Home » Abogado Payo » Family Law

Cleri is currently in the Philippines.

Hindi nagsusustento sa mga anak, pinangakuan ng kasal

Ako po ay may 2 anak na lalaki, 8 and 6 yrs old. Ako ay napangakuan ng kasal ng pinagbubuntis ko pa lang ang panganay ko. Pero nakiusap po ang biyenan kong lalaki sa magulang ko na matapos lang ang kanilang gastusin sa opsital ng mga panahong yon, pwede na kame ikasal.


Nung panahon po na yon kaka-opera lang sa puso ng byenan kong babae. Pero nakapanganak na ako at nasundan pa ulit. Yung ama ng mga anak ko wala nag abroad po, at pagkatapos ng isang taon nagpakasal sa iba. Yung panganay ko pong anak kinuha sakin ng mga magulang nya, at hirap ko na po makuha dahil nagagalit sila pag kinuha ko ang bata. Pati po yung bunso ko gusto nila kuhanin at ang sabi po, dalawin ko na lang po. Tama po ba yung gusto nilang mangyari? Kahit para sa akin, napakahirap dahil ako ang ina.


Isa pa, wala po akong natatanggap kahit piso mula ng mag abroad ang ama ng mga anak ko. Opo wala ako karapatan, pero may anak po siya sa akin. Ano po ba dapat ko gawin? 6 na taon na po sya pablik balik sa abroad. Walang sustento mula pa nuon sa anak namen

21, Dec 2016, 11:09 PM (PH time) · · Report abuse

Disclaimer

Ang mga naka-lathala dito sa website na ito ay pawang pagpapalaganap lamang ng impormasyong legal at hindi kailanman dapat na ituring na payong legal. Nais lamang ng website na ito na malaman ninyo ang nilalaman ng batas na maaaring maka-apekto sa inyong buhay at hanapbuhay.

Ang pagbabasa ng mga post at articles sa website na ito or sa mga posts ng abogado sa website na ito ay hindi nangangahulugang kayo ay may ugnayang lawyer-client na. Hindi kayo kliyente ng abogado dito ay hindi ninyo abogado ang nag-post ng opinion.

Masdan na laging isinasaad sa mga post na kayo ay dapat kumuha ng inyong sariing abogado sapagkat hindi pumapayag ang mga abogado sa website na ito na kayo’y maging kliyente niya.

The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes only and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser. The opinions expressed at or through this site are the opinions of the individual author and may not reflect the opinions of the firm or any individual attorney.

If you are a legal expert who would like to help, please register here.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Atty. Bimbi is a Legal expert currently in the Philippines.
I sympathize with you. Unfortunately, ang promise to marry, kapag hindi in-honor ng lalaki ay hindi nagbibigay ng karapatan sa babae na magdemanda para mapilitan ang lalaki na pakasalan siya. Hindi naman kasi nadidiktahan ang puso kung sino ang iibigin at kung sino ang pakakasalan.

Ngayon, ang bata ay dapat na nasa custody ng ina. If you want custody over your son, you will have a right to it. Can you support your children? Do you have work? Do you have a place to stay? Kasi, ito ang itatanong ng husgado sa iyo kung babawiin mo ang iyong anak sa kanila. May karapatan ka naman na kuhanin ang anak mo.

But then, if you don't have work and you cannot support your son, masakit man sa puso mo, if he is better off with his grandparents because they can feed him, clothe him and send him to school, is that so bad?

May karapatan ka. I can understand your feelings, of course you want your son with you. It is your right. But you also have to think about the best interest of your son.

I suggest that you consult a lawyer. I suggest that you also think about this through. You can get your son, you can demand from their biological father that he send them monthly support. And if he refuses, you can always file a case in court to compel him to send that support.

You will have to fight for your children. Kaya mo ba iyon? Mukhang natatakot ka sa galit ng mg magulang ng tatay ng mga anak mo. kailangan mong patibayin ang loob mo. Ikaw ang may karapatan sa mga bata. Ang mga bata ay may karapatan na suportahan ng kanilang ama. kaya mo bang ipaglaban ito? If you can, find a good lawyer and start the process of getting your child.Sabi mo naman, nagagalit sila, e ano kung magalit sila?
2016-12-27 20:35:00 · · Reply · Report abuse
 
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Find friends

Send Money Home

Recent posts
< Newest posts Older posts >

© 2013 Buhay OFW. All rights reserved. Copyright notice.
Terms and conditions, features, support and service options subject to change without notice.