Magpapa advice lang po sana ako regarding photocopying, binding, school and office supplies business plan kung meron po. salamat
1. Pumili ng lokasyon o lugar na malapit sa iyong "target market" gaya ng mga lugar na malapit sa eskwelahan o mga unibersidad
2. Alamin kung magkano ang espasyo na gusto mong rentahan.
3. Mag-invest sa display fixtures - o gamit na kung saan maari mong i-display ang iyong mga panindang school at office supplies
4. Plan your layout o ang pag-aayos nang iyong mga panindang office at school supplies. Ilagay ang pinaka mabenta sa bandang hulihan ng store para madaanan muna ang iba pang mga items.
5. Humanap ng supplier na sila rin ang manufacturer upang makamura o makatipid.
6. Maghanap pa ng mga bagong items na pwede maging patok o pagkakitaan.
7. Alamin ang mga tamang pag-presyo ng iyong mga items mula sa iyong mga competitors. Tandaan ang mamimili ay hindi alam ang cost ng iyong items ngunit alam nila ang presyo ng iyong mga kakumpitensya o competitors.
8. Magkaroon ng planogram - ang planogram ay ang isang drawing o plano ng tamang paglagay o pag-aayos ng iyong mga paninda
9. Maglagay ng CCTV sa iyong shop. Ang isang school at office supplies na business ay maraming paninda kaya nararapat lamang na may CCTV upang maiwasan ang kung ano mang tangkang pagnanakaw ng iyong mga paninda.
10. Mag-install ng POS - Point of Sale (POS) System. Kung lumalaki at kumikita na ang iyong negosyo, maaari kang mag lagay ng POS upang hindi maiwanan ng teknolohiya. Makakatulong ito sa purchasing at inventory ng iyong mga paninda.
ESTIMATED INVESTMENT COST - PANIMULANG KAPITAL
SCHOOL & OFFICE SUPPLIES - PHP10,000.00
PHOTCOPIER RENTAL - PHP5000/MO (1 month deposit + 1 month advance) = PHP10,000.00
BINDING MACHINE - PHP10,995.00
SPACE RENT - PHP5000/MO (1 month deposit + 1 month advance) = PHP10,000.00
SALARY - PHP491/day - P491 x 21 days (average working days/mo) = PHP10,311.00
OTHER LEGAL REQUIREMENTS - DTI, BGY PERMIT, MAYOR'S PERMIT, BIR - PHP10,000.00
TOTAL ESTIMATED INVESMENT COST = PHP61,306.00
Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.
Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.