Liable ba ang anak sa inutang ng magulang? Mapapasa ba sa anak ang utang ng nanay?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang nanay namin ay mag pinagkautangan at ginamit niya kaming mga anak nya na sangkalan bilang magbabayad ng mga inutang nya. Ano ang pwede namin gawin gayong wala naman kaming kinalaman sa ginawa ni nanay na kalokohan?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin na kayo ay ginawang "sangkalan" -- ang sangkalan ay isang gamit sa kusina, ito'y gawa sa kahoy o plastic at dito naghihiwa ng mga pagkain.

Baka ang ibig mong sabihin ay nangutang ang iyong ina at sinabi na, mayaman naman ang mga anak ko, nagta-trabaho sa abroad, kaya nilang bayaran ang uutangin ko kung hindi ako makaka-bayad. Ganoon ba?

May kasulatan ba ang pagkaka-utang na ito? Kasi, kung wala, walang ebidensiya ang pinagka-utangan. Bakit ka naman maniniwala na nangutang nga ang iyong ina kung wala namang ebidensiya?

Kayo ba ay naka-lagda sa pagkaka-utang bilang surety or co-maker? kasi, kung may kasulatan ang pagkaka-utang pero hindi ka naman naka-pirma na ikaw ay guarantor, o surety or co-maker, ni hindi ka nakapirma na witness. Ni hindi mo alam na may utang ang nanay mo, kahit na nakalagay pa doon sa kasulatan na ikaw ang magbabayad ng utang, kung ikaw ay hindi naka-pirma sa kasulatan, aba, hindi puedeng ikaw ay ma-tali sa pagkaka-utang na hindi naman ikaw ay nakinabang at hindi naman ikaw ang nangakong magbabayad.

Baka naman ikaw ang nag-abot ng mga bayad ng hindi mo namamalayan, kaya akala noong pinag-ka-utangan na ikaw nga ang mag-babayad ng utang ng nanay mo. I do not know.

The best thing is to get a lawyer para protektado ang iyong mga karapatan.

The thing is, ang pagkaka-utang lalo na sa kuwarta, ito ay isang personal na obligasyon at ito ay personal na kontratang pinapasok ng isang tao at hindi niya puedeng i-dawit ang ibang tao upang mag-bayad ng kanyang utang kung hindi pumapayag ang ibang tao (tulad mo) na magbayad ng utang ng iba.

If you didn't know about it, you did not agree to it, you shouldn't be bound by it. Kahit saang husgado makarating ang obligasyon na magbayad ng utang ay naka-atang doon sa nangutang, liban na lamang kung sa kasunduan, pumayag ang nangungutang at pinagkaka-utangan na may tatayong guarantor or surety na magbabayad noong utang kung hindi maka-bayad ang nangutang.

Maghanap ng abogado, mag-konsulta. Dalhin ang mga dokumento at nang ang abogado ay makapag-bigay sa inyo ng mahusay na advice. Dito kasi, wala akong nakikitang mga dokumento. Kahit po sa PAO, puede kayong pumunta at humingi ng advice.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.