Kapitbahay: Ang lusog naman ng alaga mong baka. Ano ba ang pinapakain mo dyan?
Magsasaka: Alin dyan? Yong puti o yong itim?
Kapitbahay: Ahh, yong puti.
Magsasaka: Yan ba, damo lang naman.
Kapitbahay: Eh yong itim?
Magsasaka: Damo din.
Kapitbahay: Ganon ba... Eh! ilang beses niyo po ginagatasan?
Magsasaka: Alin dyan yong itim o puti?
Kapitbahay: Yong puti.
Magsasaka: Limang beses.
Kapitbahay: Ilan naman yong itim.
Magsasaka: Pareho lang, limang beses din.
Kapitbahay: Ilan galon naman ng gatas ang nakukuha mo sa isang araaw?
Magsasaka: Alin sa dalawang baka ang tinutukoy mo?
Kapitbahay: Yong puti.
Magsasaka: dalawang galon.
Kapitbahay: ahhh... eh! sa kulay itim?
Magsasaka: dalawang galon din.
Kapitbahay naiinis na sa kapitbahay.
Kapitbahay: Pare, bakit mo pa ako tinatanong kung puti o itim??? Magkapareho lang din naman ang sagot mo.
Magsasaka: Ahhh... kasi pare ang puti sa akin yan.
Kapitbahay: ohhh... kaya pala. Eh! kanino naman yong itim na baka na yan?
Magsasaka: Sa akin din...