SINO SI NINOY AQUNIO? TALAMBUHAY ng Bayani, Life, Times, Works

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Things don't usually go as planned. So be ready when the inevitable roadblocks stand in your way. Buwan ng Marso taong 1980 nang atakihin sa puso si Ninoy Aquino, dulot marahil ng pitong taong pagkakakulong sa bilangguan nang nag-iisa. Inilipat siya sa Philippine Heart Center at doon inatake siyang muli. Barado ang kanyang puso ayon sa ECG’ng isinagawa sa kanya. Nagdalawang isip ang mga Pilipinong magsasagawa sana ng isang coronary bypass sa takot na baka masangkot sila sa isang kontrobersya. Dagdag dito, tumanggi rin si Ninoy na magpagamot sa mga Pilipinong doktor, sa takot na maaring siyang lilinlangin ni Marcos; mas nanaisin niyang magtungo sa U.S para sa isang operasyon o bumalik na lamang sa kanyang selda sa Fort Bonifacio.


Batid ni Ninoy na pansamantala lamang siya sa US. Madalas niyang sabihin na muli siyang babalik sa Pinas noong mga panahong tinatamasa niya ang kabutihang ng mga Amerikano sa kanya na nagbigay sa kanya ng isang matiwasay na pamumuhay sa Amerika.


Ngunit matapos ang pitong taon at pitong buwang pagkakakulong, bumagsak ang kalagayang pampinansyal ni Ninoy. Bilang breadwinnier ng kanyang pamilya, nilibot niya ang Amerika at dumalo sa mga symposiums, lectures, at nagbigay ng mga talumpti sa mga rallies na tutol sa diktaduryang Marcos. Isa sa mga dinaluhan niya ay sa Wilshire Ebell Theater sa LA, California noong ika 15 ng Pebrero taong 1981.


Sa mga unang buwan ng taong 1983, nabalitaan ni Aquino ang lumalalang kalagayang pulitikal sa Pilipinas at ang bali-balitang may sakit na Lupus si Marcos. Para kay Ninoy kailangan na niyang kausapin si Marcos at ipakita sa kanya ang makatwirang panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas, bago pa mangibabaw ang mga extremists at mahirapan nang maisagawa ang pagbabago. Dagdag dito, nangamba ang kanyang mga ka-alyado na maaring mawalan na ng pag-asa ang mga Pilipino sa ilalim ng kamay na bakal ni Marcos at kusang mawala na ang oposiyon sa kawalan ng isang pinuno.


Nagpasiyang bumalik si Aquino sa Pilipinas sa gitna ng mga panganib na alam niyang naghihintay sa kanya. May mga nag-babalang maari siyang mapatay o mabilanggo, at ang sagot ni Aquino ay, “kung kapalaran kong mamatay dahil sa bala ng isang mammatay tao, siya nawa. Ngunit hindi maaring magpapasawalang kibo na lamang ako dahil sa takot na mapatay at manatiling nasa isang sulok na lamang.” Napag-alaman din ng kanyang pamilya na may order na ang Ministry of Foreign Affairs na huwag silang bigyan ng pasaporte pabalik sa Pinas. Paso na ang kanilang mga pasaporte at hindi sila pinayagang ma-renew ang mga ito. Pinag planuhan nila na bumalik na lamang nang mag-isa si Ninoy nang hindi mapansin, at susunod na lamang sila pagkalipas ng dalawang linggo.


Kahit papaano nakakuha pa rin ng pasaporte si Aquino sa tulong ni Rashid Lucman isang dating mamababatas mula sa Mindanao na siyang nagtatag ng Bangsamoro Liberation Front , isang grupo ng mga moro na tutol din kay Marcos noong mga panahong iyon.


Nakapangalan sa alyas na Marcial Bonifacio ang pasaporte ni Ninoy ( para sa martial law ang Marcial at sa Fort Bonifacio ang Bonifacio na kanyang pinagkulungan) Di naglaon at nakakakuha rin si Ninoy ng lehitimong pasaporte sa tulong ni Cong. Roque R Ablan Jr. Binalaan ng pamahalaang Marcos ang lahat ng international airlines na hindi sila pahihintultang lumapag at pwersahang pababalikin kung magkataong ilipad nila si Aquino sa Pilipinas. Iginiit naman ni Aquino na karapatan niya bilang mamamayan na bumalik at walang pamahalaang maaring pumigil sa kanya.


Umalis Ninoy sa Paliparang International ng Logan noong ika 13 ng Agosto taong 1983, Hindi siya dumeretso sa Pilipinas. Tumuloy muna siya sa Singapore at doon nagtagpo sila ni Ibrahim Ismail ng Johor na ipinakilala siya sa mga lider ng Malaysia.


Mula Malaysia lumipad siya patungong Hongkong at pagkatapos ay nagtungo sa Taipei. Pinili niya ang Taipei bilang huling stopover nang nalaman niyang wala nang ugnayang diplomatiko ang Pilipinas sa Taiwan. Nagkaroon siya ng kumpiyansa dahil maaring magpanggap ang Taiwan na wala siya roon. May ilan ding siyang kaibigang Taiwanese na sasamahan siyang pauwi. Mula Taipei lumipad siya pa -Maynila sakay ng China Airlines Flight 811.


Gusto sana ni Marcos na huwag na muling pasukin ni Aquino ang pulitika. Ngunit para kay Ninoy handa siyang panindigan ang anumang kahihinatnan ng kanyang “ The Filipino is worth dying for.” Nais din niyang iparating kay Marcos ang kahilingan niyang bumaba na siya sa pwesto, at bigyang daan ang isang mapayapang pagbabago ng rehimen at ang panunumbalik ng mga instittusyong demokratiko.


May hudyat na si Ninoy sa maaring mangyari sa kanya. Sa isang panayam sa loob ng kanyang silid sa Taipei Grand Hotel, sinabi niyang magsusuot siya ng isang bullet-proof vest. Ika niya, “pwede ito sa katawan, pero para sa ulo wala na tayong magagawa.” Nang tila makaramdam na siya sa kanyang sasapitin, sinabihan niya ang mga mamahayag na kasama sa biyahe: “ i- ready ninyo ang inyong mga kamera dahil mabilis ang maaring mangyari. Sa loob ng tatlo o apat na minuto, maaring tapos na ang lahat, alam niyo na, (at patawang sinabi) maaring hindi ko na kayo maka-usap pang muli pagkatapos nito.”


Na assassinate si Aquino ika 21 ng Agosto taong 1983. Nabaril siya sa ulo. Noong mga panahong iyon, ang pamaahalaang Marcos ang nagtalaga sa kanyang security. Nagsagawa ng imbestigayong nagdulot lamang ng kontrobersiya ngunit walang resulta. Nang mapatalsik na ang pamahalaang Marcos nahatulan ang 16 ka tao na nagkasala at nasentensyahan ng habang buhay na pagkakabilanggo. Pinalaya ang ilan sa takbo ng panahon at ang mga kahuli-hulihang ilan ay pinalaya noong taong 2009. May isa pang tao sa tarmac ng palapagan na si Rolando Galman na pinatay din matapos barilin si Aquino. Pinapalabas ng pamahalaang Marcos na si Galman ang siyang bumaril kay Aquino.


Nanatili sa babasaging kabaong ang mga labi ni Ninoy. Walang ginawa para matago ang tama ng balang sumira sa kanyang mukha. Sa panayam sa butihing Ina ni Aquino na si Dona Aurora, iniutos niyang wag make-up’an ang mukha ni Ninoy at nang makita “kung ano ang ginawa nila sa aking anak.” Libo libong mga mamamayahag ang dumagsa upang makita ang kanyang duguang katawan. Pinaglamayan si Ninoy ng siyam na araw sa pamamahay ng mga Aquino sa Times St. Quezon City. Si Corazon Aquino, ang butihing maybahay ni Ninoy at ang mga anak na sina Ballsy, Pinky, Viel, Noynoy at Kris ay dumating isang araw matapos siyang mapatay.


Ang prusisyon ni Aquino noong Agosto 31 ay nagsimula alas 9 nang umaga. Nagkaroon ng isang banal na misa para sa kanya sa Sto domingo ni pinangulahan ni Cardinal Archbishop ng Maynila na si Jaime Sin. Tumagal ang buong prusisyon hanggang alas 9 ng gabi, nang ilibing na ang kanyang mga labi sa Mania Memorial Park. Dinaluhan ng higit sa dalawang milyong tao ang prusisyon na isinahimpapawid ng Radio Veritas ng Simbahang Katolika, ang nag-iisang istasyon ng radio na nagsagawa nito. Umabot ang prusisyon hanggang Rizal Park at doon ibinaba sa kalahating taas ang banderang Piliinas.


May sinabi tungkol kay Aquino. ang pinuno ng partidong liberal noon na si Jovito Salonga: “ Naiinip na si Ninoy sa Boston, na para bagang hindi na siya kasama sa mga nangyayari sa Pilipinas. Sa mga unang buwan ng taong 1983, malubha na ang sakit ni Marcos, mabilis nang bumubulusok pababa ang ekonomiya ng bansa, at malaki na pinsalang dulot ng mga pag-aaklas. Naisip ni Ninoy na sa kanyang pag-uwi maari niyang himukin si Marcos na ibalik ang demokrasya at kahit papaano ay buhayin din ang partido liberal. Dagdag ni Salonga , si Ninoy ang pinaka dakilang pangulo na hindi natin- naging... “


Ngunit noon yun. Alam nating lahat na naging pangulo ang butihing maybahay na si Cory at anak na si Noynoy. Sa mga OFW , maaring pagkunan natin ng inspirasyon ang buhay ni Ninoy Aquino. Maaring, sa lahat ng ating pagsisikap at pagpupunyagi, hindi na tayo ang tatamasa sa mga ito, kundi ang mga susunod sa atin. Ganunpaman hindi ba’t ganito ang tunay na diwa ng tunay na pagmamahal sa kapwa, ang ialay ang sarili para sa kabutihan at kapakanan ng minamahal?


Reference:

Picture courtesy of: http://www.google.com.ph



Any successful accomplishment that has ever been achieved is a product of an essential trait called persistence. The ability to hold on or to get back up after we have been knocked down is essential for us to achieve any real success, because there will be failures along the way and it is how we deal with these failures that will determine the outcome of any endeavour that we undertake. Things don't usually go as planned. So be ready when the inevitable roadblocks stand in your way. Failure teaches a lot more than success.

Regular planning is critical for running a business but preparedness and persistence is even more important than the best possible business plan. Have you allowed doubt to creep in and rationalize that it "Must not have been meant to be" because you encountered some opinion or obstacle that seemed to hard to overcome?

As leaders, persistence is a quality that we absolutely have to have, nobody will follow a quitter, if that is our reputation then why should people follow us. If we lack persistence they know that at the first sign of trouble we will waver and at the first failure there is a high probability that we will quit. Persistence is about being willing to fail, learning from the experience, and trying again

An inspiring quote about persistence comes from Martin Luther King Jr. said, "If you can't fly you run, if you can't run you walk, if you can't walk you crawl. But no matter what, you keep moving forward." Regardless of what your dream may be, and no matter how big or small it is, if you had the ability to think it, you can most certainly and surely have the ability to accomplish it, if you’ll choose to persist. One of the reasons why the great scientists, businessmen, authors, politicians etc. are so successful is because they persisted when everything and nearly everyone around them was indicating failure.




About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.