May nabili po kaming lupa ngunit walang titulo

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May nabili po kaming lupa at kaakibat nito'y tanging sulat na nagpapatibay na ito'y nabili namin ngunit walang titulo dahil ito'y isang creek lamang. Naninirahan na kami dito ng almost 20 years. Sa likod po namin ay bukid na tinatamnan ng may-ari. Ngayon po ang bukid na iyon ay binenta na at may titulo. At yung nakabili po ay gustong magpasukat ng lupa. Kung sakali ang resulta po ng sukat ng lupa sa bukid ay may masasagasahang parte ng aming lupang kinatitirikan ng aming bahay, anu po ang karapatan namin? May laban po ba kami na sa amin parin mapupunta ung lupang masasagasahan nila? Patulong naman po...Salamat and Godbless po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una po, dahil po sa creek iyon, ang mga creek po na daluyan ng tubig ay hindi kailan man puedeng maging pagmamay-ari ng sinuman. Ito po ay sa gobyerno. So, iyan po ang dahilang kung bakit hindi nakapag-pa-titulo ang nagbenta niyan sa inyo.
Ito din po ang dahilang kung bakit hindi maisasama ang lupa ninyo sa sukat noong titulo noong lupa sa likod ninyo. Iyon nga lang, palagay ko, ang lupang kinatitirikan ninyo ay deposito ng agos ng creek.
Kailangan po ninyong kumausap at komunsulta ng abogado.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty. hindi na po sya daluyan ng tubig ngayon kasi puro bahay na ang mga nakatayo doon sa amin. Tanong ko na din po kung pwede po bng ipatitulo nmin ung lupa nmin at kung paano at magkanu po magagastos?...salamat po..

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.