Pwede ba makasuhan ng libel, kapag minura ang kabit ng asawa sa social media?

Sam Palacio
is a saleslady in United Arab Emirates

May kabit po kasi asawa ko nasa pinas. Tapos kami mag asawa andito po sa abroad. Ang evidence ko po ay yung chat conversation nila that they are having affair at yung billing ng phone na lagi nya tinatawagn yung babae. At umuwi rin po sya sa babae nya. Sa galit ko po nagpost ako ng foul words sa social media don sa kabit ng asawa ko at pinagbantaan ako na idedemanda nila ng cyberlibel.

Possible po ba na makasuhan ako kahit na nasa abroad ako at macredit ba na evidence ang social media post kahit outside ng pinas po ito ginawa? At pwede ko rin sila kasuhan ng asawa ko ganun ang evidence ko is outside jurisdiction of Phil? Need your advice lalo na kung pwede ba nila ako kasuhan since andito ako sa ibang bansa.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, tama sila na may kasong kriminal na cyberlibel.

Ang cyberlibel ay ang paninirang puri laban sa isang tao gamit ang kahit na anong information and communication technology tulad ng text, post sa social media at email.

Pangalawa, ang kasong ito ay puedeng i-file ng nasaktan (complainant) sa Pilipinas. Kaya nga lang, kung ang respondent (ang naglagay ng mapanirang puri sa social media) ay nasa ibang bansa, walang kapangyarihang pauwiin ang complainant.

So, ang gagawin ng babae ay, hihintayin na ang passport or working visa mo ay mag-expire. At iyong panahon na nandito ka sa Pinas, ikaw ay ipapa-dakip at dito ka na haharap sa paglilitis.

Baka hindi naman alam ng babae na ang adultery ay isang krimen din? kaya, kung maymai-kakaso siya sa iyon, may mai-kakaso ka rin sa kanya? Iyon na nga lang, pati ang asawa mo, kailangan mong idemanda sa asuntong adultery. Kasi, hindi naman puedeng mag-adultery ang iisang tao.

Ang pinaka-maigi, ikaw ay dumulog sa isang abogado. Kailangang ikaw ay humingi ng payong legal sa isang taong mapag-hihingahan mo ng lahat ng nangyari. Hindi puede dito sa internet. Hindi ako abogado mo. Ako ay taga-sagot lamang ng mga katanungang legal.

Sino ba ang nagsabi ng: "Don't get mad, get even"? Pero, kung sa kasabihan at kasabihan lang naman, sabi ni Hesus, "Love your enemies. Do good to them that hate you and that despitefully use you."

Ang pinaka-maigi ay huminahon ka muna. Mag-usap kayong mag-asawa. Kung talagang wala nang puwang pa na kayo'y magkasundo, sabihin mo lamang sa kanya na kung hindi niya pipigilan ang kanyang babae na magdemanda, mapipilitan ka ring mag-demanda at pati siya at masasama sa asuntong adultery (dahil kasal kayo, diba? O mali ba ako?)

Pumunta sa abogado sa lalong madaling panahon.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.