Ipinakasal nung 16 years old at iniba pangalan at birthdate

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sana matulongan po ako dito ng website nato. Eto ang storey ng life ko.


Meron po akong tatlong anak lalaki. And nong nagka bf ko at nalaman ng parents ko, pinakasal nila ako kahit 16 years old pa ako nuon. At eniba nila lahat- name ko date of birth ko saka yong year. Pero father and mother's name hinde ineba.


Ang tanong ko po is young tatlong anak ko ngayon hinde sa aking nakapangalan. Ano po ang tama kong gawin kasi nandito po ako ngayon sa UK nag tatrabaho. Plano ko kasi silang kunin. Yong dalawa kong anak minor pa pro yong panganay ko 21 years old na. At saka yong father sa mga anak ko since nagka hiwalay kami hinde sumosoporta sa kanila. Ako na nag paaral nagpapakain at hinde talaga nag bigay kahit na peso at wala na rin siyang pakialam. Ano po ba ang tama kong gawin. Please help me at sana my alam din kayong magandang lawyer at expert sa problema katulad ng problemang ito. Please po tulongan nya po ako at ma advice din nyo po ako..salamat at god bless

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, mahirap iyan. Kasi, you need to prove that they are your children. Ano po ba ang nakalagay sa kanilang birth certificate? Kaninong pangalan po ang nakalagay na ina nila? Kung ang pangalan po ng ina nila ay iyong pangalan na inyong ginagamit sa inyong passport sa UK, puede ninyo silang makuha.

Napaka-gulo po ng inyong kuwento. Hindi ko po malaman mula sa post ninyo kung paano kayo nakarating sa UK kung ang pangalan ninyo sa marriage contract ninyo ay iba sa ginagamt ninyong pangalan sa inyong passport (so sa passport ninyo kayo ay single pa?)

Kung ang inyong mga anak ay rehistrado sa pangalan ninyo (maiden name, tunay na name, pareho sa pangalan na ginagamit ninyo sa Passport ninyo), okay lang kahit illegitimate ang mga anak, puede pa rin ninyong kuhanin ang mga anak ninyo. Kaso, mahihirapan kayo dahil sa kung may ama sila at taglay nila ang pangalan ng ama nila, kailangan pa ninyo ng permiso o consent ng husband ninyo.

Kung sa pangalan naman po ng iba nakarehistro ang mga bata (yung pangalan ninyo sa marriage certificate ninyo), sa tingin ng batas, hindi ninyo anak sila, sila'y pamangkin ninyo kasi, ang lumalabas, parang may isa pang anak ang mga magulang ninyo (iyong false name na ginamit nila para maikasal kayo).

Are you even in the UK legally? kasi, kung illegal kayo sa UK, basta maka-kuha ng passport ang anak ninyo at sila ay over 18 na, puede na silang pumunta sa UK, iyon nga lang, undocumented alien sila sa UK.

You have to see a lawyer. I cannot advise you without having seen any of your documents. You need to get a legal opinion from a lawyer who has seen your documents.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po again.nandito po ako sa Uk ngayon legally gamit yong totoo kong pangalan sa birth cert.ko at yong mga anak ko ang gamit nilang pangalan sa mother eh yong pangalan na ginagamit sa pagpakasal ko.like example.yong totoo kong pangalan is Amelia.at sa pangalan na naka lagay doon sa marriage contract is Amelita eh yon pangalan naka lagay sa birth cert.ng mga anak ko.pero pariho yong maidle name at family name.pro yong date of birth ko eniba din nila ng magulang ko.so yong naka lagay ng passport ko is yong totoo kong pangalan Amelia.at saka yong father ng mga anak ko eh wala namang problema na kunin ko sila kc para din naman sa kinabukasan ng mga anak.at kong kailanga na e prove na mga anak ko sila ano po bang procedure na gagawin ko.at saka pag e adop ko yong mga anak ko.gaano po ba katagal yong adoption process. at saka kalingan ko talaga ang magaling na lawyer eh.kc ngayon march umowi ako kasa isang buwan lang vacation ko.salamat po ulit god bless po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
yes po ang naka lagay sa passport ko ay single kasi hinde pa naman talaga ako kasal sa tunay kong pangalan eh.ganito kasi yon.nong time na yon na gusto ng parents ko na epakasal kahit 16 pa ako.nong nag punta cla sa munisipyo hinde pa daw ako pwd ekasal kasi minor de edad pa.so yon ginawan nila ng paraan eniba lahat nila.para lang makasal ako.kasi yong mga parents ko subrang strict.kasi dignity ang importante sa kanila.kaya ngayon subrang laki ng problema ko sana at saka po my ka kilala kayong lawyer na ma recommend sa akin.salamat po ulit god bless you po

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.