Paano magpalit mula desimal patungong posyento o ang kabaligtaran? How to convert decimal to percentage and vice versa?

Deah Elmundo
is a Teacher in the Philippines

Ipinagpapalagay sa artikulong ito na may alam na ang mambabasa ukol sa mga desimal. Kung hindi pa alam ang desimal, mag-basa muna tungkol dito.


Gaya ng napag-aralan nung nakaraan, ang desimal o decimal ay mga bilang na mas maliit sa isang buo. Ito ay mga numero na nakahiwalay sa buong numero o integer sa pamamagitan ng tuldok o decimal point. Halimbawa ng mga desimal ay 0.4, 0.65, 0.98 at 3.25.


Kagaya ng desimal, ang porsyento o percent ay bahagi rin ng isang buo. Ito ay ginagamitan ng simbulong %. Ang literal na kahulugan ng porsyento o percent ay per 100 o kada isang daan. Ibig sabihin, ang isang porsyento (1%) ay isa kada isang daan.



Maaari bang gawing porsyento ang desimal?

Oo naman! May dalawang paraan upang makapagpalit mula desimal patungong porsyento. Gamitin natin ang unang halimbawang 0.4 na naibigay sa itaas.


Ang unang paraan ay ang paggamit ng multiplication. Dahil ang porsyento ay bahagi ng isang daaan (100), i-multiply lamang ang naibigay na desimal sa 100 at lagyan ng simbulong %:


0.4 x 100 = 40%


Ang katumbas na porsyento ng 0.4 ay 40%.



Ang ikalawang paraan ay mas madali. Kung magpapalit mula desimal patungong porsyento, igalaw lamang ang tuldok o decimal point nang dalawang beses patungong kanan.

dec

Dahil wala nang numero sa dulong pwesto, lagyan ito ng numerong 0. Ang 0.4 ay magiging 40% (huwag kakalimutan idagdag ang simbulong %).



Subukan naman natin ang halimbawang 0.65. I-multiply ito sa isang daan (100) at idagdang ang tamang simbulo upang makuha ang 65%. Maaari ring igalaw ang decimal point nang dalawang beses patungong kanan upang makuha ang kaparehong sagot. Sa parehong proseso, ang desimal na 0.98 ay magiging katumbas ng 98%.


Subukan natin ang huling halimbawa na 3.25. May kaibahan ba sa gagawing proseso dahil may buong numero ito sa kaliwa (3)?

Parehong proseso pa rin ang ating susundin. Igalaw nang dalawang beses ang tuldok patungo sa kanan at dagdagan ito ng simbulong %. Ano ang nakuha mo? (Subukan munang sagutin nang hindi tumitingin sa sagot sa ibaba)


Kung ang sagot mo ay 325%, tumpak ka! Huwag mag-alala kung ang sagot ay higit sa isang daan. Ibig sabihin lamang nito ay higit sa isang buo ang porsyento. Ito ay sa kadahilanang may buong numero na 3 ang ibinigay na desimal.

Kung gusto mo pa ng dagdag na halimbawa, gawin ang mga sumusunod:

0.28

0.6

0.43

0.782

2.1


Tingnan kung tama ang mga sagot mo sa ibaba:

0.28 = 28%

0.6 = 60%

0.43 = 43%

0.782 = 78.2 % (Hanggang pagitang ng 8 at 2 lamang ang paggalaw ng tuldok)


2.1 = 210%

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.