Annulment: Kinasal ng walang parental consent at walang ngyari, dahil nagkahiwalay after 1 week

Nilo Ladores
is a QS in the Philippines

Attorney, kwento ko lang po yung situation namin: Noong 2002 biglaan po ang kasal namin ng gf ko. Nag aabroad po siya sa Israel. Nagdesisyon po kami magpakasal sa dahilan na ayaw po ng pamilya niya sa akin.

Ng makasal po kami sa west na wala pong consent ng kanyang mga magulang, kaya po hindi kami nagkasama. Pagkatapos po ng isang linggo ng kasal namin bumalik na po siya ulit sa Israel. Simula po nuon nawalan na po kami ng communication hanggang sa nalaman ko nalang po nagpakasal siya doon sa Israel na Israeli. Hanggang sa nagka anak po sila ng dalawang babae at ako naman po nagkaroon naman po ng ka live-in. Nagkaanak na din po kami ng dalawa.

Hanggang ngayun po wala po kami communication dalawa. Ayon po sa mga kaibigan nya gusto na din po niya ipa-walang bisa ang kasal namin at ganun din po ako. Gusto ko na din po ipa-walang bisa ang kasal namin para maikasal din po kami ng ka leave in ko ngayon. Meaning kami pong dalawa gusto na po namin mapa walang bisa ang kasal namin, dahil may kanya kanya na po kaming pamilya. Hindi ko po alam kung bakit nakasal sya duon sa Israel.

Sana po mabigyan nyo po kami ng advise kung ano ang dapat naming gawin para mapawalang bisa ang aming kasal. Wala naman pong nangyari sa aming pagsasama.. Maraming salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kuya, you need a lawyer. Una, kung walang parental consent sa kasal ninyo, paano kayo naka-kuha ng marriage license? Requirement ang consent kung ang mga ikakasal ay edad 18-21.

Kung nakasal na nga kayo, pero hindi ninyo na-consummate ang marriage, dapat ay may grounds ka na mapa-declare na nullity ang inyong kasal kasi nga, hindi naman na-consummate ang marriage (hindi kayo nag-honeymoon, hindi kayo nagsiping). Baka naman ang ibig sabihin mo'y bago kayo ikasal, nagsisiping na kayo, tapos, matapos kayong ikinasal, hindi na kayo nagsama? Hindi ko matiyak sa kuwento mo, eh.

AT any rate, you can have the marriage annulled. Tinignan mo na ba sa NSO kung talagang rehistrado ang inyong kasal? Kasi, sa totoo lang, malabo na makapag-pa-kasal ang iyong asawa sa Israel kung rehistrado ang inyong kasal dito sa Pilipinas. Kasi, sa kahit na ano pa mang bansa, bago ikasal ang mga tao, kailangan ng prueba na sila'y walang legal na sagabal upang magpa-kasal. kaya't hinihingan ng tinatawag na CeNoMarr ag mga Pilipino bago sila makapag-pa-kasal sa ibang bansa. Ito ay Certificate of No Marriage.

You need to go to the NSO and check kung ikaw nga ay kasal. Baka naman wala sa NSO ang inyong kasal, eh, di, hindi kayo kasal. Kung kasal kayo, you will need to get your marriage annulled. Get a lawyer.
Nilo Ladores
is a QS in the Philippines
Maraming salamatpo Atty sa inyong reply.. hindi po kasi alam nyg mga magulang namin na ikinasal kami sa Mayor.. na check na po namin sa NSO nakarehistro na po sa kanila ang aming kasal.. kasi po single pa po kasi ang nakatatak sa passport nya at saka bago po kasi sya nakapagpaskal sa israel hindi pa po naireregister ung kasal namin dito sa madaling salita po pagdating nya duon nagpakasal din siya agad sa iba.. Opo tama po kayo na bago po kami ikisal nagsiping na po kami pero sa simula palang po di na kami nagsama kahit bago pa po kami ikinasal kasi nga po ayaw ng mga magulang nya sa akin ang nangyari lang po sa amin ay tuksuhan lang pero ang totoo po di po namin tiyak ang nasa loob namin kung mahal po talaga namin ang isat isa pero napatunayan po namin na di po pala talga namin mahal ang isat isa kaya nagkaroon po kami ng kanya kanyang pamilya..

Ito po ang mga tanung ko:

1. Magiging madali po ba na mapa anulled ang kasal namin sa aming sitwasyon ngayun lalo na at may kanya kanya na kaming pamilya?
2. Kung sakali anu anu po ba ang kailangan namin i provide na documents pr makatulong para mapadali ang proseso..
3. Gaano po ba katagal bago ma anulled ang aming kasal at mapaprocess po ba yun kahit wala sya dito..
4. Magkano po kaya ang kailangan ko para ma anulled ang aming kasal

Maraming salamt po sa iyo sana po matulungan nyo ako malinawan ang lahat .. GOD BLESS po

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.