Anong pwedeng ikaso sa kasal na may kasamang iba? Concubinage?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Last February 2015 po ay nagpakasal ako sa aking kasintahan. After a month ay bumalik sya ng Kuwait pra ituloy ang trabaho nya. Month of October po ay umamin sa akin ang aking asawa na nabuntis sya ng katrabaho nya. Kasalukuyan po akong nasa Bahrain na rin nung time na un.

Para makaiwas sa kahihiyan ay nag stay muna ako sa Bahrain less than a year pra iwas chismis n din. Nung nakauwi na ako ng pinas last year ay nakilala ko ung babaemg naging gf ko ngayon. Inilihim ko saknya. Ung una na kasal ako at lately nitong february lng ay nabuntis ko siya saka ko inamin n kasal ako. Sabi ng gf ko n mkkasuhan ako ng concubinage pag pinagpilitan ko n magsama kami. Kung mag file po ako ng annulment ay ano ang pwedeng maging grounnd for nullity ng marriage. Ang dati kong asawa ay matagal ng nagsasama ng lalaki nya. Kung mag sasampa po b ako ng adultery sa ex ko ay valid pa rin po ba? Sabi po ng ex ko ay pwede rin daw po ako sampahan ng kaso ng ex ko. Ngunit hnd nmn po kami nagsasama ng gf ko. Anong kaso po ang pwedeng ikaso sakin?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, medyo masalimuot. Kasal ka. Ang asawa mo (your wife) ay nabuntis habang nagta-trabaho kayong dalawa sa Middle East? So sa halip na ayusin mo ang gusot, lumayo ka, nakahanap ka ng iba, nabuntisan mo din at saka mo ibinunyag na ikaw pala ay kasal na. So, nilayuan ka noong girlfriend mo dahil sa takot niya na makasuhan ka ng concubinage. GAnoon ba?

Una sa lahat, kung kakasuhan mo ng adultery ang iyong asawa, kailangan mo ring isama sa demanda ang nakabuntis sa kanya. Kung hindi mo alam, hindi mo puedeng idemanda ng adultery ang asawa mo lang. Kailangan ay dalawa sila.

Tapos, kung ma-convict ang asawa mo ng adultery, kasama ang kalaguyo niya, hindi naman din automatikong madi-dissolve ang inyong kasal. Kailangan mo pa ding magpa-annul ng inyong kasal. So, kailangan mo ng sapat ng grounds for annulment. Sa ilalim ng batas, ang tanging ground lamang for annulment ay:

- kung less than 18 ka noong nagpakasal ka
-Kung walang lisensiya ang nagkasal sa inyo
- Kung ikinasal kayo na wala namang marriage license
- Kung bigamous o polygamous ang marriage
- Kung nagkamali ka sa identity ng pinakasalan mo (parang iyong sa Bible, gustong pakasalan ni Jacob si RAchel pero ang ipinakasal sa kanya noong tatay noong babae ay iyong isa pa niyang anak na si Leah).
- Kung ang kasal ninyo ay iyong pangalawang kasal (subsequent marriage)
-Kung kayo'y malapit na magkamag-anak noong iyong asawa.
- Kung magkapatid, mag-ina, mag-ama etc. (incestuous o quasi-incestuous marriages)
-Kung may psychological incapacity

Does your marriage fall under any of these grounds? Kung hindi, ang gawin mo, sumulat ka sa Congressman mo, i-explain mo ang iyong problema at amukihin mo siyang magpasa ng isang panukalang batas ng diborsiyo. Your remedy is not with the courts but in Congress.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty Bimbi Hi! Hindi ko po kayo ma message in private I dont know why kaya pardon kung makikiloop in po ako dito. Gusto ko po lamang himingi ng payo sa inyo kung pede ang aking naiisip na legal na paraan para kami ng aking asawa ay maayos na magkahiwalay. Katulad po ng iba, naging masalimuot po ang aming relasyon. Hindi ko na po ikukwento muna ang lahat i focus ko muna sa aking katanungan. Base sa mga nabasa ko po sa inyong mga reply sa ibat ibat topic patungkol sa annulment, may isang reply niyo na nakatukaw ng aking pansin na maaaring maging solusyon po ng aking problema. 7 taon na po ako sa Canada nandito rin po ang aking asawa ngunit kalaunan hindi na kami nagkakaunawaang dalawa. Hindi pa po kami pareho Canadian Citizen. Maari na po akong mag apply ngunit siya hindi ko po alam kung magaaply. Eto po aking naiisip base po sa nabasa kong FAQ na pinost niyo din po dito. Kung sakali po bang maging Canadian Citizen na ko at nakapag file ako ng Divorce sa Canada at na approve naman po maari po bang i pa register ito sa batas ng bansang pilipinas at akoy isang ganap ng malaya muli? Gusto ko na po makalaya ng legal sa kaniya. Sana po ay masagot niyo Atty muli nagpapasalamat at naghhntay.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.