Utang sa bangko

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay may utang sa bangko at nagissue ng cheque way back 2013, nakapagbayd naman o ako ng ilang buwan,ngunit sa kasamaang palad,ako po ay nawalan ng trabaho. nagsara na rin po yung checking acct ko,pinuntahan po ako ng collector ng banko at sinabi sknla ang aking sitwasyon, sinabihan po ako na mababad credit daw po ako at di naman makukulong. sa ngayon po ako ay mayroon ng trabaho at nais ko po sanang bayaran ang aking utang, pwde po ba ako humingi ng amnesty sa bangko? may kaso na po kaya ako? salamat po sa sasagot

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, matutuwa ang pinagka-utangan mo kung babayaran mo ang iyong utang. Iyon na nga lang, tunay na magkakaroon ka ng record ng delayed payment or non-payment. Magkakaroon ito ng epekto sa buhay mo kung sakaling ikaw ay mag-aaply ng iba pang loan o kaya'y ikaw ay mag-aaply ng isang credit card. Kasi, ang mga banko ay may blacklist.

Ang pinaka-maigi, kumuha ka ng abogado. Idaan mo sa abogado ang lahat ng communication mo sa collector or sa creditor mo. Puede kang humingi ng tulong mula sa PAO. Lalo na't ikaw naman pala'y may na-i-issu na post dated checks. Dapat kasi, ang bawa't bayad mo ay may katumbas na balik ng isang check. Kumbaga, ire-redeem mo ang awat isang check na iyong in-issue.

Maigi din ang may abogado ka kasi, puede kang makipag-negotiation sa kanila para i-waive na nila ang kanilang penalty, surcharge, etc. para iyong principal and interest na lamang. Mas pabor kasi sa mga banko kung may papasok sa kanilang cash. Kaya, okay sa kanila iyon. iyon na nga lang, pinaka-maganda ay makipag-negotiate ka. Magsama ka ng PAO lawyer kung ikaw ay makikipag-kita sa mga tao sa banko.

Good luck.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Makakakuha po kaya ako ng NBI? Makakaapekto rin po ba ang credit score sa misis ko pag sya ay nag loan?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung walang kasong nai-sampa laban sa iyo na kriminal, walang dapat na lumabas na hit sa NBI database. Kung ikaw ay hindi nag-issue ng PDChecks at wala namang isinampa na habla o reklamo hinggil sa mga PDCs, walang dapat na lumabas na hit sa NBI.

Hindi ko masabi kung apektado ang credit history o credit standing ng asawa mo dahil sa non-payment mo ng utang. Kasi, sa mga application, kung ang inilagay mo na civil status mo ay "married" kailangang i-supply ang information at lagda ng iyong "spouse". At ang ibang mga kontrata ng pag-uutang, hindi pumapayag kundi't ang mga mag-asawa ay parehong lumagda bilang co-borrower o co-maker ng loan.

Hindi ko alam kung gaano ka-comprehensive ang background at credit checks ng mga banko. Ang alam ko ay may database na ang mga banko kung saan ang mga impormasyon ng lahat ng may credit card at account ay ina-upload para maging mas madali ang background check at credit investigation.

At sa totoo, bagama't nakaka-stress ang magkaroon ng unpaid na loan lalo na sa mga credit card dahil daig pa ang aso sa gabi kung maka-tahol, maka-angil at maka-alulong ang mga collector, ang mga banko ngayon ay wais na rin.

Malimit ay hindi sila nag-i-issue ng credit card kundi't may account din ang credit card holder sa kanilang banko. Sa totoo, iyong mga taong may mataas na maintaining balance at maraming mga transaksiyon kung saan labas-masok ang pera sa account, iyon ang kanilang ino-offer-an ng credit card o bank products tulad ng loan. Ang tawag dito'y back-to-back loans. Ang account mo ang guarantee bilang credit investigation sa iyong credit rating.

So, kung maganda ang credit rating ng asawa mo on her own, dahil sa marami siyang mga personal na transaction at may mga utang siyang mahusay naman niyang bayaran, there is no guilt by association, I don't think. Hindi komo't hindi makabayad ang asawa, pati iyong isang mahusay namang magbayad ay maaapektohan.

Komunsulta sa abogado preferably, iyong mga abogado na may practice sa banking at finance. Good luck sa iyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.