KARAPATAN SA LUPA INLAWS O ASAWA?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

sana may makasagot.. yr 1984 po inaward sa asawa ko ang lupang pinatayuan namin ng bahay.. actually nung naging mag asawa na kami ng 2012 (kasal namin) meron nang isang palapag akong dinatnan.. yr 2007 d pa kami kasal ipinalakad daw ng asawa ko sa nanay nya ang pagbabayad ng buwis at nagpagawa sila ng waiver na nagpapatunay na binibigyan ng asawa ko ang nany nya ng karapatan na lakarin ang mga kailangan sa pagbabayad ng buwis.. pangalan ng nanay nya ang naka file as nagbayad since nasa destino ang asawa ko yr 2007.. year 2007 din kami nagsama at nakapagpatyo na kami ng 2 palapag.. nung ttime na yun biglang sumulpot ang kapatid na bunso ng kapatid ko at dun na daw titira kaya pinahiram ng asawa ko ang isang kwarto.. yr 2012 ng ikasal kami nadagdagan pa ng isang palapag 3rd flr na..




ang problema ngaun nung sinasabi namin kailangan na yung kwarto ay ayaw na nilang umalis dahil ginigiit nilang sa kanila yun dahil sa nanay nila nakapangalan ang tax declaration kaya may karapatan sila duon.. ANO PO BANG TAMA? DAHIL PARANG SINASABI NILA NA MAY KARAPATAN SILA SAMANTALANG NAKIUSAP LANG SILA NUON NA PANSAMANTALANG TITIRA? gang ngaun na may asawat anak na sya ay nandito parin at ginigiit na may karapatan sila.. SANA MAY MAKASAGOT.. MARAMING SALAMAT

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kung nakanino ang pangalan ng lupa, iyon ang may-ari. Kung ang lupa ay nai-award na sa iyong asawa, siya ang may-ari nito.

Ang tax declaration ay hindi ebidensiya ng ownership. Ito ay ebidensiya lamang ng pagbabayad ng buwis. So, hindi puedeng igiit na sila ang may-ari ng bahay o ng lupa kung ang ebidensiya nila ay iyong tax declaration lamang. Ang titulo ng lupa, kung kanino naka-pangalan, iyon ang may-ari.

Ang kapatid ng asawa mo, siya ba ay umuupa o siya ba ay nakikitira (na walang binabayarang renta?) Kasi, kung siya'y nakikitira lamang sa inyo, puede mo siyang paalisin sa pamamagitan ng:
1. Pagpapadala ng demand letter na binibigyan ninyo siya ng 30 days para umalis dahil sa kailangan na ninyo ang kuwartong kanyang tinitirahan. At kung hindi siya aalis, mapipilitan kayong siya'y idemanda.
2. Mag-file ng complaint for ejectment una sa barangay. Paghaharapin kayo upang kayo'y magkasundo, pero, kung gusto mo talagang paalisin na sila, huwag ka nang pumayag na magkasundo.
3. Humingi ng certification to file action mula sa Lupon ng barangay.
4. Humanap ng abogado na makaka-tulong sa inyong mag-file ng kaso ng ejectment sa MTC.
5. Bibistahan ang kaso (may mediation, tapos, may filing pa ng position paper).

Kung kayo ang may-ari, may karapatan kayong paalisin ang taong naninirahan sa bahay ninyo na ayaw na ninyong patirahin doon. Kumausap ng abogado upang tuwirang maipag-sanggalang ang inyong mga karapatan sa ilalim ng batas.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.