Ano Kapalaran ko sa Pag-ibig sa 2017? Swerte sa Buhay Pagibig, Kinabukasan Pagmamahal, Romansa, Love sa bagong taon

Buhay OFW Org
is a Company located in the Philippines

Ano masasabi ng mga bituin sa aking buhay romansa at pag-ibig nitong 2017? Sa simula ng bagong taon, tayo ay puno ng galak sa kapalarang naghihintay. Ano nga ba ang aking kapalaran sa pagibig sa bagong taon na ito? Basahin sa ibaba base sa inyong zodiac sign:


ARIES

Magiging makulay ang buhay ng Aries sa taong 2017 lalo na sa usaping pag-ibig. Kailangan mag ingat ang mga attached o taken na Aries (may nobyo, asawa) dahil mas mapapalapit kayo sa tukso. Ang mga single na Aries naman ay mas magiging adventurous. Ikaw ay susubok ng mga bagay na dati ay hindi mo ginagawa.


Ang Solar eclipse na mangyayari sa March 8 ay magdadala sa iyo ng magandang pangyayari na kailanman ay hindi mo makakalimutan sapagkat ito ay magiging magical. Ngunit magiging emosyonal ka pag dating ng March 22 dahil ito sa epekto ng Lunar Eclipse at dahil dito ay may mga lumang isyu na lilitaw. Ang vibration ng lunar eclipse ay magtatagal ng anim na buwan.


Sa buwan naman ng Setyembre ay maghahanap ka ng taong bubuhay ng iyong diwa, maari ay hinahanap mo ang iyong magiging special someone. Ang mapaglarong Ram o Tupa ay magiging seryoso sa kalagitnaan ng octubre sapagkat nahanap mo na matagal mo nang hinahanap.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Aries


TAURUS

Ikaw ay naging pasensyoso sa mga nakaraan na taon kaya ang iba sa inyo ay nakaramdam ng inip na para bang kahit anong gawin mo ay hindi umuusbong ang iyong buhay pag ibig. Marahil dahil ito sa iyong nakaraan.

Sa buwan ng Marso, ikaw ay magiging mapaglaro ngunit meron possibilidad na may mabubuong pag ibig sa sususunod na mga buwan. May makaka one night stand ka sa Setyembre at maaring makapagsimula ito ng magandang pagkakaibigan o makakatagpo ka ng tunay na pag-ibig. Mas maiging pag tibayin ang relasyon ng tunay na pag ibig na may pangako at katapatan.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Taurus


GEMINI

Hindi madali sa isang Gemini ang sumunod sa patakaran ngunit dapat itong gawin sa susunod na taon. Ang Gemini ay mahilig makipag usap at kung ikaw ay na in love, napapanahon na ipagtapat ito. Mahilig ka sa intellectual na usapan at kapag hindi ito napantayan, ito ay magiging problema sa inyong relasyon. Asahan mong makakatagpo ka ng pag ibig sa buwan ng Marso o di kaya makakaalis ka na sa relasyong hindi ka na masaya.


I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Gemini


CANCER

Importante sa Cancer ang privacy kung kaya’t mamasamain mo ang mga tanong na tungkol sa iyong personal na buhay. Magiging mainit ang taon na ito sa iyo lalo na sa buwan ng Hunyo o Hulyo sapagkat maaring magkaroon ka ng lihim na relasyon. Kung ikaw naman ay nasa long term relationship or bagong relasyon ay mas titindi anng inyong pag iibigan.


Kung paano mo ipakilala ang iyong sarili ay nagdadala ito ng senyales na ang bagay bagay ang nagbabago din. Ang conventional na Cancer ay magiging sexually unconventional sa taon na itong 2017.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Cancer


LEO

Ang Leo kapag umibig ay talagang malalim. Kapag ikaw ay nasa relasyon iniisip mo na ito ay panghabang buhay. Sa 2017, Sa mga attached na Leo ay mas lalong lalalim ang iyong relasyon ng iyong minamahal. Kayong dalawa ay nagsisimula nang mag-isip para sa hinarahap at ang pagmamahalan ninyo ay mas lalong tumitindi, ngunit sapat na ba ito para mapunta sa simbahan? Kung hindi, maaaring subukan na lang muna ang pakikipag live-in.


Ibibigay ng isang Leo ang lahat lahat sa kanyang nag iisang pag-ibig o 'the one'.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Leo


VIRGO


Sa pagsisimula ng 2017, matatagpuan natin ang ating pinakamalalim na pag-ibig, at posibleng ang taong ating makakasama sa buhay. Maari mong tingnan ang bagong relasyon na ito bilang isa sa mga makalumang pagkatagpo ng pag-ibig. Maaari ding merong mga kakaibang pagkakataon na nakapalibot sa relasyong ito, gaya ng sikretong kaugnayan na matagal mo nang pinapantasya, na hanggang ngayon ay sumasagi sa isipan mo, na maaring biglang dumating.


Ang lahat ng mga intrigang ito ay dahil sa iyong tagapamunong Mercury na kumikilos papasok at palabas pabalik, apat na beses, imbes na tatlo ngayong taon; at iyan ay malaking pagtanaw sa panlabas. Ngayon ay panahon para tanawin ang panloob. Habang iniisip ang nakaraan, maaring nakaturo na ang iyong daliri sa ibabaw ng delete key sa kung sinuman, nang hindi niya inaasahan. Ang iyong tagapamuno, ang mabilis, at madaling mag-isip na Mercury ay kumikilos pabalik, at ikaw ay maaring masyadong nagmamadali hindi lamang sa umpisa ng taon kundi sa buong taon.


Ang Pluto ay nasa lugar para sa one-night stands, flings, at outrageous affairs, at ikaw na tahimik at konserbatibong Virgo, ay mas kusang kukunin ang pagkakatong ito ngayon kesa ng dati.


Maaring nailabas mo ang ilang romantikong pagnanais na matagal mo nang ikinandado, at ito ngayo'y nagpapahintulot ng bagong taong darating sa iyo.


March 8th ang solar eclipse sa Pisces ay lumiliwanag sa totoong karakter ng isang tao-mabuti man o hindi-- at walang makakapigil nito. Walang ibang mas mainam na panahon para makipagrelasyon o alisin ang anumang nakakalason kundi sa ilalim ng sinag ng Eclipse. Para itong romantic time bomb at habang ang Neptune ay umaalig-ligid sa'yo, maaring mong makatagpo ang isang taong nagtataglay ng lahat ng katangian na pinapangarap mo sa isang lalaki/babae.


Ang panloob na paglalakbay na iyong sisimulan ay lahat tungkol pag-ibig at pakikipagtalik, o pakikipagtalik at pag-ibig...hindi mo pa madedesisyunan kung anuman ang prayoridad sa ngayon. Malamang, ang solar eclipse sa unang araw ng Setyembre ang magbibigay ng mga hindi inaasahang pagbabago sa direksyon at bagong ikot sa pag-ibig na inaasam mo, at lumilitaw na sa buong taon ay ang pinakamaligayang panahon para umibig.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Virgo



LIBRA


Ang Venus, ang iyong tagapamuno, ay nangangasong at naghahanap ngayong taon 2017, sa pagsugod papasok at palabas sa lahat ng bahay ng iyong talangguhit. Hanggang sa huling bahagi ng taon, sisimulan niyang balikan ang kanyang mga hakbang at babalik sa bahay ng sexy come-back, sa lugar ng candlelit dinners, at sa bahay ng love at first sight.


Nailabas na ng mga bituin ang lahat ng enerhiya para sa iyong buhay pag-ibig sa nakaraang taon, Libra, at marahil ang ilan sa inyo ay nasaktan at posibleng hindi pa handa para magpakilala ng bagong 'sexy someone' sa publiko. Nasa Twelfth House ang Jupiter ngayon para sa behind the scenes activity; nagpapahiwatig din ito na may tinatagong lihim ang flirtatious na Libra.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Libra


SCORPIO

Sobra-sobra ang pag-ibig, erotic adventure, at mga sexy encounters para sa iyo sa 2017, dahil ang bituin ng kulay rosang panaginip, si Neptune, ay nasa Fifth House ngayong taon. Hindi rin naman nangangagat na meron ring dalawang Solar Eclipse na umiilaw sa parehong house ng pag-ibig bilang hamon. Nangangahulugan lagi ang eclipse bilang pahinga o pagbabago sa status quo. Para sa single na Scorpio (at posible rin sa mga taken na) baka sa Marso at sa Setyembre uli ay kadalasang inaasahan ang isang bagong mukha.


Laging mapili ang Scorpio, at dahil ang Jupiter ay nasa Virgo ngayong unang kalahati ng taon, maaaring maging masyado kang demanding sa mga love partners. Ang mensahe ay: easy lang. Gitnang Oktubre, lilipat si Jupiter sa Libra at sa Twelfth House, at pwedeng magkaroon ng mga sikreto (at sino pa bang mas mahal ang mga sikreto higit sa mga Scorpio) na pumapalibot sa iyong relasyon. Hindi ka na kailangan sabihan na magtago at manahimik, nararamdaman mo ito sa awra, at naniniwala ka na minamahal ka nang buo.


Nakakaakit na sexual na mga nilalang ang mga Scorpio, at dahil sa posisyon ng Neptune at ng mga eclipse, mas halata ang panglalandi mo, hindi ang karaniwan mong mabagal at kalmadong pang-aakit. Ang tahimik na intensidad mo ay gumagana nang parang mahika, at nakakadagdag ang konting wine, tugtugin, at pasyon sa mahikang ito.


Kahit kailan hindi mo pinapakita ang alas mo at ang stratehiyang to ay gagana ngayong taon. Kapag nakuha mo na ang atensiyon ng gusto mo, ipapasok mo ang abilidad mo para maging kumportable sayo ang taong iyon.


Mars, ang co-ruler ng iyong chart, ay retrograde ng ika-17 ng Abril hanggang ika-29 ng Hunyo, at baka ito na ang panahon na alam ng lumalampas na malikhaing bituing ito ang mga tamang tanong. Makikipagkita ito ng ika-27 ng Setyembre hanggang ika-9 ng Nobyembre kay Pluto na nasa Capricorn, at biglang nasa paningin mo na ang hinahanap mo.


Ang swerte sa Scorpio ng 2017 na si Venus, ang bituin ng pag-ibig, ay magbibigay sayo ng mas maraming confidence kaysa sa meron ka. Hindi maabot rin ang Venus tulad ng Mars. Mula ika 18 ng Oktubre hanggang ika 7 ng Disyembre ay paiba-iba ka ng trip. Posible para sayo na lumabas mula sa karaniwan mong circle of friends at lovers at tumungo sa bagong direksyon ng romansa at isang bagong partner.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Scorpio


SAGITTARIUS

Medyo uurong ang Mercury sa taong ito at magdadagdag ito ng pagkalito sa pag-ibig at ng konting kaguluhan sa buhay mo dahil kaya niyang maglabas-masok sa isang mainit na love affair bago pa malaman ng partner na nandiyan siya.


Mars, ang sexy na mandirigma, ay magbabago ng direksiyon, na nagdadagdag ng intriga at mga sikreto rin sa iyong mga pagroromansa.


Hindi mo muna talaga ngayon prayoridad ang mga seryosong relasyon, pero ang mga fling, at talagang mas magpapaapekto ka sa mga sexy na intermisyong ito. Ibig sabihin nito’y wag mong galawin ang mga taken na. May oportunidad ang mga romantikong sitwasyon na nagsimula sa taong ito na sumibol, pero tikom ang bibig mo ngayon at mas aasa ka sa pisikal na pamamaraan kaysa sa verbal para ipakita ang nararamdaman mo.


Magbibigay ang isang Solar Eclipse sa ika-8 ng Marso na susundan ng Lunar Eclipse sa ika-23 ng Marso ng dalawang linggong oportunidad para sa pag-ibig. Meron ang eclipse ng ika-8 ng Marso ng takasan na umaapila sa’yo, at sa Lunar naman sa ika-23 ng Marso, matatagpuan mo ang sarili mo na nagdedesisyon kung mananatili ka ba o aalis na lang.


Magdadala ang Saturn ng kapangyarihang manatili sa mailap na Sag at nilalagay nito iyon sa bawat pisikal na effort na ginagawa mo. Nakakatuwa ang mapaglaro mong ugali sa romansa, pero kapag dinagdag mo ang extrang bigat ng intensity na meron ka ngayong taon, mas lalaki ang appeal mo.


Lumalabas sa ng isang partner na para kang panaginip. Pwede kang maakit dahil sa dalawang eclipse sa ika-1 at ika-16 ng Setyembre, at aangkinin mo ang free spirit mo kapag nakuha mo ang mata ng isang bagong tao. Mararamdaman mo agad na nagsasalitan kayong dalawa ng mga sikretong mensahe, at nababasa mo sila nang laro at baka papulahin ka nito. Sa tingin ng taong ito na hindi ka lang sexy, sobrang nakakaakit ka rin.


Masaya ang pagdaan ng Saturn sa Sagittarius kapag inisip mo to bilang isang bagong pampawala at hindi simula ng isang bago at mas behave na ikaw, kahit na ito ang kaso sa bituin ng tadhana na nasa sign mo sa loob ng dalawang taon, Sag.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Sagittarius


CAPRICORN

Tahimik na nagsimula ang pagme-makeover sa personalidad mo.


Para sa unang kalahati ng taong 2017, bibilis ang makeover na iyon dahil ang agresibong Mars ay nasa Eleventh House, na gumagawa ng intensity na dati ay nakaimbak lang para magamit sa trabaho, pero doble ang responsibilidad na ginagawa nito ngayong taon. Ang kilos ng katawan mo, na tulad ng dilaw na ilaw trapiko, ay naghina dahil sa init ni Pluto sa sign mo, at baka manatili sa berdeng ilaw para sa buong taon.


Kapansin-pansin ang dalawang buwan na punung-puno ng bituin sa susunod na taon at ito ay ang Hunyo at Hulyo. Mainit ang mga tag-init na buwan ...at hindi lang ang temperatura ang sinasabi ko. Dahil may tatlo o apat na bituin na pumupuno sa Seventh House ng pag-ibig, gagawa sila ng isang mabangis na romantiko pero posibleng sikretong love affair na maalala mo. Magkakaroon na siguro ng sapat na mga paputok, adrenaline rushes, at nakakatakam na mga karanasan ng love at first para mapabilis ang galaw kahit anong relasyon.


Nasa Third House si Neptune at si Jupiter naman sa Ninth House kung paano tayo makipagusap sa mga iniibig. Nakikipagkumpitensya sila sa first place ng istilo ng pakikipag-usap at sa pagdagdag rin ng kapangyarihan ng intuition mo.


Nakarating na si Saturn, ang pinakamaliit at pinakamatibay na bituin sa solar system at ang pinuno ng chart mo, sa Twelfth House ng mga sikreto at spiritwalidad nang hindi lang suitcase ang dala kundi isang tranke. Nagpaplano siyang manatili doon sa susunod na dalawang taon. Nasa loob ng tranke ay lahat ng mga paalala kung ano ang mga naglaho sa buhay mo, at ang dating itim at puti ay mukang makulay na ngayon. Mas tataas ang divine intuition mo at magugulat ka sa mga tinatagong lakas at mga sakim na kagustuhan na makakatakas sa bagaheng iyon sa dadating na dalawang taon.


Literal na tumatakbo si Venus, ang dyosa ng pag-ibig, sa buong linya ng Zodiac at sa Nobyembre ay nandun nanaman siya sa pinagsimulan niya sa misteryosong Twelfth House at biglaang babangga kay Saturn sa pangalawang beses na ngayong taon.


Ibig sabihin ba nito na sapat na nagmature na ang isang relasyon at ayos nang isapubliko ito o mag-anunsyo ng commitment? Kung yun ang kaso, Capricorn, pwedeng magkaroon sa Disyembre kapag papasok siya bigla sa sign mo ng pangalawang beses ng paganunsyo ng bagong romantikong pagsasama sa mga kasiyahan ng holiday. O kaya’y magpapakita lang kayong dalawa at ang simpleng pagkakita sa inyo ang nagbibigay ng anunsyo. Hinding-hindi mo makakalimutan ang taon na’to!

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Capricorn



AQUARIUS

Sapat na para sa karamihan ng mga Water Bearers na ma-in love lang at sa kung anong meron kayo ngayon, lalo na kapag nasa relasyon na kayo. Ang mga planeta sa labas, yung mga bigatin na hindi tayo pinapahinga, ay nasa silangang hemispero, ang lugar sa iyong chart na puro tungkol sa pagkuha sa pag-ibig na gusto mo, pag-satisfy sa pangpersonal mong interes, at tuloy-tuloy na pag-ayos sa sarili.


Hindi ibig sabihin nun ay magiging pangkaraniwan lang ang sex life mo, malikhain ka pa rin dito. Merong apat na eclipse ngayong taon at ang mga nasa Marso at Setyembre ay para sa mga konting pagsasaayos sa mga relasyon na dinadala ng mga eclipse. Pwedeng dumaan ang isang stable na relasyon sa isang sexy na make-over, pero maaaring hindi sigurado ang relasyon.


Posible naman ang isang mainit na relasyon sa 2017, hindi ito ang tipong gusto mong malaman ng mundo (at hindi mo rin dapat i-consider kung parehas kayong hindi single at naiintindihan niyo ang kalagayan ng bawat isa). Kung nagkaroon ka nito, dahil kay Pluto na nasa Twelfth House ng mga sikreto at ang maswerteng aspeto ni Jupiter sa Marso, Hunyo, at sa Nobyembre uli, pwede kang makatakas sa mga tsismosa sa pamamagitan ng romantikong bakasyon, posibleng sa isang banyagang destinasyon. Gusto ng maliit pero malakas na bituing ito na panatilihing tahimik ang pag-ibig para malasap ang intimacy ng pagsasama at pataasin ang misteryo.


Pwedeng magkaroon ng ang mga sikretong love affair at pinakamalakas ang pagnanasa sa mga unang buwang ng tagsibol at malaki ang tsansa na makabuo ng isang mahabang pagsasama.


Ang Solar Eclipse sa ika-1 ng Setyembre ay nasa intimacy, pagbabago, at ang pera ng partner mo, Hindi interesado sa do-or-die na romansa ang mga Aquarian, pero baka magiba ang mood ng Aquarian nitong 2017. Pwede rin itong mangahulugan ng pagbabago sa finances ng asawa o ng kasalukuyan mong iniibig.


Tatambay si Neptune sa buong 2017 sa lugar ng akin-ka at siya ang kampyon ng pang-iistorbo sa kapayapaan... pero nang patago ngayon. Idagdag ang pampagulong ito sa lihim na romansang kumukulo at magkasama silang magbubuga ng apoy na maaaring hindi makokontrol.


Naaakit ang mga Aquarian sa halos lahat ng mga bagong posibilidad, lalo na ang mga kakaiba. Pwede ka rin sumubok ng kahit dalawang diretso at sigurado, pero ang umaakit talaga sayo ang mga hindi pwede, ang mga hindi makukuha, o isang taong kasing-kakaiba tulad mo. Parang kung kelan sangkot si Neptune nagdadala siya ng mga taong ganito. Hindi man aprubado ang paggalaw na ito sa nakasanayan pero nakakasigurado naman ito na makakakuha ka ng mas marami sa quota mo ng mga romatikong pangyayari ngayong taon.

I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Aquarius


PISCES

Mainit na talaga ang buhay pag-ibig mo. Makakakilala ka ngayong taon ng maraming bago at exciting na mga tao, at para sa ilan sa inyo ay nandiyan lang sa tabi ang pagpapakasal.


Posibleng meron ring rebeldeng Pisces na mahilig sa mga komplikado at maiinlove sa maling tao, taong taken na – pwedeng yung kasal mo nang boss, o yung bad boy/bad girl na tumutukso sayo na makipagrelasyon.


Dalawang buwan na punung-puno ng mga bituin ang mapapansing ngayong taon, at ito ay Marso at Setyembre. Kumikindat sayo halos kalahati ng banda ng Zodiac sa Marso mula sa sarili mong sign ng Pisces, kasama na ang Solar Eclipse sa ika-8 ng Marso. Malakas ang kapangyarihan ng pang-aakit mo at nakukulayan ng romansa na umaabot sa buong taon.


'Tas andyan rin ang Lunar Eclipse sa ika-23 ng Marso sa Libra na nagdadagdag ng hindi lang libog kundi perang gantimpala rin sa buwang iyon. Para sa mga hindi alam kung ano ang Eclipse o anong ginagawa nito: ito ay isang wild card sa deck, ang card na nagbabago sa hawak mo, gumugulo sa laro, at kadalasang nagpapanalo sayo ng pot.


Sa ika-1 ng Setyembre, nakakagimbal ang isang Lunar Eclipse na nasa Seventh House mo. Kung gusto mong gumawa ng pagbabago noong Marso pero hindi mo nagawa, pwede mo na ito gawin ngayon. Dalawang linggo ang lilipas at dadating nanaman sa ika-16 ng Setyembre ang isa pang Eclipse, ito naman ay nasa sign mo, at dadalhin ka pabalik nito sa relasyon mo sa sarili mo.


Magiging puro ito ako, ako, ako, sa mga susunod na panahon. I-enjoy mo to, paulanin mo ang sarili mo ng mga indulgence, at lakbayin ang mga maraming ideya at posibilidad na lilitaw sa mga maalikabok na sulok ng sarili mong creative nature.


Hindi lang pag-ibig, bagong iniibig, at ang posibilidad ng pagbuo ng mas malalim na pagsasama – kung hindi pa ba sapat yun – pero idagdag mo ang sarili mong dreamy at malikhaing imahinasyon sa paghahalo at kakayanin mong gawin ang relasyon mo sa isang magandang bagay, o isang tunay na pagsasama ng kaluluwa.


Para sa mas mailap na Pisces, inuulit lahat ng mga lumang pelikula na sangkot ang mga spontaneous at walang ingat na pag-ibig sa utak mo, at kumikinang sa kataasan ng berdeng ilaw ang mga bituin. Papailawin ng pag-ibig ang buhay mo sa 2017 ng parang walang katapusang linya ng mga maliwanag na kumikinang na mga ilaw ...at nangangako ang taon na hindi mo makakalimutan.


I-click dito para sa overall 2017 horoscope ng Pisces


These Horoscopes are provided for entertainment purposes only, and as such, they come with no guarantee of accuracy or usability of the information and advice contained within. Read at your own risk!


About the author

Buhay OFW Org

Ang layunin namin ay magbigay ng de-kalidad na edukasyon gamit ang wikang Filipino.
Profession: Organization
Buhay OFW
Office Address: Metro Manila
Philippines , Metro Manila

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.