Sa huwes ikinasal, paano mapawalang bisa kasal?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

15 years na kami hiwalay ng asawa ko, wala na po kami communication. Wala din po kami anak, pano po ba pawawalan ng bisa ang kasal namin? Sa huwes po kami ikinasal

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sabi mo, sa huwes kayo kasal -- ang kasal sa huwes ay legal, pareho din ng kasal sa simbahan. Bago mo isipin ang pagpapa-walang bisa ng iyong kasal, sinubukan mo na bang kumuha ng kopya ng Marriage Certificate mo mula sa Philippine Statistics Office (dating NSO)? Kasi, ang dami ko nang mga kliyente na gustong magpa-annul ng kasal, eh, noong makita sa NSO, hindi naman pala rehistrado ang kanilang kasal. So, suwerte sila, kasi, hindi na sila magkakagastos.

As per usual, lagi kong sinasabi sa mga nagpo-post dito at nagtatanong, hindi basta-bastang magpa-annul ng kasal. Under Article 36, kailangang mai-prove na may personality disorder ang asawa ninyo bago ma-annul ang inyong kasal.

Kung hindi naman sa Article 36, kailangan ninyong ipakita na noong ikasal kayo, wala ang isa sa mga essential requisites ng marriage, o kaya naman, may depekto ang mga formal requirements.

Hindi po tayo katulad ng ibang mga bansa -- wala pong diborsiyo sa Pilipinas. Ang mga taong ayaw na sa mga taong pinakasala nila ay dadaan sa butas ng karayom bago mapa-walag bisa ang isang legal na kasal.

So, the best thing to do, is to consult a lawyer. Dapat ay ilahad mo ang lahat ng kuwento mo sa abogado para makapag-bigay siya sa iyo ng opinion kung ikaw ay may laban. At humanda ka, kailangan mong tumestigo, at kailangan ay may psychiatrist or psychologist kang ihaharap sa husgado upang sabihin na may personality disorder ang iyong asawa.

Good luck sa iyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Magandang gabi po ako po ay ikinasal sa brunei. Pareho po kaming pilipino ng napangasawa ko. Pagkatapos naming ikasal umuwi kami ng pinas. Ngunit pagkatapos nun ay hndi na cya nagtrabaho. Naging iresponsable cya. Kaya ako ang nagtrabaho para sa amin. HiwLay napo kami mula nuong 2014. Meron na din cyang kinakasama ngayon at may anak na din sila. Gusto ko po mapawalang bisa ang aming kasal. Bukod sa annulment. Pwede po ba akong mag file ng nullity of marriage? Dahil alam ko po wala po kming marriage license. Panu ko po ba malalaman kung meron kaming marriage license? Sa embassy kami ng brunei ikinasal. Sinubukan ko pong kumuha sa pinas ng Marriage contract at nakakuha po ako.
Chay Degracia
is in Canada
magandang araw po galing po sa canada.
ask ko lng po abotu dun sa sinbi nyu.
kung napatunayan pong hindi reshitrado ang ksal sa nso na ginawa po sa city hall
anu po ba legal procedure pra po masabing void po ung ksal na nangyari sa monucipyo
and pwde po ba ako magpaksal ulit kung sakali pong wala po akong record sa mismong nso?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.