Nakasaad sa Family Code:
Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:
(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and
(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. (53a)
Art. 3. The formal requisites of marriage are:
(1) Authority of the solemnizing officer;
(2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and
(3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age. (53a, 55a)
Art. 4. The absence of any of the essential or formal requisites shall render the marriage void ab initio, except as stated in Article 35 (2).
A defect in any of the essential requisites shall not affect the validity of the marriage but the party or parties responsible for the irregularity shall be civilly, criminally and administratively liable.
Kung kayo ay 18 years old at the time of the marriage, valid ang marriage ninyo. KUng hindi naman "shotgun" marriage ang nangyari sa inyo, valid iyon. Kung may lisensiya ang nagkasal sa inyo, kung kayo'y may marriage license, at kung noong ikasal kayo ay malaya ninyong sinaad na payag kayong magpakasal at may mga testigo kayo, valid ang inyong marriage.
Pag sinabi kasing walang consent ang magulang, hindi pumirma ng consent ang inyong mga magulang, ito ay isang defect lamang ng marriage.
Ang problema, 2002 pa kayo ikinasal (nasa wastong gulang na kayo pareho). So, 2017 na, 15 years na ang nakaraan. Kayo'y nagsama hanggang 2014, o twelve years. Sa loob ng 12 years, tinanggap na kayo ng inyong magulang bilang kasal at hindi kumilos ang mga magulang ninyo upang ipa-walang-bisa ang kasal ninyo dahil sa wala silang consent at sila'y hindi payag na kayo'y magpakasal sa isa't isa.
You might have no ground to annul your marriage. Iyong pag-inom ng pills ay hindi tuwirang ground for annulment. Kasi, sa panahon ngayon, hindi na basta assumed na kung ang mga tao'y magpakasal, pumapayag din silang magka-anak. Kasi, ang pagkakaroon ng anak ay desisyon ninyong dalawa.
Kung mapapatunayan mo na ang pagte-take ng pills ay sanhi ng isang psychological incapacity ng iyong asawa, baka may ground ka, pero, ang psychological incapacity ay kasiraan ng ulo -- sira ba ang ulo ng asawa mo? So kung walang proof nito, wala kang ground.
Still, it is best na komunsulta sa isang abogado para doon mo masabi ang lahat ng bagay na may kinalaman sa inyong pagsasama.