Paano gumawa ng New Year's Resolution? Ano Pangako sa Bagong Taon? Bagong buhay

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Gusto mo bang baguhin ang iyong sarili sa 2017? O kahit gamitin man lang ang bagong taon bilang matagal nang kailangang rason para bitawan ang masasamang nakaugalian o makakuha ng mga bagong pag-uugali?

Oo, panahon na namang iyon sa taon. Ito ang panahon kung saan nararamdaman natin na tila ba kailangan nating magbagong buhay. Ang panahong tingin natin at ini-imagine natin na ang pagdating ng bagong taon ay magbibigay ng simula, motibasyon at pagtitiyaga para baguhin ang ating mga sarili.

Sa nakasanayan, ang Enero o unang araw ng Bagong Taon ay ginawa bilang magandang oras para umpisahan ang bagong bahagi ng iyong buhay at ang panahon kung saan kailangan mong gawin ang lahat ng iyong mga new year’s resolution. Nguni tang umpisa ng taon ay isa din sa mga pinakamasamang panahon para baguhin ng malakihan ang iyong nakasanayan dahil ito ay kadalasang nakaka stress na panahon, lalo na kalagitnaan ng mga party at panahon ng bakasyon.

Huwag ilagay ang sarili para mabigo sa 2017 sa pagpangako na gumawa ng malakihang pagbabago na mahirap tuparin. Sa halip, sundin ang pitong paraang ito para matagumpay na makagawa ng new year’s resolution na masusunod mo ng mabuti.

1. Pumili ng isang bagay lang

Kung gusto mong baguhin ang iyong buhay o pamumuhay, huwag subukang baguhin ang buong ito nang isahan. Sa halip, pumili ng isang bahagi ng iyong buhay bilang simula.

Gawin itong konkreto para alam mo talaga kung anong pagbabago ang pinaplano mong gawin. Kung ikaw ay matagumpay sa unang pagbabago, maaari mon a itong ituloy at baguhin ang isa pang bagay matapos ng isang buwan o higit pa.

Sa paggawa ng maliit na pagbabago ng paunti-unti, may pag-asa ka pa sa isang bagong ikaw at pagtapos ng 2017 ay mas magiging makatotohanan na ito.

Huwag pumili ng New Year’s resolution na siguradong mabibigo tulad ng pagtakbo sa marathon kung ikaw ay 20lbs na overweight at naghahabol ng hininga habang naglalakad paakyat. Kung ito ang sitwasyon, piliing maglakad araw-araw. Kapag ikaw ay nasanay na pwede ka nang tumakbo paunti-unti, at dumerecho sa malayuang pagtakbo bandang Marso o Abril at marathon sa katapusan ng taon. Ano ang isang kaugalian ang gustong-gusto mong baguhin?

2. Magplano agad

Para masigurado ang iyong tagumpay, magsaliksik ka tungkol sa pagbabago na iyong gagawin at magplano agad para may mga kakailanganin kang mga gamit kapag kailangan mo na ito. Heto ang ilang mga bagay na kailangan mong gawin para paghandaan at maihanda ang lahat ng bagay para gawin ang pagbabagong ito.

Magbasa agad – pumunta sa library at kunin ang mga libro tungkol sa paksang ito. Kung ito man ay pagtigil sa paninigarilyo, pagtakbo o Yoga o pagiging vegan, may mga librong makakatulong sa’yo para paghandaan ito. O gamitin ang internet. Kung magsaliksik ka ng mabuti, baka ma excite ka pa sa pag-umpisa ng pagbabagong ito.

Magplano para sa tagumpay – Ihanda ang lahat ng bagay para maging madali ang bagay-bagay. Kung ikaw ay tatakbo, siguraduhing ikaw ay may sapatos, damit, sumbrero, salamin, ipod na may musika na mahahanda. Dahil dito ay wala ka nang dahilan.

3. Paghandaan ang mga problema

Magkakaroon ka ng mga problema kaya gumawa ng listahan kung ano ang mga ito. Kung iisipin, makikita mo na ang mga magiging problema sa ilang mga araw, mga tao o partikular na sitwasyon. Kapag nakita mo na ang mga problemang ito ay makakagawa ka na ng paraan para maayos ito kapag dumating na sila.

4. Pumili ng unang araw para magsimula

Hindi mo kailangang gawin ang pagbabagong ito sa araw mismo ng Bagong Taon. Iyon ang karaniwang pag-iisip, ngunit kung gusto mo talagang magbago, pumili ng araw na ikaw ay nakapahinga ng husto, masayahin at napapaligiran ng positibong mga tao. Ako’y maghihintay hanggang bumalik na sa klase ang mga bata sa Pebrero.

Minsan ang pagpili ng araw ay hindi umuubra. Mas mabuting maghantay hanggang handa na ang katawan at isip mo para sa haharapin mo. Malalaman mo kapag dumating na ito.

5. Gawin mo na ito.

Sa araw na iyon, dapat ay 100% ang ibigay mo dito. Mangako at isulat ito sa isang card. Kailangan mo lang ng isang maiksing pangungusap na madadala mo sa wallet mo. O itago sa iyong kotse, kama o sa salamin sa banyo para sa isang positibong reinforcement.

Ang iyong commitment card ay maaaring may mga salitang:

Ako ay natutuwa sa isang lugar na malinis at hindi mausok.

Ako ay natitiling kontrolado at kalmado kahit naiistress.

Ako ay nangangakong matuto kung paanong patakbuhin ang aking negosyo.

Ako ay magme meditate araw-araw.

6. Tanggapin ang pagkabigo

Kung ikaw ay nabigo at nagsigarilyo, hindi nakapaglakad o sinigawan ang mga bata ng isang araw, huwag magalit sa iyong sarili. Tandaan ang mga nakaka trigger nito at matuto mula dito.

Kung alam mon gang alcohol ay nagdudulot para hanap-hanapin mo ang sigarilyo at mag oversleep sa susunod na araw, bawasan ito. Kung alam mon gang morning rush bago ang klase ay nagdudulot para magsigaw ka, gumising ng maaga o ihanda lahat ng bagay para mas maging madali ito para sa’yo.

Pagtitiyaga ang susi sa tagumpay. Subukan ulit hanggang magtagumpay ka.

7. Magplano ng mga rewards

Ang maliliit na mga premyo ay magandang encouragement para magpatuloy ka sa mga mahihirap na araw. Matapos nito ay maaari mong bigyan ng premyo ang iyong sarili ng isang beses sa isang linggo ng magazine, long distance na tawag sa isang supportive na kaibigan, isang siesta, manood ng sine o kung ano mang nakakapagpasaya sa’yo.

Pwede mo ding palitan ang mga premyo buwan-buwan at sa pagtatapos ng taon ay pupwede kang pumili ng anniversary reward. Isang bagay na pwede mong i-look forward. Karapat-dapat ka para dito at nakuha mo ito.

Kung ano man ang iyong plano at layunin sa 2017, sana ay suwertehin kayo ngunit tandaan, buhay mo ito at ikaw ang gagawa ng iyong kapalaran.

Pagpasyahan ang gagawin mo sa 2017, planuhin kung paano makuha ito at gawin ito. Susuportahan kita.

May plano ka pang New Year’s resolution sa 2017? Ano ito at ito ba ay nasubukan mo na dati o hindi pa?


About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.