Sino si Macario Sakay? Bayani o Bandido? Talambuhay Kriminal Tondo, Bandolero Act

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Mandarambong, tulisan, bandido – iilan lamang sa naging tawag sa mga Pilipinong kriminal noong 1900s. Mula pa noong nagsimula ang pananakop ng mga Amerikano, napaniwala ang karamihan sa mga Pilipino na ang pagiging kriminal noong panahong iyon ay katumbas ng pagiging ‘kaaway’ ng bayan.

Sa pamamagitan ng Bandolero Act (1902), lahat ng pangkasarinlan at makabayang pagkilos na ginagamitan ng armas ay mahigpit na ipinagbawal at itinuturing ng Pamahalaang Amerikano na ‘dishonorable criminal activity’. Kung ito nga ang tunay at tamang depinisyon ng pagiging bandido, si Macario Sakay na siguro ang naging pinakamalaking mandarambong sa panahon ng pananakop ng Amerika. Mahigit 100 taon ang nakalipas, karamihan sa mga tinaguriang bandido noong panahong iyon ay itinuturing nang bayani sa kasalukuyang panahon.


Walang nakapagtala ng araw ng kapanganakan ni Macario Sakay ngunit tinatayang ipinanganak siya sa pagitan ng 1869 at 1878 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Una siyang nagtrabaho bilang tagagawa ng kalesa. Naging mananahi rin siya at stage actor. Nakapagtanghal siya sa ilang mga palabas katulad ng Principe Baldovino, Amante de la Corona, at Doce Pares de Francia.


Bilang isa sa mga orihinal na kasapi ng Katipunan, na sinalihan niya taong 1894, kasama niya si Andres Bonifacio na nilabanan ang mga Kastila sa kabuuan ng Philippine Revolution. Nang isuko ng España ang Pilipinas sa Amerika (1899), ipinagpatuloy niya ang laban para sa kasarinlan. Ikinulong siya sa kasong sedisyon ngunit napalaya rin sa bisa ng isang amnestiya.

Isa si Sakay sa mga nagtaguyod ng Partido Nacionalista na isinulong ang kasarinlan ng Pilipubas gamit ang legal na pamamaraan. Umapela ang partido sa Philippine Commission, ngunit ipinasa naman ng komisyon ang Sedition Law, na naglayong ipagbawal ang anumang uri ng propaganda na nagmumungkahi ng pambansang kasarinlan. Dahil dito, muling nag-aklas ang grupo ni Sakay.


Salungat sa paniniwala ng marami, hindi nagtapos ang laban ng Pilipinas kontra Amerika sa pagkabihag ni Aguinaldo. May mangilan-ngilang hukbo ang nagpatuloy ng laban. Isa na sa mga ito ang hukbo ni Macario Sakay.


Walang makapagsasabi kung ano ang naging katungkulan at ranggo ni Sakay sa Katipunan ngunit nang sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano, tinangan ni Sakay ang liderato at idineklara ang sarili na bagong Supremo ng Republika ng Katagalugan, na ayon sa kanya ay sumasaklaw sa lahat ng kapuluan ng bansa mula Luzon hanggang Mindanao. Binalangkas ni Sakay ang isang konstitusyong naglalayong parusahan ang mga traydor o suporter ng kalaban sa pamamagitan ng deportasyon, pagkakakulong o kamatayan. Mayo 1902, lantarang idineklara ng hukbo ni Sakay ang kanilang pagtutol sa pamamahala ng mga Amerikano.


Taong 1905, pinahintulutan ni Gobernador-Heneral Henry Clay Ide ang pinuno ng Filipino Labour na si Dominador Gomez na makipag-areglo sa grupo ni Sakay. Iginiit ni Gomez na kailangan nang sumuko ni Sakay at ng kanyang hukbo dahil ang kanilang paraan ay humahadlang sa pagkakabuo ng isang national assembly ­– na napagtanto ng Supremo na isa ring legal na paraan para makamit ang otonomiya – at ang pagkakabuo nito ang magsisilbing daan tungo sa tunay na kasarinlan.Tinanggap ni Sakay ang alok ni Gomez at sumang-ayon na sumuko sa silang kondisyon: bigyan siya at ang kanyang mga kasamahan ng amnestiya, hayaan silang magdala ng armas, at payagang makalabas ng bansa. Tiniyak ni Gomez na walang magiging problema sa kabilang panig. Nakakuha pa ang kampo ni Sakay ng kopya ng kasunduan mula sa mismong Gobernador-Heneral.


Bilang resulta, sumuko siya at ang kanyang mga kasamahan noong Julyo 20, 1906. Bumaba sila mula sa kabundukan dahil sa pangakong makakamit ang amnestiya at magkakaroon ng isang Philippine Assembly na magsisilbing ‘gate to Kalayaan’. Patungong Maynila, inimbita sila sa ilang mga salu-salo. Isa sa mga imbitasyong ito ay nagmula sa Constabulary Chief na si Col. Harry H. Bandholtz. Ngunit ito ay patibong lamang. Kasama ang kanyang mga tinyente, inalisan sila ng armas at inaresto habang patuloy ang selebrasyon.


Siya ay kinasuhan ng “bandolerismo” sa ilalim ng Brigandage Act of 1902. Ang naging kaparusahan ay pagbitay na ginanap noong Setyembre 13, 1907. Heto ang kanyang mga naging huling kataga:


“Sa malao’t madali, ang lahat ng tao ay mamamatay subalit haharap ako ng mahinahon sa Panginoon. Ngunit gusto kong sabihin sa inyong lahat na hindi kami mga magnanakaw. Hindi kami mga tulisan na tulad ng ipinaparatang ng mga Amerikano. Kami ay tunay na Katipunan na nagtatanggol sa ating Inang Bayan. Paalam at nawa’y muling isilang sa ating hinaharap ang Kalayaan.”



About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.