Nagsampa ng RA9262 sa DSWD. Makukulong pag umuwi Pilipinas?

Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates

Hingi sana po ako ng advise. May bf po ako, magkasama po kami dito sa Dubai for almost 8 yrs. Dito na din po kami nagkakakilala.

May tanong po sana ako at ako'y naguguluhan. Nalaman ko kasi sa ibang tao na may pinakasalan daw siyang iba at may anak po eto. Pinakita po sakin ng babae yong Marriage contract kong san sila ikinasal at may anak po daw sila isang babae. Nalaman ko po eto nong December 2014, pero dineny po ng bf ko. Hindi po daw niya kilala ang babae at ang bata.

Ngayon po sabi ng babae nag sampa ng kaso of RA9262 na ngayon po daw ay nasa DSWD na po. Makukulong po bf ko pag nalaman ang totoo na siya talaga ang lalaking sinsabi ng babae na asawa niya? Balak po naman namin umuwi this December po para magbakasyon. Ano po ang mapapayo niyo sa amin? Salamat po atty.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Una sa lahat, ang RA 9262 ay ang VAWC -- Violence Against Women and their Children Act. Kapag sinabi ng isang tao na siya'y nagsampa ng habla sa ilalim ng RA 9262, ibig sabihin ay ang demanda ay child abuse.

Ngayon, kung ang lalaki ay nasa Dubai at ang bata at ang babae na nagsasabing siya ay asawa noong lalaki ay andito sa Pinas, isa lang ang puedeng habla na gawin ng babae. Ito ay ang economic abuse. Sa ilalim ng economic abuse, sinasabi ng babae na sila'y hindi sinusuportahang pinansiyal noong lalaki.

Ang problema lang dito sa hablang ito, kailangan patunayan ng babae na tunay nga ang kasal nila noong lalaki at tunay nga na anak niya ang bata. So, ang pinaka maganda, maki-suyo ka sa kamag-anak mo dito sa Pilipinas. Magpa-kuha ka ng kopya ng marriage certificate noong lalaki sa Philippine Statistics Administration (dating NSO). Magpa-kuha ka rin ng kopya ng birth certificate noong bata. Kung maaari nga, magpa-kuha ka ng CeNoMarr (Certificate of No Marriage) mula sa PSA.

Ang CeNoMarr ay isang certification na issued ng PSA sa katunayan na kanilang tinignan ang Index of Marriage at kanilang nakita na walang kasal na nakatala sa pagitan ng (pangalang ng boyfriend mo) at noong babae.

Ang isa pa, duda ako na kung talagang nagsampa siya ng habla, ito'y didinggin sa DSWD -- walang jurisdiction ang DSWD sa mga violation ng VAWC. matakot ka kung sabihin na naghabla na sila sa pulis o sa piskalya (Prosecutor's Office).

Baka naman na-ngangwarta lang ang babae. Kung may kutob ka na sindikato at gagatasan lang kayo, aba, makipag-ugnayan sa NBI o sa pulis at kailangan ma-dakip ang babaeng ito dahil sa hindi lang kayo ang bibiktimahin ng babaeng iyan.
Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates
Pano po yun atty sinasabihan niya po kami na makukulong po dw bf ko kahit Ndi niya kilala ang babaeng nanakot sa kanya. At ang sabi po niya may dna test po dw siya na ang bf ko po dw ai ang ama ng bata pero atty pano po yun eh Mali naman po ung middle name ng bf ko sa marriage contract niyang pinadala. Kc Ndi niya po talaga kilala ang babae ano po ba dapat e kaso sa ganyan po para manahimik po siya sa pananakot samin salamat po atty
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, my dear, if the girl insists na sa boyfriend mo iyon, bakit ikaw ang kinaka-usap, bakit hindi ang boyfriend mo?

At kung can-afford naman pala siyang magpa-DNA test ng bata (sa totoo, sa St. Lukes, aabot sa P50,000 ang magpa-DNA test), aba, hindi niya kailangan ng support para sa anak niya, mayaman naman pala siya.

I think, I smell a rat. Mang-gagancho ang babaeng iyan. So, you should contact the NBI. Ask your relatives to contact the NBI for you. Alamin mo ang lahat ng puede mong malaman patungkol sa babae. Name, address, facebook, email, lahat. Kung maaari, mag-set up kayo ng operation para madakip ang babaeng iyan.

Itanong mo sa kanya kung ano ba ang gusto niya. Kung sasabihin niya na gusto niyang bigyan mo siya ng pera, sabihin mo sa babae na sige, magbibigay ka na lang ng pera (kung halimbawa'y humihingi siya ng pera). Tapos, sabihin mo na nanay mo o kapatid mo ang magbibigay. Magkikita ngayon ang kapatid mo at ang babae, pero, may kasama nang pulis ang kapatid mo. Huli.

Ginagawa ng pulis at NBI ito ngayon, kasi, may anti-crime drive ang pamahalaan. Good luck sa iyo! at sana'y matapos din ang bangungot mo.
Ella Bellea
is a Secretary in United Arab Emirates
salamat po atty pinapa imbistigahan na din po nila yang babae baka kc niloloko lang kami or talagang inaangkin nyang asawa niya bf ko.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.