Makakasuhan po ba ng libel ang asawa kong foreigner? Nagkaproblema po kami sa apartment dahil sa madumi at maraming tulo sa bubong at mula sa pipe ng cr dahil sa walang pakialam at maintenance ng may ari. Nagbabayad kami monthly sa manugang ng may ari.
Walang binibigay na OR. Ang katwiran laging naiiwanan dahil galing daw siya sa trabaho tuwing maniningil. The worst na ngyari is nong napuno ng dumi ang floor ng cr namin dahil nga sa walang maintenance, at walang kooperasyon ng may ari. Hanggang di na nakapagpigil ang asawa ko at nagpost siya na ng careless at may drug history ang may ari. At tinag sa manugang, kasi di namin alam ang Facebook ng may-ari.
Tapos nag react ang manugang ng may ari nag reklamo ng libel dahil wala daw siyang drug history. Ngayun po makakasuhan ba ng libel ang foreigner sa pilipinas? Thanks po