Ano kahulugan, kasaysayan at kwento sa kapistahan ng 3 hari? Pagdaraos 3 kings, totoo ba?

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Para sa karamihan ng mga Kristiano, ang kapistahan ng pasko ay hindi natatapos hanggang sa ika-12 araw ng Pasko. Kalimitang hinihintay ng mga tao ang huling araw ng “Pista ng Tatlong Hari”, “Araw ng Tatlong Hari”, “Pista ng Tatlong Pantas”, o “Pista ng Epipanya” upang ideklara ang katapusan ng Pasko.

Ano man ang gustong mong itawag sa araw na ito, isa lang ang mensahe na nais nitong ipaabot ‘yan ay ang pagpapa-alala sa pagsamba ng tatlong hari sa sanggol na si Hesukristo. Ang katawagan na “Pista ng Tatlong Hari” ay ukol sa tatlong haring mago na sina Melchor na mula sa Europa , Baltasar mula sa Aprika at Gaspar na mula naman sa Arabia na nagbigay ng regalo upang ipagdiwang ang kapanganakan ng Hesukristo. Ayon sa ebanghelyo ni Mateo, natagpuan ng tatlong hari ang sanggol na si Hesukristo sa pamamagitan ng pagsunod sa kinaroroonan ng isang bituin at nilakbay ang desyerto ng labindalawang araw patungong Betlehem, sakay ang kanilang kabayo, kamelyo, at elepante upang ihandog sa sanggol na si Hesukristo ang kanilang dalang regalo na ginto, kamanyan, at mira. Ang gintong regalo ay simbolo ng kadakilaan ng sanggol na si Hesukristo na binansagan nilang “Hari ng mga Hudyo”, habang ang kamanyang naman ay sumisimbolo ng pagka espesiyal na tao ng Sanggol na hindi pangkaraniwan dahil ang Sanggol ay Anak ng Panginoon, at ang panghuli, ang mira, na ginagamit sa pag embalsamo ng patay, ay simbolo ng walang hanggang buhay at walang katapusang paghahari ng isinilang na Sanggol - sumisimbolo din ito sa pagkamatay ni Hesus na naglinis sa ating mga kasalanan.


Ang araw na ito ay pagpapa-alala rin sa pagbinyag sa Panginoon noong mga tatlong-pung taon gulang pa lamang Siya at nagsimulang magturo sa mga tao ng tungkol sa Kanyang Ama. Ang epipanya ay nangangahulugang “pagpapahayag” at ang pagbisita ng tatlong hari at ang pagbibinyag sa Panginoon ay parehong mahalagang panahon kung saan ang Panginoon ay naipahayag o naipakita sa ibang tao.

Ang pista ng Epipanya ay ipinagdiriwang sa maraming bansa sa buong mundo.

Isang malaki at importanteng pagdiriwang sa Espanya ang pista ng epipanya na mas kilala sa tawag sa kanilang bansa na 'Fiesta de Los tres Reyes Mages'. Sa kapistahang ito kalimitang nakakatanggap ng maraming regalo ang mga bata mula sa mga matatanda na sumisimbolo ng pagbibigay ng mga hari ng regalo sa batang si Hesus.

Isa ring malimit na tradisyon sa Espanya ay ang paghahanda ng 'Roscón'. Isa itong bilugang tinapay na may espesyal na sangkap at palaman na kadalasang nilalagyan ng artipisyal na korona sa gitna na isang larawan ng isang hari.

Sa Pransiya naman, isang tradisyon ang paghanda ng 'Galette des Rois', isang keyk na ang pangunahing sangkap ay pili. Meron itong laruang korona sa loob na sinasama sa pagluto nito at pinalamutian ng gintong korona na gawa sa papel ang gitna nito.

Sa Mehiko, isang tradisyon ang paghanda ng keyk na kung tawagin ay 'Rosca de Reyes' o ang Keyk ng Tatlong Hari. May isang pigura ng Sanggol na si Hesus ang nakakubli sa loob ng keyk. Kung sinoman ang makakatanggap ng keyk na may pigura ng batang si Hesus ay siyang magiging ninong o ninang Ni Hesus sa taon na iyon.

Sa Italya naman, kalimitan din nakakatanggap ng regalo ang mga bata. Ngunit ang paniwala ng mga bata ay ang isang babae na kung tawagin nila na 'Befana' ang nagbibigay sa kanila ng regalo.

Sa Austria naman, nagsusulat sa pinto ng bahay ang mga tao ng isang karatula na isang paalala sa pagbisita ng tatlong hari sa batang Hesus. Ang isunusulat nila sa pinto ay ang kasalukuyang taon na hinati at inilagay sa gitna ng mga inisyal na pangalan ng tatlong hari. Halimbawa dito ay sa taong 2014 na isusulat nilang 20*G*M*B*14. Ito ay pinaniniwalaang nagproprotekta sa kanilang bahay sa susunod na taon.

Nagdadamit gaya ng tatlong hari ang mga bata sa Belgium at Poland at pumupunta sa mga bahay-bahay at nagsisiawitan na siya namang binibigyan ng keyndi o pera ang mga bata.

Sa Ireland naman, tinatawag ang kapistahang ito na 'Nollaig na mBean' o ‘Pasko ng mga Kababaihan’. Ang kaugalian sa araw na ito ay nagpapahinga ang mga kababaihan sa kanilang mga trabaho at ang mga lalaki naman ang gumagawa ng mga trabaho sa bahay pati narin ang pagluluto.



About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.