Ang aking pagdurugo ba ay isang menstruation o isang implantation bleeding na nagsasabing ako ay pregnant? 

Kai Greco
is in the Philippines Medical History

Ang aking pagdurugo ba ay isang menstruation o isang implantation bleeding na nagsasabing ako ay pregnant? Ang huling dalaw ko po ay noong May 27 hanggang June 1, Ang aking Ovulation ay nagsimula noong June 2 hanggang June 11, Ako ay nakipagtalik noong June 14 with condoms at hindi nagejaculate ang aking partner sa aking loob. Sa mga oras na rin iyon ay may nararamdaman ako sa aking leeg ng parang sinasakal o nachochoke malapit sa aking thyroid at ito ay aking pinatingin sa doctor sa kinabukasan, sabi ng Doctor ito raw ay stress related. After a week nagsimula maging sensitibo ang aking mga utong ngunit hindi sa suso, at pakiramdam ko ay para akong kinakabag o parang pakiramdam ng isang busog, Hindi ako nakakaramdam ng pagkahilo, lubos na pagkapagod o pagdami ng kinakain , wala nga po akong ganang kumain. Nilagnat po ako pero ang lagnat po na iyon ay galing sa pamamaga ng lalamunan parang may tonsillitis ngunit ito ay agad na gumaling. nagkaroon po ako ng regla sa mismong June 24 na dapat magkaroon ako, malakas ang aking pagdurugo sa aking 1st day na pinuno nito ang aking napkin nakaramdam ako ng mga labis na sakit ng puson ngunit ito ay nawala ng kinagabihan matapos kong uminom ng Paracetamol, sa day 2 ng aking pagdalaw nakadalawang palit ako ng napkin at ito po ay parehas na puno ngunit wala na po akong abdominal pain. Sa day 3 po ngayon ng aking regla sobrang hina na po ng aking dalaw o mawawalan na ho ata ako ng regla ngayon pero usually hanggang day 5 po ang aking regla pero ngayon ay humina ng bigla. Ang weird po pero nawala na rin po yung pagiging sensitibo ng aking suso ngunit hindi nawala saakin ang pakiramdam ng parang may kabag. sabi raw po sa aking pananaliksik ay kapag nagsusuffer po kayo sa stress nakakhina raw po talaga ito ng regla at ang isang sintomas ng stress ay parang sinasakal sa leeg na hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin. So ang tanong ko po? Implantation bleeding ho ba ito o isang menstruation?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lily June Garcia
is a Registered Nurse in United Arab Emirates
Hello po miss kai, nurse po aq. Menstruation po yan kasi po yung tnatawag na implantation bleeding ay hindi po malakas. Kaya po spotting yung term nla kasi msyado pong konti yung dugo. Ang ovulation niyo po ay nagsstart ng 14days after ng last menstrual period niyo po. So kung nagkataon na hindi gumamit ng condom ang partner niyo at nagsex kayo nung 15 mlaki chance na mbubuntis ka kasi banda diyan ang ovulation mo. Pero yung nadescribe mo is menstruation talaga hindi implantation bleeding. Salamat po
Kai Greco
is in the Philippines Medical History
last question po maam Lily hindi rin po ba iyon considered as Interment bleeding? Nagtake na rin po ako ng pregnancy test sa mismong day 5 night po ng aking menstruation at 2 weeks na rin po ang lumipas after sex pero negative po lumabas at nagtake rin po ako ulit kaninang morning [Unang ihi] at negative pa rin po ang lumabas sabi raw po ng aking kaibigan ay magtake raw po ulit ako ng PT test [dalawang beses] sa July 14 dahil 1 month after sex na raw po iyon at 5 days before the menstruation baka sakali po na may lumabas na raw po na mas magandang result at malinaw dahil hindi pa rin po nawawala ang aking feeling bloated at nausea o hindi po kaya nakakaramdam lang po ako ng ganung sintomas dahil sa stress sa OJT at nerbyos sa magiging result or mataas po ang aking acidity leve dahil may UTI rin po ako.. Dapat pa po bang bumili at magtake raw po ulit ako ng PT test?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.