Naisipan ko pong mag message sainyo baka sakaling matulungan niyo po ako. Last year November, nagpatingin po ako sa Ob Gyn ko dahil simula nung nagstart ako mag regla hindi na po regular ito kaya nagpatingin po ako and they found out na may Cyst po ako sa left ovary. 4 cm daw po at ang sabi e normal cyst lang daw ito at okay naman daw po ang matris at right ovary ko. Wala naman problema so pinag take po ako ng Provera Medroxyprogesterone 10 mg for 3 months at nagregular naman ang regla ko simula November 2016-April 2017. T
hen nagpa ultrasound po ulit ako, lumiit naman po yung bukol. Ang problema naman po naging endometrioma daw po ito 1 cm. Tinanong ko po ang ob ko kung ano pwede gawin dahil nag woworry po ako na baka lumaki pa at maalisan po ako ng ovary. Ang sabe po as of now wala raw po siya magagawa at bumalik nalang daw po ako after 6 months. Bakit po ganun? Pero nung May2017 until now po di na po ako dinatnan. Is there a possibility po ba na buntis na po ako? Wala naman po akong nararamdaman na sintomas as of now. We're trying to conceive po. Thanks po asahan ko po ang sagot niyo. :)