Isang problema ko sa kuwento mo, hindi mo nabanggit kung ano ang maiden name ng nanay mo, kasi, iyon ang middle name mo dapat.
Kung halimbawa maliwanag naman sa birth certificate mo na Binasoy ang maiden name ng nanay mo, and yet, despite the fact na nakalagay na ang pangalan ng nanay mo ay Binasoy, ang inilagay na last name mo ay Mangada, ito ay typographical error or clerical error lang.
Sa ilalim ng RA 9048 at RA 10172, puede mong ipa-correct sa Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Office)ang clerical or typographical error na ito.
Hindi mo kailangan ng abogado, kailangan mo lang na pumunta sa Civil Registrar at ikaw ay mag-fill out ng form nila para maumpisahan ang evaluation ng iyong papeles para makita nila kung talagang clerical or typographical error lang ito.
May babayaran ka rin, pero, on the whole, mas madali ang administrative na action na ito kaysa sa noong araw na ang lahat ng correction ng entries sa birth certificate ay dumadaan pa sa husgado. Ngayon, kung ang correction ay clerical o typographical lang, puede nang hindi dumaan sa husgado.
Good luck sa iyo. Kung ikaw ay malapit sa Maynila, puede kang magtanong sa Philippine Statistics Office. Kung gusto mo, magpatulong ka sa Public Attorney's Office. Puede din ito. Ang pinaka-maganda ay sumangguni ka sa isang abogado matapos mong makuha ang mga certified copies ng iyong birth certificate, ng birth certificate ng parents mo, ang marriage certificate o death certificate ng parents mo at mga birth certificate ng mga kapatid mo (kung meron).