Kung naka-archive na ang kaso mo, kailangan pang mag-file ang complainant ng Motion to Revive. So, unless and until ipa-revive ito, kung dati ay may warrant of arrest laban sa iyo, ang warrant of arrest ay may expiry date. So, kung ten years na naka-archive, then, whatever warrant of arrest has already expired.
Of course, ito ay theoretical lahat. Kung malakas at may kakilalang pulis ang iyong pinag-kaka-utangan, napaka-dali kasing magsama ng pulis sa airport, ikaw ay abangan at hulihin para kikilan kahit na ikaw ay wala namang warrant of arrest. I'm not saying that this happens -- it might happen.
So, bakit hindi pa ikaw na lamang ang magpa-activate noong kaso? Kumuha ka ng abogado, mag-motion ka na babayaran mo na lamang ang halaga noong hinihingi noong complainant? Ang problema lang dito, baka hingan ka pa ng interest sa 10 years na ang kaso'y naka-archive.
Puede din naman na umuwi ka, kausapin mo ng maayos ang complainant, at mag-ayos kayo. Ang problema nga lang nito, kung basta mag-aayos kayo at walang kasunduan na iuurong na niya ang kaso dahil sa bayad na ang halaga, baka paghigantihan ka at ipa-revive ulit ang kaso kahit nakabayad ka na.
Ang maganda kasi na sa husgado kayo magka-ayos, ay tuluyang madi-dismiss ang kaso at alam ng hukuman ito. Double jeopardy will attach -- hindi na ulit puedeng magdemanda laban sa iyo ang complainant.
Best thing: get yourself a lawyer who practices criminal law para siya ang makapag-bigay sa iyo ng detailed advice. kasi dito sa akin, kung ano lang ang mga facts na iyong ibahagi ang alam ko. Best to get a lawyer you can confide in.