Aksidente nabaril kaibigan sa inuman lasing, ano danyos?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May nangyare kasing insidente 3 years ago. Naka aksidente ako na tinamaan ng baril yung kakilala ko. Akala ko hindi ako kakasuhan kasi nakakuha pa ako ng NBI clearance last year tapos akala ko okay na kame kasi pinag ayos na kame dati. Tapos ngayon bigla na lang lumitaw yung kaso. Minor injury yung ngyare. Pwede po ba nya ituloy yung kaso or pwedeng makipag settle na lang? And if pwede po, may estimation po ba sa bayad danyos? Tumagos po yung bala sa hita, walang malala na ngyare pero yun nga po, tinamaan pa din siya. Negligence on my part. Sa inuman po ito ngyare ng hindi sinasadya. Salamat po sa sagot.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Well, ikaw ay nakapinsala, so kailangan mo talagang bayaran ang danyos nito. Hindi malinaw sa akin kung ang isinampang demanda sa iyo ay criminal na kaso o kaya'y civil.

Anyway, sine nabanggit mo ang NBI Clearance, inaakala kong ang isinampang demanda laban sa iyo ay isang criminal case. Kapag nag-file ng criminal case laban sa iyo, kasama na ang danyos sa criminal case.

So, ang nais mong malamang ay kung puede mong i-settle o aregluhin ito at kung magkano ang babayaran mong danyos.

Oo, puede namang i-settle ito. Bago kayo mag-bista, sa tinatawag na pre-trial, kayo'y paghaharapin ng husgado upang subukang aregluhin ang kaso, doon puede mong imungkahi ang bayaran na lamang ang hinihingi niya.

Sa demanda, makikita mo naman kung ano ang hinihingi noong tao. Makikita mo din naman kung ano ang ginastos niya sa doctor, sa gamot, kung ilang araw siyang hindi nakapag-trabaho dahil sa sugat sa tama ng bala. So, dito pa lamang, may idea ka na kung magkano ang aktuwal na nagastos noong tao.

iyong nga lang, bukod sa aktuwal na nagastos niya, kahit na minor injury lang ito, nasaktan pa rin siya, naghirap dahil sa kirot o hapdi, so dapat, dagdagan mo ng kaonti iyong halaga noong aktuwal na nagastos niya.

Lahat naman ay puedeng pag-usapan. Mas matutuwa pa nga ang husgado kung aregluhin na lamang ninyo ang usapin kasi, hindi an makadadag-dag pa sa trabaho ng husgado.
Mark Din
is in the Philippines
actually po, nagkita na kame sa prosecutor's office last year pa po. humihingi siya ng 150k pero sinubukan ko pa po labanan sa papel pero ngayon po na realize ko na magbabayad na lang ako kaso wala pa pong reply. possible din po ba na mapababa pa yun at pumayag ang husgado na bayaran ng installment? estudyante po kame nung ngyare po yung insidente. gusto ko na lang din po matapos na para makakuha na din ako ng NBI clearance. maraming pong salamat atty. bimbi

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.