Calendar) ay compatible sa mga Dragon at magiging benepisyal sa swerte mo sap era. Kung ikaw ay nagtatrabaho para sa iba, pwede kang mag invest ng maayos para masubukan ang iyong swerte; kayong mga negosyante ay kailangang kunin ang oportunidad na kumita ng husto. Ngunit kayo ay gagastos ng sobra sa taong ito, kahit ang pang-araw-araw na gastos ay napakalaki.


Karera

Sa 2017, kayong mga Dragon ay may bagong mga oportunidad at breakthrough sa karera. Sa loob ng taon, kayo ay mabilis na mag-isip at makakapag-isip ng maayos, na magpapaganda ng work efficiency ninyo at ihahighlight ang iyong talento. Kayong mga empleyado ay matutulungan ng nakakatanda o boss, kaya kailangang magtrabaho ng mabuti para sa magandang oportunidad at magbigay ng effort para ipakita ang iyong kapabilidad. Kahit na busy ang trabaho sa loob ng taon, dapat mong pagbutihin ang iyong propesyonal na kaalaman at mag-aral pa sa libreng panahon mo na tiyak na makakabenepisyo sa iyong karera. Kung plano mong magsimula ng negosyo, 2017 ang magandang panahon para dito. Kayong mga negosyante ay tutulungan ng iba. Kaya ang taong ito ay maganda pero kailangan mong pag-isahin ang iyong mga empleyado. Kung plano mong palawakin ang iyong negosyo, gawin ito sa spring o summer dahil ang autumn at winter ay bagay lamang na panatilihin ito.


Pag-ibig at Relasyon

Sa pangkalahatan, ikaw ay magkakaroon ng estable at kaunting pagbubuti sa kapalaran pagdating sa pag-ibig. Dahil magiging mabuti ang lahat, ikaw ay magkakaroon ng magandang mood buong taon, na aapekto sa buong pamilya at buhay may asawa. Ang mga kasal na ay makakatamasa ng ng mapayapang pamilya at magandang pagsasama; ang pamilyang nabuo ng rooster at dragon ay mas magkakaroon ng magandang swerte sap era. Ngunit ikaw na lalaking dragon ay hindi dapat maging impulsive sa pagsasama mo sa iyong asawa ngunit maging pasensyoso para maiwasan ang problema o paghihiwalay.

Ang mga single naman ay magiging mas aktibo kumpara sa nakaraang taon at kayo ay magsa stand out sa mga parties at social occasions kaya pwedeng mong kunin ang oportunidad na ito para makilala ang tamang tao.

Para sa mga Dragon na in love, mabubuhay kayo ng matamis at pwedeng pag-isipan ang pagpapakasal.


Kalusugan


Dahil sa isang malas na bituin, ikaw ay hindi magkakaroon ng estableng kalusugan sa 2017. Sa madaling salita, mabilis kang magkakaroon ng maliliit na sakit o aksidente, at magdurusa sa hindi matanggal na sipon o lagnat na mukhang hindi naman seryoso, pero pwede maging malaking panganib sa kalusugan kaya dapat pagtuunan ito ng atensyon. Dagdag pa, parehong ang lalaki at babaeng dragon ay prone sa gastrointestinal problems sa taong ito kaya kailangang pagtuunan ng atensyon ang personal na kalinisan at diet, matulog ng maaga at ang kinakain mo araw araw. Huwag maging pabaya.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.