Sino si Melchora Aquino o Tandang Sora? Talambuhay ng Ina ng Balintawak at Katipunan

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Mga Kawili-wiling Bagay Tungkol sa Buhay ni Melchora Aquino


Isa na siguro sa pinakatanyag sa hanay ng mga Bayaning Pilipino si Melchora Aquino na mas kilala sa tawag na Tandang Sora dahil sa kanyang katandaan ng maging aktibo sa kilusan ng Katipunan. Sa edad na 84, pinatunayan niya na hindi hadlang ang anumang edad sa pagpakita ng pagmamahal at pagsisilbi sa bayan. Kahit na madalas nating naririnig ang kanyang pangalan sa klase at maging sa labas ng paaralan (isang distrito, kalye sa Quezon City, atbp.), hindi maikakaila na mailap pa rin sa bawat Juan ang ilan sa mga importante ngunit kawili-wiling bagay sa buhay ni Melchora Aquino. Ilan ba sa mga sumusunod ang alam mo?


· Mahirap na magsasaka ang mga magulang ni Melchora Aquino – sina Juan at Valentina Aquino.


· Ang kanyang pangalan ay hango sa isa sa Tatlong Haring Mago na si Melchor.


· Hindi siya kailanman nakapag-aral subalit siya ay matalino at marunong magbasa at magsulat.


· Magaling siyang mang-aawit at madalas na kumakanta sa mga lokal na kaganapan at misa sa simbahan.


· Hinahangaan ng kabinataan ang kagandahan ng dalagang Melchora. Sa katunayan, madalas siyang nagre-Reyna Elena sa mga Santacrusan.


· Ang kanyang buong pangalan matapos mag-asawa ay Melchora Aquino de Ramos. Ang kanyang naging asawa ay si Fulgencio Ramos. Gayunpaman, mas naging kilala pa rin siya sa kanyang dalagang pangalan.


· Naganyak niya ang kanyang asawa na pasukin ang serbisy publiko at naging cabeza de barangay (barangay captain).


· Namatay ng maaga ang kanyang asawa at siya ang naiwang mangalaga sa kanilang anim na anak.


· Siya ay naging aktibo sa pag-oorganisa ng mga selebrasyon gaya ng binyag, pista at kasalan.


· Mayroon siyang malaking tindahan na siyang naging kanlungan ng mga sugatan at may sakit na mga Katipunero. Dito na rin idinaraos ang mga pagtitipon ng mga rebolusyonaryo.


· Nakapagbigay siya ng 100 sakong bigas at 3 kalabaw (Sampu, ayon sa ilang sources) sa mga Katipunero.

· Siya at ang kanyang anak na si Juan Ramon ay nakadalo sa Sigaw ng Pugad Lawin at natunghayan ang pagpunit ng mga sedula.


· Dahil sa kanyang naging malaking kontribusyon sa rebolusyon, siya ay tinawag sa iba pang mga pangalan: “Ina ng Balintawak”, “Ina ng Katipunan”, at iba pa.


· Nang malaman ng mga Kastila ang kanyang kontribusyon sa rebolusyon, pinayuhan siya ni Andres Bonifacio na dalhin ang kanyang mag-anak sa Novaliches para makalayo ngunit naunahan sila ng mga Kastila at hinuli sila sa daan.


· Siya ay tinanong tungkol sa kinaroroonan ni Andres Bonifacio. Hindi siya nagsalita kaya siya ay ipina-deport sa Guam.


· Lulan ng barkong patungong Guam, nakilala niya ang mayaman na Guamanian na si Justo Dunca. Inimbita si Melchora na magsilbi bilang house manager sa kanyang tahanan.


· Pebrero 26, 1903 – siya ay nagbalik sa bansa lulan ng S.S. Uranus.


· Kahit na matanda at naghihirap na, tinanggihan niya ang anumang alok na pera o pagkilala mula sa pamahalaan.


· Marso 12, 1919 – namatay si Melchora sa bahay ng kanyang anak na si Saturnina sa edad na 107.


Extra Trivia:


· Siya ang kauna-unahang Pilipina na nailagay sa imprinta ng pera. Ito ay ang 100-peso bill na ginamit mula 1951 hanggang 1966. Lumabas rin siya sa 5-centavo na barya mula 1967 hanggang 1992.


· Hindi lang sa Pilipinas mayroong kalye na nakapangalan kay Melchora Aquino, meron din sa California, USA, bilang pagkilala sa kanyang kadakilaan.


Tunay ngang kahanga-hanga ang mga naging kontribusyon ni Tandang Sora. Mahirap tumbasan ang kanyang naging ambag sa kasaysayan. Sa panahon na dapat mas inaalagaan niya ang kanyang sarili, nakuha niya pang unahin ang kapakanan ng iba.



About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.