Paano magpalit ng salapi? How to convert money from one currency to another?

Deah Elmundo
is a Teacher in the Philippines

Malapit na naman ang pasko. Uso na naman ang pagpapadala ng pera ng ating mga kamag-anak na OFW o Overseas Filipino Workers. Kahit saan mang lupalop ng mundo, kahit saan mang bansa sila nagtatrabaho, lahat ng salaping pinapadala ng ating mga kamag-anak na OFW ay kailangang papalitan sa lokal na pera upang ating mapakinabangan. Gayundin naman kung nais nating bumili ng mga bagay sa isang bansa gamit ang patok na online shopping, kailangang mapalitan ang ating pera sa ibang uri ng salapi upang makagawa ng mga transaksyon.

Bawat bansa ay may sariling currency o salapi. Sa Pilipinas, tinatawag natin itong piso (Peso). Ang pera naman ng Amerika ay tinatawag na dolyar (dollar). Yen naman ang tawag sa salapi ng bansang Hapon at Baht sa Thailand. Iilan lamang ito sa napakaraming uri ng currency at ang pinakakilala dito ay ang dolyar.

Paano nga ba magpalit ng salapi mula sa isang currency patungo sa isa pa?

Ang pagpapalit ng salapi ay nakabatay sa tinatawag nating palitan o exchange rate. Kada araw ay iba-iba ang nagiging palitan at ang pagbabagong ito ay nakabatay sa napakaraming aspeto ng ekonomiya. Minsan ang isang dolyar ay bumababa sa apatnapung piso (Php 40) ngunit may pagkakataon ding umaabot ng limampung piso (Php 50) o higit pa.

Halimbawa ay may isang OFW na nais magpadala ng isang libong dolyar ($1000) sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Ipagpalagay natin na ang isang libong dolyar ay malinis na at wala nang anumang buwis na ibabawas. Dahil ang dolyar ay mas mataas na salapi o currency, imu-multiply natin dito kung anuman ang halaga ng palitan ng dolyar sa piso. Kung sa panahon na iyon ang isang dolyar ay katumbas ng limampung piso (Php 50) , ang katumbas ng isang libong dolyar ay $1000 x Php 50 = Php 50 000.

Kung ang isa pang OFW na nagtatrabaho sa bansang Hapon ay nagpadala naman ng 20 000 yen, dapat nating alamin ang palitan sa pagitan ng piso at yen. Kung sa piso ay may 2.5 yen, ang piso ay mas mataas na salapi kumpara sa ikalawa. At dahil mas mataas ang piso, kailangan nating mag-divide. I-divide ang 20 000 yen sa 2.5 yen at makukuha ang walong libong piso (Php 8000).

Dahil sa pabagu-bagong exchange rate ay nagiging wais na rin ang ilang OFW sa pagpapapalit ng kanilang mga salapi. Minsan nag-aantay sila na tumaas muna ang halaga dolyar upang mas malaki ang kanilang maiuwing salapi sa kanilang mga pamilya.


Mahalaga ang kasanayan sa pagpapalit ng salapi lalo na sa mga laging tumatanggap nito mula sa kanilang mga kamag-anak na nasa ibang bansa. Bagama’t may mga remittance center tayo na direkta nang pinapalitan ang salapi sa nais na currency, makatutulong pa rin ang kasanayang ito upang hindi tayo maloko ng ibang masasamang-loob.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.