May iniwang sakahin ang aming namatay na lolo sa 3 niyang anak na babai. Nanay k

Wina Gamboa
is in the Philippines

May iniwang sakahin ang aming namatay na lolo sa 3 niyang anak na babai. Nanay ko ang isa sa mga anak niya. Namatay na ang nanay namin at mayroon silang usapang magkakapatid tungkol sa pagsasaka na bawat taon ay salitan sila. Tapos na ang mga tita ko sa turn nila. Ngayong kami na ang sasaka dito, sinabi ng panganay kong tita na bayaran namin ang ginawa niyang well na pagkukunanan ng patubig bago namin sakahin ito. Iyon ay nagkakahalaga daw ng isan daang libong piso. Kung hindi namin babayaran iyon, hindi namin ito masasaka.Ang nais namin ay payagan kami na sakahin din ito, dahil balak pa po nila na ibenta ito kung hindi namin babayaran iyon na sila din ang priority na bibili. Ano po ang tama naming gagawin?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Kailangan ninyo ng abogado sa mga kadahilanang ito:
1. Kayo ay tagapag-mana ng mga taga-pagmana.
2. Ang inyong usapan ay mga kontrata na umuugat sa pagmamay-ari ng lupa, kung kaya't ang lahat ng usapan ay dapat nai-sulat at naipa-notaryo.
3. Kayo ay mga co-owners, may mga karapatan at obligasyon kayo sa isa't-isa.

Sa isip ko, kung ang patubig lamang ang problema (gusto nila na bayaran ninyo sila ng share ninyo para sa pag-papa-hukay ng well), nararapat lang na mabarayan sila ng lahat ng co-owners dahil sa naka-benepisyo ang co-owned property at co-owners sa improvement na balon.

Hindi ko alam ang lahat ng facts patungkol sa usaping ito. Mas maigi kung kayo ay sumangguni sa isang abogado. Sa akin, dito, ang masasabi ko lamang ay kung ano ang sinasabi ng batas. Hindi ko kayo maaring payuhan na hindi nalalaman ang lahat ng mga nangyari at lahat ng mga circumstances at facts. Please consult a lawyer.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.