Ang tatay ko po ay isa nang biyudo at may sakit sa puso. Nagkaroon po siya ng karelasyon na may tatlong anak na iba-iba ang ama.
Gusto na po makipaghiwalay ng tatay ko sa babae pero hinaharass siya at pinapirmahan siya ng blangkong papel at marriage license. Pagkatapos po noon ay nagbakasyon siya noong huling linggo ng Mayo sa probinsya. Nung bumalik siya dito sa Maynila ay ginugulo ulit siya ng babae na kasal daw sila noong June 13, samantalang siya ay nasa probinsya ng mga panahong ito.
Ano po ang pwede naming ikaso sa babae?