Adoption o pag-aampon: proseso at kwalipikasyon, Ang pagbibigay linaw sa usapin

Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines

Adoption o pag-aampon: proseso at kwalipikasyon.

Ang pagbibigay linaw sa usapin tungkol sa pag-aampon ang layon ng artikulong ito. Napakarami ng mga nag-tatanong sa forum na ito patungkol sa proseso ng pag-aampon o adoption dito sa Pilipinas kung kayat minarapat naming maglaan ng panahon para ito’y pag-usapan.

Dalawang batas ang sumasakop sa pag-aampon dito sa Pilipinas dahil sa dalawa ang uri ng adoption na umiiral dito: Ito ay ang DOMESTIC ADOPTION at ang INTERCOUNTRY ADOPTION.

BAKIT NG BA DAPAT PANG DUMAAN SA PROSESO NG PAG-AAMPON? ANU-ANO ANG MGA BENEPISYO NITO?
Ang unang benepisyo ay mapo-protektahan ang mga batang aampunin – dahil sa dumaan sa masusing proseso, tiyak na hindi mapapa-sama ang bata kung ito’y ampunin. Ang mga magulang na mag-aampon sa bata’y mapo-protektahan din sa kanilang mga karapatan at sa kanilang privacy.

Ang mga pangangailangan ng bata (lalo na kung ang aampunin ay child with special needs o batang may sakit o pinsala sa katawan o sa isipan) ay tiyak na matutugunan at ang BEST INTERESTS of the child ay bibigyan ng puwang.


HINDI BA’T MAS MADALI NA LAMANG NA IPANGALAN AT IPA-REHISTRO ANG BATA SA MGA ADOPTIVE PARENTS NA WALA NANG PROSESO NG ADOPTION SA HUSGADO?
Kung sa madali, talagang madali na ibigay na lamang ng ina o ama ang kanilang sanggol na kaluluwal lamang sa mga aampon at ang mga mag-aampon na ang bahalang magpa-rehistro sa bata sa kanilang pangalan at ito’y palakihin na lamang nila bilang kanilang anak.

Ang problema dito’y para magawa ito, ang mga aampon sa bata ay gagawa ng mga hakbang na maaring humantong sa falsification of public documents kung ipapa-rehistro nila ang bata sa kanilang pangalan na hindi naman sila ang tunay na nag-anak dito (pepekein ang Birth Certificate at palalabasin na sila ang mga tunay at biological na mga magulang kahit na hindi naman sila ang nag-silang sa bata). Bukod dito, ang mga nag-pa-ampon sa bata at ang mga umampon sa bata ay maaaring makasuhan ng Child Trafficking (pagbebenta ng bata).

Kung ang bata, sa halip na ampunin sa legal na proseso sa husgado ay basta na lamang pulutin, kupkupin at alagaan na parang anak ngunit hindi naman talaga anak sa mga dokumentong legal, walang mga karapatan ang bata katulad ng karapatang mag-mana mula sa kaniyang tunay o biological na mga magulang at wala din siyang karaptang mag-mana mula sa mga pumulot sa kanya’t nag-palaki. Ngunit, kung ang batang basta iniwan sa inyo ay inyong kinupkop na mula pa sa pagka-bata, at kayo na ang itinuring nitong magulang, maaari ninyong ampunin sa legal na proseso ang bata.

Ang isa pa, ang mga magulang na magpapalaki sa bata ay walang magagawa kung sa anumang oras na nais bawiin ng tunay o biological parents ng bata ang bata. Kung may masamang loob ang mga magulang na nagpa-ampon sa bata, maaaring kasuhan nila ng kidnapping ang mga umampon. So, magulo ang hindi dumaan sa ilalim ng proseso.

SINU-SINO ANG MAAARING MAG-ADOPT NG BATA SA PILIPINAS?
Sa ilalim ng DOMESTIC ADOPTION, ang maaaring mag-adopt ay ang mga:
• Filipino citizen
• May sapat na gulang (18 years old pataas)
• Buo ang civil capacity at legal rights (hindi ex-convict, hindi insane, etc.)
• May good moral character (na pinatutunayan ng liham mula sa kanilang parish priest, minister o kaya’y pastor)
• Hindi kailanman nahatulang pinal para sa mga crimes involving moral turpitude (tulad halimbawa ng pagnanakaw, rape or homicide, etc.)
• May kapasidad na emosyonal at sikolohikal na mag-aruga
• May kapasidad na pinansiyal upang buhayin ang bata (pakainin, damitan, paaralin, ipagamot, etc.)
• Kailangang ang mag-aampon ay may 16 years ang katandaan sa batang aampunin puera na lang kung ang mag-aampon ay ang biological parent o kaya’y ang mag-aampon ay asawa ng magulang ng aampunin.

PUEDE BANG MAG-AMPON ANG MGA FOREIGNER SA PILIPINAS?
Sa ilalim ng DOMESTIC ADOPTION, puedeng mag-ampon ang mga foreigner ng mga batang Pilipino basta’t silay:
• May sapat na gulang (18 years old pataas)
• Buo ang civil capacity at legal rights (hindi ex-convict, hindi insane, etc.)
• May good moral character (na pinatutunayan ng liham mula sa kanilang parish priest, minister o kaya’y pastor)
• Kailangang naninirahan sa Pilipinas ng at least 3 years bago mag-file ng petition for adoption, at manirahan ng tulu-tuloy sa PIlipinas habang ang adoption ay ginaganap at hanggang sa matapos ang adoption at ang adoption decree ay maging pinal.
• Kailangang ang bansa kung saan citizen ang foreigner ay makapag-bigay ng certification na ang foreigner ay may legal capacity na mag-adopt at ang batang kaniyang aampunin ay papayagang makapasok sa kaniyang bansa bilang anak.
• Kailangang ang bansa kung saan citizen ang foreigner ay may diplomatic relations sa Pilipinas

Dito’y ang tinutukoy ay ang mga foreigner na may asawang Pilipino citizens o kaya’y may mga asawang dating Pilipino citizen. Kung ang mag-asawa ay pawing mga foreigner (parehong foreigner ang mga mag-asawa) ang kanilang adoption ay hindi sasa ilalim sa DOMESTIC ADOPTION kundi sa INTERCOUNTRY ADOPTION.


SINU-SINO PA ANG PUEDENG MAG-ADOPT?
1. Ang mga dating Filipino citizens na naging citizens na sa ibang bansa ay maaaring mag-adopt ng kanilang kamag-anak basta’t hanggang sa fourth civil degree of consanguinity or affinity.

2. Ang mga foreigner na nag-asawa ng mga Pilipino ay maaaring ampunin ang mga anak sa pagka-dalaga o anak sa pagka-binata o anak bago mabalo o mga anak bago ma-annul ang kasal ng kanilang asawang Pilipino

3. Ang mga foreigner na nag-asawa ng mga Pilipino ay maaaring ampunin ang mga kamag-anak ng kanilang asawang Pilipino basta’t ang kamag-anak ng kanilang asawa ay within fourth degree of consanguinity or affinity (apo o pamangkin ay sakop pa dito, pati na ang mga apo sa tuhod o pamangkin sa tuhod)


SINU-SINO NAMAN ANG PUEDENG AMPUNIN?
1. Batang ang edad ay below 18
2. Batang nai-deklarang “available for adoption”
3. Ang lehitimo o ilehitimong anak na higit sa edad 18 ay puedeng ampunin ng asawa ng kanilang magulang
4. Isang taong lampas na sa 18 pero, siya’ypinalaki at itinuring na anak ng mag-aampon simula ng siya’y bata pa.
5. Isang batang ulila, matapos ang 6 na buwan mula sa kamatayan ng kaniyang mga magulang


KAILANGAN BA LAGING MAG-ASAWA ANG MAG-AAMPON?
Maaaring mag-ampon ang isang taong single o walang asawa. Kung ang mag-aampon ay may-asawa, kailangang silang dalawang mag-asawa ang mag-ampon ng bata.


KANI-KANINONG PAHINTULOT ANG KINAKAILANGAN SA PAG-AAMPON?
1. Kailangan ang pahintulot ng aampuning bata kung ito’y may 10 taong gulang na
2. Kailangan ang pahintulot ng magulang ng aampuning bata, ng guardian o ng ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa bata
3. Ang mga anak na lehitimo at ilehitimo ng mag-aampon pati ang mga anak ng aampunin, basta’t sila’y may 10 taong gulang na
4. Ang asawa ng mag-aampon pati na ang asawa ng aampunin (kung meron)


ANU-ANO ANG MGA DOKUMENTONG KAILANGANG IHAIN NG MAG-AAMPON PARA MAG-AMPON?
1. Certificate of Live Birth na nasa security paper
2. Marriage contract o kaya’y divorce decree, annulment decree or declaration of nullity o kaya’y decree of legal separation
3. Consent ng legitimate at illegitimate na anak ng mag-aampon na ang edad ay 10 pataas at nakatira sa kanilang tahanan
4. Physical, medical evaluation mula sa isang lisensiyadong manggagamot (pati na ang isang psychological evaluation kung ito’y kakailanganin)
5. NBI Clearance, Police clearance, MTC, RTC, at DOJ clearance mula sa Pilipinas at mula sa lahat ng bansa kung saan nanirahan
6. Income Tax Return o iba pang mga dokumentong nagpapakita ng financial capacity ng mag-aampon
7. Character references mula sa tatlong tao na hindi kamag-anak na nakakakilala sa mag-aampon for at least three years
8. 3x5 na pictures ng mag-aampon pati na ang kaniyang mga anak na kinuhanan at least three months before submission
9. Certificate of attendance sa mga pre-adoption seminar
10. Certification from the country of the adoptive parent (na foreigner) na siya’y may legal capacity sa kaniyang bansa at pinahihintulutan nila ang mga inampon na anak mula sa PIlipinas na maka-pasok at manirahan sa kanilang bansa
11. Certification mula sa Bureau of Immigration ng Pilipinas na may 3 taon nang resident ang foreigner sa Pilipinas
12. 2 Character references mula sa mga tao sa bansa ng foreigner na nakakikilala sa kanila
13. Police clearance mula sa lahat ng lugar kung saan sila nanirahan dalawang taon bago manirahan sa Pilipinas


ANU-ANO NAMAN ANG MGA DOKUMENTO UKOL SA AAMPUNING BATA NA KAILANGANG ISUMITE?
1. Child study report mula sa pagkasilang ng bata
2. Birth certificate ng bata o kaya’y Certificate of Foundling (napulot na bata – tulad ni Senadora Grace Poe)
3. Death certificate ng magulang (kung ulila na ang bata)
4. Certificate of Legally Free For Adoption
5. Medical evaluation or medical history
6. Psychological evaluation
7. Photo
8. Kung ang aampon sa bata ay mga foreigner, kailangan ng certification mula sa DSWD na ang bata ay dumaan na sa proseso ng domestic adoption ngunit walang nag-nais na umampon sa bata na mga magulang na Pilipino kung kaya’t maaari nang ipa-ampon ang bata sa mga magulang na foreigner


PUEDE BANG PUMUNTA SA BAHAY AMPUNAN AT PUMILI NG BATANG AAMPUNIN?
HINDI.
Ang mga magulang na nag-a-apply na mag-ampon ay hindi maaaring makapamili ng indibiduwal na batang gusto nilang ampunin. Ang Adoption Board ang nag-ma-match ng bata sa mga potential adoptive parents.
Ang bansang Pilipinas ay sumusunod sa CLOSED ADOPTION system (hindi nakakapamili ang mga magulang na nais mag-ampon ng batang nais nilang ampunin).


SAAN MAG-PA-FILE NG ADOPTION?
Dalawang yugto ang adoption process:

Unang hakbang ay administratibo:
1. Mag-apply sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o
2. Sa mga Child Placing Agencies

Pangalawang hakbang ay sa husgado:
Sa Regional Trial Court ng probinsiya o siyudad sa inyong tirahan


Tumunghay sa susunod na artikulo patungkol naman sa Intercountry Adoption. Ang Intercountry Adoption ay iyong katulad nina Angelina Jolie at Brad Pitt na pumunta sa Africa upang mag-ampon ng sanggol mula sa isang ampunan sa Africa. Ito ay mapag-uusapan sa susunod na article.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
ANn KArru
is a Kauppa in Finland
Thank you Atty. Bimbi
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day atty!

I a single mom of a 10yo boy. Nung manganak ako, pina register kaagad ng parents ko ang bata sa name nila. They are both govt employee and going to retire in 2yrs. Dala nla sa kanilang tax return ang bata. Ngayon, gusto ko sanang ma transfer ang bata sa name ko w/out creating troible to my parents esp sa kanilang retirement benefits. May any ways po ba na maging possible ito? Or if i will admit all my parents' mistake do you think they can get out of trouble?

thank you atty and im looking forward for your advice.

Guia
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, ang ginawa ng iyong mga magulang (ipina-rehistro nila ang anak mo a pangalan nila na para bang anak nila ito) ay isang criminal act. This is falsification at ang isa pa, ito ay nagdeprive sa bata ng tunay niyang status. Ang good news naman, ay, kung hindi ka maghahabla, hindi naman sila makukulong. Kung halimbawa ay sila naman talaga ang nag-susuporta sa bata, okay lang na idineklara nila ang bata bilang dependent nila.

Ang problema ngayon ay gusto mong ang bata ay mabago ang pangalan -- you will have to adopt your very own child. Kasi, pangangatawanan mo na na ang bata ay anak ng iyong mga magulang, at ngayon ay aampunin mo ang iyong kapatid para siya ay maipangalan sa iyo.

You will need to consult a lawyer. Please consult a family lawyer. kasi, bago na ang adoption laws. Kung ang abogado ay hindi familiar sa bagong adoption law, baka magka-problema ka.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
On a lighter side -- noon bang nanganak ka, ilang taon ka lang? kasi, kung minor ka noon, your parents will probably not get into that much trouble (at the very least, they will have a good defense). Kung ang mga magulang mo ay mga retirees na, kahit na mai-demanda sila, by the time na matapos ang paglilitis, they will be 70 years old -- so hindi na sila makukulong.

At saka, kung wala namang magre-reklamo, wala namang magiging kaso.

Ang isa pang option ay i-adopt mo na lang ang iyong sariling anak. No questions asked doon, diba? Ask a lawyer for an opinion. Para mailathala mo ang lahat ng detalye at nang makapag-bigay ang abogado sa iyo ng reasoned legal opinion.

Good luck!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
20yo na po ako nung nanganak ako.
Ella Cy
is in the Philippines
good day atty.. ask ko lang po yung case ng parents ko, may cousin ako na 2 y.o pa lang binigay na sa kanila tapos pinagawan ng father ko ng livebirth para lang ma enroll at makapag aral. 17 y.o sya ng nagloko at tinakwil ng father ko. last 2014 namatay ang father ko at iniwanan kami ng mana. ngayun lumabas sya at nag claim na anak daw sya since may hawak syang nso livebirth. pero deneny sya ng mother ko since wala naman talagang alam ang nanay ko na talagang pinarehistro sya sa NSO. Gumawa ng affidavit of denial ang mother ko. tanong ko lang po,kahit peke ba ang livebirth nya may karapatan pa sya sa iniwan sa amin ng father ko? since nag ki claim sya na anaknkahit hidndi naman? tnx po
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
If your father did not adopt your cousin, then having him registered as his child does not make him your father's child. Ang sagot ninyo diyan ay magpa-DNA siya. Kung sa ilalim ng DNA testing, makikita na siya ay tunay ngang anak ng tatay mo, eh, di, kasama siya na tagapag-mana, pero, kung siya ay hindi kadugo ng tatay mo, hindi siya anak ng tatay mo, so, he does not have any right to inherit from your father.
Hayaan mo siyang mag-file ng kaso laban sa inyo -- siya ang dapat na mag-prove na siya nga ay anak. Hayaan mo siyang mag-prove na siya nga ay tunay na anak ng tatay mo.
Jorge Cunanan
is in the Philippines
Pwd po bang mag tanong ??
Jorge Cunanan
is in the Philippines
Hellow po..mag tatanong lng po sna ako..mag tatatlong taon po ako ng ipaampo o ipaalaga sa isang tao.itinuring nya po akong tunay na anak at turing ko po sya bilang tunay na nanay..pinalaki niya po ako ng maayos at pinag aral binig yan ng magandang buhay habang nag tratrabaho siya sa ibang. Mula elementary school pilido na nya po ang gmit ko..25yo na po ako at 85yo na po ang taong nag alaga skin.may pag asa pa po ba akong maging legal na anak ? Ano po ang dpat kung gawin.sana ay matulungan nyo po ako.salamat po.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sorry sa late reply. Ngayon ko lang nakita ang iyong tanong.

Ikaw ay isang foundling, sa ilalim ng batas, pareho ni Grace Poe.

Ang foundling ay puedeng ampunin, pero, kailangan mo ng abogado para ito'y gawin. Ang pinaka maigi, magpunta ka at humingi ng payo sa Public Attorney's Office. Kasi, hindi mo nabanggit sa post mo kung kailan ka kinupkop noong matanda. Kasi, kung kinupkop ka bago mag 1989, Civil Code ang sasakop sa iyo. Pero, kung ikaw ay kinupkop noong after 1989, Family Code ang sasakop sa iyo.

You need a lawyer.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po Atty

I'm seeking advice po regarding adoption process. May anak po ako sa pagka dalaga I just got married and my husband is willing to adopt my son. He is Australian po but we are living in the Philippines. Ano po ba and dapat na first step namin? Thank you.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ito ay papasok sa inter-country adoption. Kahit na kayo'y nasa Pilipinas, kung sasa ilalim kayo sa inter-country adoption, mas madali ang immigration process kung sakaling mag-a-apply ang Australian spouse na kayo ay gawing Australian citizen.

Ang isa pang maganda dito ay hindi mo kailangan ng abogado para gawin ang adoption through the Inter-Country Adoption Board. At ito ay mas mabilis di hamak kaysa sa mga husgado. So, I recommend this instead of the regular court process.

Go to the website of the Inter-Country Adoption Board of the Philippines.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi atty. Gusto ko sana ampumin ang now 11yo na anak ko (sa parents ko siya naka pangalan). Ang tanong ko po: 1)kung tatanungin po siya sa korte kung gusto niyang sumama sakin at sumagot siya ng HINDI matutuloy pa din po ba ang adoption?. 2) married na po ako ngayon sa isang banyaga and living in his country. Ok lang po ba na ako lng ang mg apply ng adoption since my husband's income is only 26,000 nzd per year. Maraming salamat po atty and I'm looking forward for your reply.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang iyong kaso ay papasok sa Inter-country Adoption. Ito kasi ang proseso kung saan ang isang foreigner na married to a Filipino can adopt the natural or biological child of the Filipino spouse.

Punta ka sa website ng Inter-Country Adoption Board. Doon ka mag-inquire. Ang alam ko kasi, kailangan na mai-prove na kayang suportahan ng isang taga-NZ ang isang batang kanyang aampunin. Hindi ko alam kung ano ang mga batas na payak na nagsasabi kung magkano ang threshold na kailangan para maka-suporta ng bata. Pero, I think household income, kaya, pati income mo, kung meron kang income, pati iyon ay titignan.
Ann Gabriel
is in Italy
Good day po Atty.,

Ako po ay kasalukuyang naninirahan sa ibang bansa at nasa edad 31 na po. Gusto ko pong itanong, kung pwede po kaya ako mag pa-ampon sa Tito(single po siya) ko na nag alaga sa'kin nung nasa Pilipinas pa po ako. Dahil gusto ko po na ma-petition ang Tito ko papunta dito.

Salamat at Lubos na gumagalang,
Ann
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sorry, ito ay tinitignan ng batas ng immigration bilang isang tangka na i-circumvent ang immigration laws. Kasi, ang adoption ay dapat lamang mangyari habang bata ka pa. Ang hindi ko alam, kung okay lang sa Italian government ang adoption of an adult. Kasi, kung okay sa kanila, eh, di walang makakapigil sa iyo. Pero sa US kasi, sa UK at sa Australia, ito ay bawal. Pati yata sa Japan. Kasi, dapat ay immediate relatives lang ang puedeng i-petition.
Gigi Tongol
is in Canada
Helo po, ako po ay isang canadian citizen po. At me ibinigay po na bata sa aking mother in law at gusto po namin na ampunin po siya sa legal na pamamaraan. Ngunit sinabihat po kami dita ng isang agency for adoption na di po daw namin makukuha ang bata kahit ano gawin namin. Nasa pangangalagabpo ngayon ng sking mither in law. Naawa naman po kami sa bata kung ibabalik namin at ayaw naman ng ina siya po ay nakakulong. Inabandona na din po siya ng tatay na me ibang pamilya
Ryan Bay
is a Engineer in Japan
Hi atty Adelaimar, thank you sa information. Hopefully may guidance ka sa tanong ko. Dito po kami naninirahan sa Japan with my wife. My system po ang Japanese government regarding adopting a Japanese child, open po siya to non-japanese citizen couple basta qualified at pumasa sa screening, much like sa process na binangit mo above. If God willing at ma qualified/papasa kami at mamatch na bata, ano po ba mga action na dapat naming gawin with respect sa Philippine law/side para marecognize na legally adopted namin ang bata?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang araw po atty! Gusto ko po sanang itanong kung may karapatan bang magmana ang isang ampon na ipinarehistro lang ng mga umampon sa kanya ang kanilang apelyedo sa birth certificate niya at hindi na dumaan pa sa ibang legal na proseso ng pag aampon? Patay na po kasi ang nag ampon sa kanya at gusto niyang kunin ang mga naiwan na property ng mga yumaong nag ampon sa kanya kabilang na ang lupang tinitirikan ng bahay namin. Gusto niya po kaming paalisin. May karapatan po ba siyang gawin yun?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day Atty!

Ask ko lang po paano po ba Ang process Ng pag ampon Gusto po kasi Ng Asawa Ng Tito ko po sa Japan ampunin Ang baby ko? Gusto din po dalhn Yung bata sa Japan at saknla po ipangalan yung bata po thank po atty
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.