Paano po ba malalaman kung may naka-file na kaso (cyber libel)?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Paano po ba malalaman kung may naka-file na kaso (cyber libel) laban sayo? Ano po ba ang mga penalties and charges sa kasong ganito? Ang kaibigan ko na OFW gustong umuwi sa Pinas pero ang sabi niya amy kaso daw siyang libel through social media pero wala siyang natatanggap na subpoena o kahit na anumang galing sa RTC basta ang sabi sa kanya nagfile daw yong kabila labann sa kanya. Hindi po niya tunay na pangalan ang ginamit sa pang post sa social media at hindi umabot ng 12hrs yong post dahil delete po agad nong nagpost. May bail po ba ang ganitong kaso? Gaano po ba katagal bago automatic na mawala ang ganitong kaso?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Yes, may criminal charge nga na Cyber Libel sa Pilipinas sa ilalim ng Cyber Crime Prevention Act of 2012. Noong una ay sinuspinde ang batas na ito at hindi pina-iral ng Supreme Court dahil sa may mga nag-hain ng petition na kinukwestiyon ang mga probisyon nito.

Kasi, pag ang isang tao ay idinemanda ng isang kasong kriminal, makakatanggap muna siya ng subpoena para humarap sa Prosecutor's Office para siya'y maghain ng Counteraffidavit (o sagot sa complaint affidavit noong nagdemanda). Kung wala siyang natanggap, malamang sa hindi siya napadalhan or, maling address or tao ang napadalhan nito.

Para matiyak kung mayroon ngang naka-hain na kasong kriminal sa Prosecutor's Office, puedeng mag-apply ng clearance mula sa Department of Justice. Doon lasi makikita kung mayroon ngang naisampang kaso, at kung saan ito naisampa. Kung alam ninyo kung saan nakatira iyong taong nagfile nito, mas magandang puntahan ninyo ang Prosecutor's Office na pinakamalapit sa tirahan noong complainant.

Kung halimbawa naman ay sabihing nai-file na ito sa husgado, puede naman kayong kumuha ng RTC clearance para makita kung may kasong kriminal na naka-file nga laban sa kanya. Sa RTC na pinaka-malapit sa tirahan noong complainant pinaka-maiging pumunta.

Sa NBI clearance, kapag ikaw ay nag-apply, lumalabas din doon kung may kaso laban sa isang tao, o kung may warrant of arrest.

Bukod sa mga kaparaanang ito, wala yatang nationwide na database pa para sa mga ganito na puedeng silipin kung may kasong naka-file laban sa isang tao -- hindi pa tayo digital. Hindi tulad sa ibang mga bansa tulad ng Amerika, Australia, Canada at sa Europa, centralized ang computer records at maaaring makita kung may mga outstanding warrants laban sa isang tao. Wala pang ganitong sophisticated na digital database sa bansa.

Saka ko na sasagutin kung may bail or kung may automatic na dismissal ang kasong ganito kung sigurado ka na ngang may kaso nang nai-file. It is best to get a lawyer in your locality para siya ang mag-check kung may kaso ngang naka-file laban sa inyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.