Well, I had an experience like this once, ang ginawa ng mga relatives noong bata, nag-file ng writ of habeas corpus. Nag-file din ng kidnapping laban doon sa kumupkop.
Alam mo ba kung saan ang province noong ina noong bata? Kaibigan mo ba siya sa FB? Ang gawin mo, gumawa ka ng account sa FB, i-friend mo iyong ina at halughugin mo ang wall niya for posts about your pamangkin.
Pag naka-kita ka ng recent picture ng pamangkin mo, i-search mo ang picture at hanapin mo ang mga details ng picture (usually kasi, may naka-lagay na location sa picture). So, kapag alam mo na, puntahan mo doon. Pero, bago magpa-kita sa pamangkin mo, mag-sumbong ka na sa barangay, sa pulis, at kung may means ka, ikaw ay mag-file ng petition for writ of habeas corpus sa pinaka-malapit na husgado doon sa kinaroroonan ng bata.
Anyway, that's what a friend of mine did to find a relative that had been secreted away. Ang pinaka-maganda, mag-consulta ka ng abogado na medyo matibay ang loob at handang makipag-laban para ma-kuha mo ulit ang iyong pamangkin. Ang batang may edad 11 ay binibigyan ng batas ng karapatang pumili kung saan siya titira (lalo na't stranger naman iyong pinag-iwanan sa kanya).
Ang "best interest of the child" is the paramount concern. Halimbawa, walang kilala ang bata doon sa probinsiya, kung siya'y walang kamag-anakan doon, kung siya'y hindi nagsasalita ng kaparehong linguwahe doon sa linguwahe sa probinsiyang iyon, at kung wala siyang kaparaanan na ma-contact ang mga itinuturing niyang mga kamag-anak niya (kayo) iyon ay maka-sasama sa emosyonal ay sikolohikal na kalusugan ng bata.