Civil wedding file annulment case-Magkano po, saan mag-file at paano?

Reymando Dasigan
is a warehouseman in United Kingdom

Sa huwes po ako kinasal noong 2008. Paano po mag file ng annulment at saan dapat mag file nito? At magkano po ba magagastos?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kayo po ay maaaring mag-file ng annulment case kung saan kayo nakatira, kung saan kayo kinasal, o kung saan kayo'y naninirahan noong kayo'y nagsasama pa, o kung saan matatagpuan ang inyong asawa. Kung may mga anak kayo at ayaw ibigay sa inyo ang inyong mga anak, mas maiging kung saan nakatira ang inyong mga anak, doon kayo mag-file ng annulment at tuloy habeas corpus na para ang mga anak ninyo ay iyong makita. Itanong po ninyo sa inyong abogado kung saan pinaka-maiging i-file ang inyong kaso.

Kung sa magkano, wala pong suggested retail price ang annulment, sapagkat ito po ay hindi paninda sa grocery o palengke. Ang presyo pong sisingilin sa inyo ng inyong abogado ay dedepende una sa hirap ng inyong kaso, sa hirap noong abogado sa paglalakbay patungo a lugar ng paglilitis, sa kalibre ng abogado, sa kanyang experience, sa dami ng mga kasong kanyang hinahawakan, at sa inyo din. Kasi, may mga kliyente na payag na sila ang lumakad ng mga ipa-file, mga kukuhaning dokumento, mga ipapa-xerox at ipapa-mail. Kaya acceptance at appearance fee lang ang sisingilin ng abogado.

Kung kaibigan o kamag-anak naman ninyo, o kapananampalataya ninyo, baka puede ang pang meryenda na lamang, puede din namang contingent (kung may hinihingi kayong danyos sa inyong asawa).

Sa husgado, may babayarang docket fees (nagbabagopbago po ang docket fees depende sa lugar, at sa klase ng kaso, sa laki ng hinihinging danyos or supporta. May babayaran din para sa pagpapa-certified true copy ng mga dokumento tulad ng marriage certificate, birth certificate ng mga anak, etc. kailangan ding bigyan ng pamasahe ang bailiff ng husgado na maghahatid ng summons. kailangan ding bayaran ang mga transcript.

Maghanda kayo ng malaking pera para sa mga gastusin. Parang paghahanap din po ng doktor iyan kung kayo'y magpapa-opera, mas mura sigurado kung kayo'y magpapa-opera sa PGH or sa Ospital ng Maynila kaysa sa kung kayo'y magpapa-opera sa pribadong ospital. At kailangan din po ninyong mag hanap ng second opinion. Magtanong-tanong. Kung ako po sa inyo, pumunta po kayo sa Family Court na pinaka-malapit sa inyo. Umupo po kayo sa husgado at makinig sa mga pagdinig. Pagmasdan po ninyo iyong mga humaharap, pakinggan silang makipagptalastasan, at makikita po ninyo kung sila'y mabibigyan ninyo ng inyong pagtitiwala.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.