Magandang Araw po Atty.
Sa ngayon po, Nakatira po ngayon ang kabit ng tatay ko at mga anak niya sa bahay namen pero wala silang anak ng tatay ko. Ang tatay at nanay ko po ay kasal at may katibayan na sila po ay kasal.
Ang lupa po ay di pa nakatransfer sa pangalan ng parents ko nakapangalan pa sa lola ko pero nahati na sa mga kapatid at napatayuan na ng kanya kanyang bahay.
ang tanong ko po may habol po ba kami ng nanay ko sa bahay namen kahit di pa ito nakapangalan sa tatay ko?
Ano pong kaso ang pwede isampa ng nanay ko sa tatay ko na may kabit at nakatira pa sa mismong bahay na pinaghirapan ng nanay ko?
At pwede po ba magsampa ng kaso kahit nasa ibang bansa ang tatay ko?
Maraming Salamat po, Atty.