How long expiration of warrant of arrest? Cost of filing case high?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ilang years bago ma-expired ang warrant of arrest? Kasi yung friend ko po nagkaroon po siya ng problema sa dati niyang company and nag threat na mag fi-file daw ng qualified theft and estafa against her at pwede pa daw nila dagdagan yun.. She works in Globe Telecom before..

Tingin nyo po ba totohanin ng Globe yung nangyari? Naglabas po kasi sya ng unit and deliver to someone else and sa iba nya pinangalan. Ano pa po bang ibang pwedeng maging kaso pa non? At diba po mahal magsampa ng kaso? Nagpa-plan po kasi sya kumuha ng police clearance or NBI. Kapag kumuha po ng police clearance, maari po ba siyang ipitin sa loob nun at hindi na makalabas? And also sa NBI, diba po HIT lang ang lumalabas kapag may namesake of kaso ka?


Seeking for your asap response atty. THANKS and GOD BLESS

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ganito po kasi iyon. Ang warrant of arrest ay maaaring i-issue ng isang husgado bunsod ng pagpa-file ng isang Information at matapos makitaan ng husgado ng probable cause for the issuance of a warrant of arrest.

Sa ganito pong pagkakataon, ibig sabihin ay may kaso ang nai-sampa, nagkaroon na ng preliminary investigation, at natapos na ito at ang prosecutor ay kumbinsido na may naganap na krimen at ang akusado ang siyang gumawa noong krimen. So, magpa-file ngayon ang prosecutor ng Information sa husgado. At husgado naman ang magi-issue ng warrant of arrest.

Matapos na mai-issue ang warrant of arrest, may 10 araw ang pulis upang ito ay gamiting para dakipin ang akusado. Kung dumaan ang 10 araw at hindi nadakip ang akusado, ang pulis ay gagawa ng report sa husgado. Hangga't hindi na-dadakip ang akusado, ito ay kinokonsiderang "at large" at hindi uusad ang kaso sa husgado dahil sa wala pang jurisdiction ang husgado sa katauhan noong akusado. So, nandoon lang ang warrant of arrest. At ito ay lilitaw kung halimbawa mag-aaply ng clearance dahil sa ang warrant ay "outstanding".

Dahil sa hindi mo naman alam kung may kaso ngang nai-file, hindi mo tuloy malaman kung may warrant of arrest na ngang nai-issue laban sa friend mo. So, gusto niyang mag-apply ng NBI clearance pero, takot siya baka may lumabas doon.

Kung halimbawa naman ay may kaso na sa husgado at ang kaibigan mo ay nakakalaya lamang dahil sa nag-piyansa siya, kapag hindi siya sumipot sa mga pagdinig, mag-i-issue din ang husgado ng tinatawag na "bench warrant" para ikaw ay mapilitang sumipot sa paglilitis ng iyong kaso. Kung ikaw ay hindi na sisipot, ang mangyayari ay mawawalan ka na ng pagkakataon na suriin ang ebidensiyang ipipresenta laban sa iyo at mawawalan ka na rin ng pagkakataong magpresenta ng ebidensiya mo.

Ang pinaka maigi, kayo ay komunsulta sa abogado at nang ang lahat ng facts ay masabi ninyo sa abogado upang siya naman ay makapagbigay ng tugon sa inyong mga katanungan.

Bakit hindi mo muna ninyo subukang magpa-verify ng case sa Prosecutor's Office? Wari, kung sa San Juan kayo nagta-trabaho, malamang sa ang Globe ay maghahain ng kasong qualified theft sa San Juan. So, doon sa Prosecutor's office sa San Juan, magpa-utos kayo at nang makita ninyo kung may kaso ngang nai-file laban sa friend mo sa San Juan. Kung wala sa San Juan, subukan ninyo sa Makati kung saan may head office ang Globe. Kasi, kung saan naganap ang krimen, doon din sa lugar na iyon maghahain ng demanda.

Lahat ng ito ay inyong maliliwanagan kung kayo ay tutungo sa isang abogado, at kokonsulta.
Lyn Ramis
is in the Philippines
Hello po attorney tanong ko lng po kung sakaling my case po ang isang Tao hindi po ba sya makakaalis ng bansa. O mahohold po ba sya sa immigration. Salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
attorney ,ako po ay ofw at need ko po ng special power of attorney, para young nanay ko po ay malakad yung sa lupa na nabili namin.pano ko po yun gagawin eh nadito po ako sa ibang bansa.salamat po

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.