Nagskandalo na pokpok daw ako

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Meron po sana ako gusto itanong. about po ito sa family namin. Ganito po ang kwento para po mas maintindihan ng makakabasa. 

Itago nyo nalang po ako sa pangalang Sheena, 22 years old at 5 months buntis po ako. Nag umpisa ang gulo naming pamilya dahil po sa sinisisi ng ate ko ang pagbubuntis ko ngayon. hindi po ako pinanindigan ng nakabuntis saken kaya sa magulang ko po ako nakatira. Kahit noon pa naman simula pagkabata dito nako sa magulang ko nakatira, ang mas nakakatanda ko pong ate nasa asawa na nya at wala na sa aming bahay. May sarili na syang pamilya.

Nagkagulo po kasi kami dito sa bahay dala ng pagbubuntis ko. Nagiging mainitin ang ulo ko. Tapos nalaman ng ate ko at pinagsabihan nya ako. Tanggap ko lahat ng advice nya hanggang sa humantong sa sinisisi na po nya ang trabaho ko dati bago ako nabuntis, nagtrabaho po kasi ako bilang escort pero nahinto po yun dahil nakilala ko yung ex ko na Korean, yun po yung nakabuntis saken.

Humantong na din po yung away namin sa masasakit na salita, nakapanumbat ako sakanya dahil sinisisi nya ang trabaho ko. Sa totoo lang po nung nalaman ko na buntis ako wala akong sinising ibang tao at diko rin sinisisi sa sarili ko lahat ng nangyayari saken. At hindi rin naman po ako aasa sa ate ko sa pagbubuntis ko dahil gipit din sila at hindi rin ako nakatira sa kanila.

Sinabi ko naman po sakanila na papanindigan ko kung ano nangyari sa akin ngayon. Ang issue na po namin ngayon, dinamay nya kaibigan ko at pinagsabihan nya na papatayin nya daw po at kung ano ano paninirang puri ang sinasabi sa kaibigan ko. Pati din sa akin, nagpunta sya dito sa bahay namin para mag iskandalo dahil nireplyan sya ng kaibigan ko sa mga chat nya. Nagsisigaw sya dito at sinigaw nya na nagbebenta daw po ako ng aliw, pokpok daw po ako, pumapatol ako sa may asawa kahit hindi naman.

Sa ngayon po nahihiya na ako lumabas ng bahay dahil sa mga pinagsisigaw nya at narinig ng mga kapit bahay. Nagpost din po sya sa Facebook ng ganun, sinira nya po ng husto ang puri ko. Pati magulang ko dinamay nya. Nagpost din sya na itinakwil na daw po sya ng magulang namin kahit hindi. 

Pwede ko ba sya makasuhan sa mga sinasabi nya? Kadugo ko po sya pero gusto ko po sya mapanagot sa mga pinagsasabi nya. Dahil sobra nya po pinahiya ang pamilya namin. Kung sakaling pwede ko sya kasuhan, ano po bang kaso ang pwede isampa sakanya? At saan po kaya ako pwede magreklamo? Meron po kaya libreng abogado na makakatulong sa amin kung sakaling pwede ko sya kasuhan? Sana po may makasagot.

Meron po ako screenshot ng mga post nya, at yung mga chat nya sa akin, sa mama ko at sa kaibigan ko. Handa po ako ipakita lahat. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo and godbless.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Masakit isipin na nangyayari ito iyo at sa kapatid mo. Kung pwedeng mag uusap muna kayo bilang pamilya mas mabuti yon pero kung hindi yan magagawa pwede mo munang ipablotter ang lahat ng ginawa ng kapatid mo magpunta ka sa Police Station at doon isumbong mo huwag ka munang magpafile ng kaso ang importante nakarecord lang yan sa Police Record ang ginawa niya laban sa iyo. Tapos magpatawag ka ng mediation sa Lupon ng inyong Barangay para kayong magkakapatid ay magkaharap at baka maayos pa ang inyong issue. Mas mabuti na yang nakarecord ang inyong pag uusap at maaring magagamit mo rin ang ebidensyang ito if talagang hindi kayo maayos at mauwi sa pagpafile ng kaso sa korte.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.