Magkakaroon ka ng pagkakataon na mamuhay sa paraan ng iyong gusto.
Maraming panghihinayang dahil sa mga pagsubok ang mararanasan ngayong taon. Pero sa huli ay magtatagumpay ka pa rin dahil sa iyong tapang.
Pera: Iwasan ang paggastos sa mga mamahaling bagay at bawasan ang mga di kailangang paggagastusan. Huwag madaliin ang sarili sa mga bagay na hindi mo pa kayang abutin.
Karera/Negosyo: Pagplanuhan mo ang iyong pangarap at mga gustong gawin sa hinaharap ngayong taong 2017. Magkakaroon ka ng mga napakaraming responsibilidad. Siguraduhin hindi ka magsasakripisyo ng madami at masasaktan habang kinakaharap ito.
Kalusugan: Pag-aralan ang maaring mangyari. Huwag ipagwalang bahala ang nararamdaman sa iyong katawan agad magpatingin sa doktor. Tulungan ang sarili sa pamamagitan ng tamang pagpapahinga. Sa buwan ng Agosto at Setyembre ang Dog Zodiac Sign ay magkakaroon ng magandang kalusugan.
Love Life: Dapat lagi kang bukas sa mga opurtunidad na makilala ng bagong mamahalin. Para sa mga may asawa na, huwag mong hayaan ang hindi pagkakaintindihan ninyong mag-asawa ang makasira sa inyong kasal.
Ano iba’t ibang klaseng Dog? Metal Dog- Born in 1970, Water Dog- Born in 1982, Wood Dog- Born in 1994, Fire Dog- Born in 1946, Earth Dog- Born in 1958.
Updated: January 2017