May nalabag ba batas kapag doble sa original price ang pinautang na gadget?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwede po bang kasuhan o may nalabag po bang batas ang isang tao na nagpapautang ng gadget na doble pa orihinal na presyo ng gadget. Halimbawa po 6000 lang po ang presyo ng gadget na pinapauutang, pero pinapabayaran nya po ito ng 15,000.

May nalabag po ba siyang batas.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko gaanong maintindihan ang iyong tanong -- kasi, kulang ng facts.

Pero, sa tingin ko, ang nangyari sa iyo ay isang sale on installments. Ibig sabihin, binili mo ang gadget ng isang kakilala mo at nangako kang ito'y babayaran mo ng hulugan. So, ang kinalabasan, ang gadget na kung bibilhin mo ng cash sa tindahan ay halagang P6,000 lamang, dahil sa installment mo ito binili sa isang kakilala mo, lumabas na ang halaga ay doble or mga P15,000. Ganoon ba ang nangyari? Ganoon kasi ang pagkakaintindi ko sa kuwento mo.

Mayroon sa batas na kasabihan na "caveat emptor" or let the buyer beware. Ibig sabihin, kung ikaw ay mamimili, dapat kang mag-ingat na hindi ka maloko. Dapat, bago ka kumagat at bumili ng isang bagay, alamin mo muna kung magkano ang presyohan ng ganitong bagay (mag-window shopping at comparative shopping ka).


Kung ang binilhan mo on installment ay isang merchant (o isang tindahan o kumpanya na rehistrado), dapat ay sinabi nila sa iyo kung magkano ang interes na ipapatong sa cost or price noong gadget bago mo pa ito bilhin. Ganoon din kung ang transaction ay ginamitan ng credit card. Sa totoo, dapat ay walang pagkaka-iba ang presyo ng item na binili for cash at iyong binili for installment sa credit card (kaya nga ang uso ngayon ay iyong tinatawag nilang 0% interest).

Kaso, medyo nakaka-linlang din ito. Maaring sa tindahan, wala ka nang binayarang interest, pero, sa credit card company, may interest kang babayaran. So dapat ay liwanagin mo din iyon. Or, baka iyong presyo ng item, dahil nga sa 0% interest siya, mas mataas kaysa kung bibilhin mo sa ibang tindahan at kung bibilhin mo in cash o kaya, straight payment. Let the buyer beware.

Pero kung halimbawa ay binili mo ang gadget at nagkasundo kayo sa presyo pero, dahil sa hindi mo kaagad nabayaran ang presyo nito ayon sa inyong kasunduan kung kaya't nagpataw ng interes o penalty iyong binilhan mo, ibang usapan na iyan. Kasi, ang interes, penalty at surcharge ay dapat na may kasunduan.

So, dahil sa hindi naman kumpleto ang kuwento mo, mas maigi sigurong ikaw ay komunsulta sa isang abogado na malapit sa iyo. Kung hindi mo kayang magbayad ng consultation fee ng abogado o wala kang matanungan na kakilala, maaari kang magtanong sa mga abogado sa Public Attorney's Office -- walang bayad doon. Puede ka din namang magtanong sa opisina ng Integrated Bar of the Philippinesm ay mga free legal assistance din sila.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.