Ano ang pwede mong sabihin sa crush mo o sa nililigawan mong babae? Narito ang Top 30 Tagalog Pick’up Lines Tungkol sa Love Pag-ibig papakilig ng nililigawan at minamahal
Hindi ko na ginagamit ang Google.
Dahil mula ng nakilala kita,
the Search is over.
Hindi ako makapangako
Na maging magkaibigan tayo,
Kasi malay mo, tayo na later.
Para kang Amo ko,
Inalila mo kasi ang puso ko.
Sana posporo ka at posporo din ako,
Para match tayo!
Ahhh, excuse me Miss!
Ikaw ba ay Troso?
Gusto kasi kitang sibakin!
Ospital ka ba?
May komplikasyon kasi ang puso ko.
Either I C U Or U C me..
Pagsusulit mo nalang sana ako,
upang sagutin mo din agad ako.
Bastos ka rin no? Hindi ka man lang
Nagpapaalam tuloy-tuloy kang pumasok
Sa puso ko!
Alak ka ba? Ang lakas kasi ng
Tama ko sayo.
Pinaglihi ka ba sa keyboard? type kasi
Kita eh.
Papicture naman tayo oh? Upang
Madevelop tayo sa isa’t isa.
Surgeon ka ba? kasi ikaw lang ang
Nakapagbukas ng puso ko.
Wala akong alam sa katapusan ng Universe,
Pero alam ko, ang simula.. U N I.
Naku! Nakalimutan ko pangalan mo.
Pwede bang tawagin na lang kitang AKIN?
Nakalunok ka ba ng kuwitis? Kasi
Pag ngumiti ka..may spark!
Ang buhay ko parang nakasakay sa seesaw,
Kasi pag wala ka, down ako!
Sana damit na lang ako, Upang masubukan
mo naman kung bagay tayo!
May kulang sa pangalan mo, ang apilyedo ko.
Hindi ko pinipilit na maging akin ka,
Ang gusto ko lang naman maging sayo ako.
Alam mo bang isda ako at tubig ka, kasi di ako
Mabubuhay ng wala ka!
Password ka ba? Dahil kahit anung gawin ko,
Hindi kita makalimutan.
Malaki ba ang mga kamay mo? Kasi nagtataka
lang ako kung paano mo nahawakan ang Mundo ko..
Maari ko bang isanla ang sarili ko
Sayo? Para naman magkainteres ka sa akin..
Ayoko na sa sarili ko!
Gusto mo sa’yo na lang ako?..
Kung magiging subject ka,
Gusto ko ikaw ang Pinakamahirap. Upang sa’yo lang ako babagsak!
Tandaan mo, hindi lahat ng
Buhay ay buhay. Kagaya ko, buhay pero
Patay na patay sayo..
Alam mo gusto kong maging PULIS,
Para ikaw ang MOST WANTED KO!