Ano ang Holy week: Mga pagkaabalahan ngayong Mahal na Araw! Easter

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Sa darating na Abril 9, 2017 hanggang Abril 15, 2017, ipagdidiwang ng halos lahat ng mga kristyano sa Pilipinas ang Mahal na Araw. Ito yung taunang pag-alaala sa mga huling araw ni Jesu-kristo sa lupa hanggang sa binuhay siyang muli.

Yung iba naman, isang araw lang nila kung ipagdiwang . Panahon yan para magpahinga at alalahanin ang sakripisyo ni Jesus. Yung iba naman, sinusulit nila ang panahon na to para maglibang at makasama ang pamilya. Ano man ang paraan ng bawat pinoy, paano nga ba mas masusulit ang okasyon na to? Ito ang ilan sa mga pinag-kakaabalahan ng marami at pwede mo din subukan:


-Marami ang nag-sisimba kasama ang pamilya. Sa tuwing Linggo ng Palaspas, nag hahabi ang mga kristyano ng dahon ng palma o palaspas bilang isang basket at naglalagay sila ng mga makukulay na itlog sa gitna ng lamesa. Yung ilang mga tradisyonal na pamilya, kapag webes santo eh naghahanda ng alak, tinapay at karne na kagaya nung last supper o huling hapunan ng Panginoon. Ganon din ang ginagawa kapag byernes hanggang sabado. Malamang na pamilyar ka na sa mga nag nonobena o yung tradisyunal na passion ng mga matatanda. Dumadalo ang karamihan sa mga misa o nanonood ng mga isinadulang serye ng buhay ni Jesus sa tv man o sa labas ng mga simbahan. Namimili naman ang iba ng mga display o imahen ng mga santo o apostol. May iba naman na ipinagdiriwang yan bago lumubog ang araw gaya ng nasa bibliya kung saan, may alak at tinapay. May isang simple at makabuluhang pahayag tungkol kay Jesus at kung paano tayo makikinabang sa ginawa niya.


-Manood ng mga palabas sa tv para malibang kasama ang pamilya. Karaniwan ng puro pelikula kapag holy week. Dati, sarado ang mga mall o resturant kapag mahal na araw. Pero ngayon, mas madami ang sinasamantala ang panahon ng bakasyon na to para pumunta sa beach, manood ng sine o magshopping. Yung iba naman, mas gusto ang tahimik kaya pumupunta sila sa mga bundok o banal na lugar para magrecollection o retreat. Paraan nila yan para sandaling takasan ang maingay na syudad. Nag pa-family bonding din, kainan o mga reunion ang ilang pinoy dahil mas kompleto ang pamilya at barkada.


-Mag enjoy sa mga bakasyunan sa probinsya at makinig sa musika na nakakarelax. Magtayo ng mga tent house sa gilid ng dagat habang nag-iihaw at pinapanood ang lagaslas ng tubig at ang maaliwalas na langit sa gabi. O diba exciting? May magagandang beach na malapit lang sa Maynila gaya ng Zambales, Batanggas o Quezon.


-Gaya ng nabanggit kanina, madami ang gusto sa mga bundok. Mag search sa internet sa mga itinuturing na banal na bundok o yung tinatawag nilang Santong Lugar para mas madama ang tahimik na aura.


-Planuhin ang Easter Lunch Party. Subukang mag-luto ng kakaibang ulam at gumawa kasama ng pamilya mo ng mga DIY easter eggs.


-Bisitahin ang mga kilalang simbahan malapit sa inyo o di kaya malayo para nakapag joyride ka nadin. Madaming simbahan sa maynila ang mas magpapaganda sa Visita Iglesia mo. Yung iba naman, gumagawa ng journal sa mga gusto nilang baguhin sa kanilang sarili. Binubulay-bulay naman ng iba ang bibliya sa mga tahimik na lugar gaya ng mga parks, garden o kung minsan pa nga, sa mga charity homes.



Iba-iba naman talaga ang paraan ng pagpapahalaga ng mga pinoy sa Mahal na Araw. Yung iba eh sobrang deboto at may mga panata na gawain sa tuwing sasapit ang spesyal na araw na to. Baka mas gusto naman ng iba ang tahimik at mas nakakarelax na bakasyon. Nakatulong sana sayo ang mga yan para mas maging maganda at maaliwalas ang pagdiriwang mo ng Mahal na Araw.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.